12/09/2026
2/2 ANG MAKULAY NA KASAYSAYAN! 🎨🏃♀️🏃♂️
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Color Fun Run sa Barangay Bigo — "Takbo ng Pagkakapantay-pantay, Takbo para sa Lahat: Takbo ng Pagkakaisa."
Hindi lang ito basta pagtakbo. Ito ay pagtakbo na may saysay — kung saan walang naiwan, walang lamangan, lahat pantay-pantay, lahat magkakasama. Sa bawat kulay na dumapo sa ating damit, sumisimbolo ito ng pagkakaiba-iba natin na siyang nagbubuklod sa atin.
Sa ngalan ng buong Sangguniang Barangay ng Bigo, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa kauna-unahang Color Fun Run.
Pangarap lang namin na magkaroon ng isang aktibidad kung saan mararamdaman ng bawat isa na kabilang siya. Ngayon, sa tulong ninyong lahat, naging makulay na katotohanan ito.
Ang bawat hakbang na ginawa natin kanina ay hindi lang para sa kalusugan, kundi hakbang patungo sa isang barangay na mas nagkakaisa, mas nagmamahalan, at mas nagkakaunawaan.
Pinatunayan natin na sa Barangay Bigo, walang mataas, walang mababa — lahat tayo ay pantay-pantay at lahat ay mahalaga.
Sa mga sponsors kay VM Wally Dapla at Kons. Deony Dapla na nakiisa at nagpahatid ng libreng Taho, kay former VM Shierre Ann Shierre Ann Portes Palicpic - PagbilaoWins sa iyong pa-Sound System, sa ating Punong Bayan Angelica Alagang Mayor Ate Gigi Portes sa ilalim ng mga departamento ng Pamahalaang Lokal na nagbigay ng tulong at suporta sa pag-asiste sa mga nakilahok at nagpadaloy ng trapiko Pagbilao Municipal Disaster Risk Reduction ManagementManagement sa pamumuno ni Maam Jane Luce, sa Philippine Army sa pamumuno ng kanilang team leader na si 1st LT Ron Glenn Valeroso, sa BFP sa pamumuno ni sir FSINSP. Jonathan Albos (welcome back po sir dito sa ating bayan) at higit sa lahat, sa mga tumakbo mapa-residente at mga g**o ng Bigo Elementary School, sa mga volunteers, bawat pamilyang nanood at naki-cheer — maraming, maraming salamat po. Kayo ang tunay na kulay ng tagumpay na ito.
Nawa'y ito pa lamang ang simula ng mas marami pang makulay na programa para sa ating lahat. Hanggang sa susunod na takbo!
Hindi alintana ang pagod at puyat para mairaos ng matagumpay ang aktibidad na ito.
Mabuhay ang Barangay Bigo! Mabuhay ang Pagkakaisa!