Barangay Mapagong Pagbilao Quezon

Barangay Mapagong Pagbilao Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Mapagong Pagbilao Quezon, Government Organization, Barangay Mapagong, Pagbilao.

17/07/2026
09/07/2026

πŸ“’ TALAKAYAN SA BARANGAY | Quezon Metropolitan Water District (QMWD)

Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Sitio Tabangay na makiisa sa β€œTalakayan sa Barangay" na isasagawa ng Quezon Metropolitan Water District (QMWD) sa ilalim ng kanilang Gender and Development (GAD) Program

πŸ—“οΈ Petsa: Hulyo 10, 2026 (Biyernes)
πŸ•’ Oras: 3:00 PM
πŸ“ Lugar: New Barangay Hall, Sitio Tabangay

Tatalakayin ang mga sumusunod:
πŸ’§ Wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
πŸ‘₯ Women Empowerment sa ilalim ng GAD
πŸ“ Mga isyu at hinaing kaugnay ng serbisyo ng suplay ng tubig

Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang maiparating ang inyong mga opinyon, mungkahi, at mga suliranin tungkol sa serbisyo ng tubig sa ating komunidad.

Maraming salamat at inaasahan ang inyong aktibong pakikilahok!

Tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ng ating water tank, hatid nito ang libreng inuming tubig para sa mga residente ng Sitio...
06/07/2026

Tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ng ating water tank, hatid nito ang libreng inuming tubig para sa mga residente ng Sitio Tabangay 🫑

03/07/2026

πŸ“’ PUBLIC HEARING ‼️

Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Sitio Tabangay na nasusuplayan ng tubig mula sa Deep Well na dumalo sa gaganaping Public Hearing.

πŸ“… Petsa: Hulyo 5, 2026 (Linggo)
πŸ•” Oras: 5:00 ng hapon
πŸ“ Lugar: Tabangay Basketball Court

Ang pagpupulong na ito ay isinasagawa upang talakayin ang mga usapin, mungkahi, at mga hakbang na may kaugnayan sa ating sistema ng suplay ng tubig. Mahalaga ang inyong presensya at pakikilahok upang marinig ang boses ng bawat residente at makabuo ng mga desisyong makabubuti para sa buong komunidad.

Inaanyayahan ang bawat kabahayan na dumalo sa nasabing magpupulong.

Maraming salamat po at inaasahan ang inyong pakikiisa.

03/07/2026

πŸ—‘οΈ PAALALA | Pangongolekta ng Basura – Sitio Tabangay‼️

Bilang paalala sa lahat ng residente ng Sitio Tabangay, ang pangongolekta ng basura ay tuwing Lunes at Huwebes.

πŸ“ Dalhin ang inyong mga basura sa Tabangay Court bago mag-4:00 ng madaling araw.Mas maagang oras ang itinakda upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan at trapiko sa mga pangunahing daanan.

Pati na rin sa iba pang Sitio na madadaanan ng garbage truck nawa ay isaalang-alang ang mga sumusunod:

♻️ Mahalagang Paalala:
β€’ Huwag gumamit ng black garbage bag, lalo na kung ang laman ay may diaper o iba pang residual waste.
β€’ Gumamit ng sako at tiyaking maayos ang pagkakatali upang maiwasan ang pagkalat ng basura.
β€’ I-segregate ang inyong mga basura sa bahay bago dalhin sa collection pointβ€”paghiwalayin ang nabubulok, recyclable, at residual waste.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pakikiisa at kooperasyon. πŸ’šβ™»οΈ

03/07/2026

πŸ’§ PAALALA | Magtipid sa TubigπŸ’§

Mga ka-Barangay, hinihikayat po natin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng tubig. Dahil sa pagkaubos ng suplay ng tubig sa ilalim ng lupa na siyang pangunahing pinagkukunan ng ating deep well, at sa epekto ng matagal na naranasang El NiΓ±o, patuloy na bumababa ang ating suplay ng tubig.

Kaya naman, mahalagang magtipid at gumamit lamang ng tubig para sa mga kinakailangang gawain. Ugaliin ding mag-ipon ng tubig kung kinakailangan at iwasan ang anumang pag-aaksaya.

Ang bawat patak ng tubig ay mahalaga. Sa sama-sama nating pagtitipid at pakikiisa, mas marami ang makikinabang sa limitadong suplay ng tubig.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon. πŸ’™

27/06/2026

πŸ“’ PAABISO | BAGONG ISKEDYUL NG SUPLAY NG TUBIG SA SITIO TABANGAYπŸ’§

Narito po ang iskedyul ng suplay ng tubig, hinihikayat ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang mga araw na walang suplay upang maiwasan ang abala.

πŸ“… SCHEDULE

❌ June 27- WALANG TULO

πŸ’§ June 28
πŸ•– 7:00 AM – 7:00 AM– Sitio Tabangay IA & IB

❌ June 29– WALANG TULO

πŸ’§ June 30
πŸ•– 7:00 AM – 7:00 PM– Sitio Tabangay II
πŸ•– 7:00 PM – 7:00 AM– Sabino

❌ July 1– WALANG TULO

πŸ’§ July 2
πŸ•– 7:00 AM – 7:00 AM– Sitio Tabangay IA & IB

❌ July 3– WALANG TULO

πŸ’§ July 4
πŸ•– 7:00 AM – 7:00 PM– Sitio Tabangay II
πŸ•– 7:00 PM – 7:00 AM– Sabino

πŸ“Œ Paalala:

Ang iskedyul ng suplay ng tubig ay alternate batay sa nakasaad sa itaas. Sa kasalukuyan ay ginagawan na ng paraan upang madaluyan ng tubig ang mga kabahayan sa dulong bahagi ng Sitio Tabangay. Kung sakaling biglang mawalan ng daloy ito po ay dahil wala nang laman ng tangke.

Humihingi po kami ng kaunting pang-unawa at pasensya habang isinasagawa ang mga hakbang upang maging mas maayos at pantay ang distribusyon ng tubig sa bawat residente.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon at pag-unawa. πŸ’™πŸ’§

Para sa mga nakalista sa ibaba, ang validation po ay sa July 2, 2026 (Martes) sa ganap na ala una ng hapon (1:00pm) sa B...
26/06/2026

Para sa mga nakalista sa ibaba, ang validation po ay sa July 2, 2026 (Martes) sa ganap na ala una ng hapon (1:00pm) sa Barangay Hall ng Barangay Del Carmen at dalhin ang mga nasabing requirements.

23/06/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT ‼️

Pansamantala pong IPINAGBABAWAL ANG PAGDAAN NG MGA SASAKYAN NA MAY APAT NA GULONG SA BAGONG GAWANG KALSADA SA SITIO QNAS upang maiwasan ang pagkasira nito habang hindi pa ganap na matibay.

Mahigpit din pong IPINAGBABAWAL ANG PAGTATANGGAL O PAGSIRA NG NAKALAGAY NA HARANG. Ang mga ito ay inilagay para sa kaligtasan ng lahat at upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng kalsada.

MAKIKISUYO NA PO ‼️

Makikiisa po sana ang bawat isa sa pagsunod sa paalalang ito. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

Magandang araw, mangyaring ang mga pangalang nabanggit ay pumunta sa Tanggapan ng Punong Barangay bukas Hunyo 23, 2026. ...
22/06/2026

Magandang araw, mangyaring ang mga pangalang nabanggit ay pumunta sa Tanggapan ng Punong Barangay bukas Hunyo 23, 2026. Maraming salamat po! 🀍

Address

Barangay Mapagong
Pagbilao
4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mapagong Pagbilao Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share