30/05/2026
Matagumpay na isinagawa nitong May 28, 2026 ang Community Drill sa Barangay Iba. Polo sa pangunguna ng MDRRMO Pagbilao, sa ilalim ng mahusay na pamumuno ng ating masipag at butihing MDRRMC Chairperson Mayor Ate Gigi Portes at OIC-MDRRMO Jane M. Luce.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabigyan ng sapat na kaalaman at praktikal na pagsasanay ang mga kalahok kung paano tumugon sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng paglikas, pagresponde sa emerhensiya, at tamang pagbibigay ng paunang lunas upang makatulong sa pagligtas ng buhay. Ang bawat pagsasanay ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan.
Ipinakita rin ng aktibidad na ito ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at bayanihan sa gitna ng anumang hamon. Sa sama-samang pagtutulungan ng mga opisyal, volunteers, responders, at mga residente, mas nagiging matatag at handa ang ating komunidad laban sa anumang sakuna.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kahandaan at malasakit para sa kapakanan ng bawat isa.
“Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan.”