DAR Quezon I Provincial Office

DAR Quezon I Provincial Office DAR Quezon I Provincial Office is the lead implementing agency of the agrarian reform program in the 1st and 2nd congressional districts of Quezon.

The Department of Agrarian Reform (DAR) leads the implementation of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) through land tenure improvement, agrarian justice, and coordinated delivery of essential support services to client-beneficiaries.

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Matagumpay na isinagawa noong Mayo 25, 2026 ang Blessing and Turnover Ceremony ng Improved Processing Facility...
07/06/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Matagumpay na isinagawa noong Mayo 25, 2026 ang Blessing and Turnover Ceremony ng Improved Processing Facility Building para sa Manggalang Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (MARBENCO) sa Brgy. Manggalang I, Sariaya, Quezon.

Ang pasilidad ay ipinagkaloob sa ilalim ng Village-Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED) Project ng DAR Quezon I Provincial Office sa pangunguna ni CARPO for PBDD Jasper Christian L. Maralit. Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng kooperatiba sa pagproseso ng mga produkto, mapataas ang kanilang halaga sa merkado, at makalikha ng mas malaking kita para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Binabati namin ang pamunuan at mga kasapi ng MARBENCO sa panibagong hakbang tungo sa mas matatag at masaganang kabuhayan! πŸŽ‰πŸŒΎ

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Matagumpay na isinagawa ng DAR Quezon I Provincial Office ang reorganisasyon ng Barangay Agrarian Reform Counc...
04/06/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Matagumpay na isinagawa ng DAR Quezon I Provincial Office ang reorganisasyon ng Barangay Agrarian Reform Council (BARC) sa Brgy. Languyin, Polillo, Quezon.

Kasabay nito, sumailalim sa oryentasyon at panunumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal upang higit na maunawaan ang kanilang mahalagang papel bilang katuwang ng DAR sa paghahatid ng mga programa at serbisyong agraryo sa komunidad.

Sa pamamagitan ng pinalakas na BARC, patuloy na isinusulong ang aktibong partisipasyon ng mga magsasaka at mas epektibong pagtugon sa kanilang mga pangangailangan tungo sa mas maunlad na pamayanang agraryo.

04/06/2026

PANOORIN | Sulyap sa mga kaganapan sa ating Serbisyong PaanDAR Caravan sa Polillo at Burdeos, Quezon nitong Mayo 25–29, 2026.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. at sa pamumuno ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III, patuloy ang ating pagbibigay ng seguridad sa lupa para sa mga magsasaka. Ang bawat e-title at COCROM na ipinamahagi ay patunay ng isang bagong simula para sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Sama-sama tayo sa mas masagana at progresibong Bagong Pilipinas! πŸŒΎπŸ‡΅πŸ‡­

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Matagumpay na isinagawa ang BARC Reorganization sa Brgy. Rosario, Mauban, Quezon, sa pangunguna ng DAR Quezon ...
03/06/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Matagumpay na isinagawa ang BARC Reorganization sa Brgy. Rosario, Mauban, Quezon, sa pangunguna ng DAR Quezon I Provincial Office, katuwang ang mga opisyal ng barangay.

Sa pamamagitan ng oryentasyon at panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal, higit na pinalakas ang kapasidad ng Barangay Agrarian Reform Council (BARC) bilang katuwang sa paghahatid ng mga programa, serbisyo, at impormasyon para sa mga agrarian reform beneficiaries.

Patuloy na nakikipagtulungan ang DAR Quezon I sa mga lokal na pamahalaan upang maisulong ang mas epektibo at makabuluhang serbisyong agraryo sa mga komunidad.

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Sa kabila ng matatarik na daan, masukal na niyugan at kagubatan, pagtawid sa mga ilog, at mahabang lakaran sa ...
02/06/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Sa kabila ng matatarik na daan, masukal na niyugan at kagubatan, pagtawid sa mga ilog, at mahabang lakaran sa kabukiran, matagumpay na naisakatuparan ng DAR Quezon I Provincial Office ang isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at episyenteng pagpapatupad ng repormang agraryo. Hindi naging hadlang ang matinding init ng panahon upang maihatid ang serbisyo sa mga magsasakang higit na nangangailangan nito.

Bilang bahagi ng ikalawang yugto ng Serbisyong PaanDAR Caravan, isinagawa noong Mayo 26, 2026 ang Field Validation of Surveyed Collective Certificate of Land Ownership Award (CCLOA) Landholdings sa mga barangay ng Tamulaya, BaΓ±adero, at Kalubakis sa bayan ng Polillo, Quezon. Pinangunahan ang aktibidad ng DAR Quezon I Provincial Office sa pamumuno ni CARPO for Land Tenure Improvement Division (LTID) at SPLIT Project Parcelization Coordinator Claudette C. Castillo, katuwang ang iba pang kawani ng tanggapan.

Layunin ng nasabing field validation na tiyakin ang katumpakan ng mga datos at hangganan ng mga lupang saklaw ng parcelization sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project. Kabilang sa mga isinagawang gawain ang beripikasyon ng mga muhon, pagsusuri sa aktuwal na kalagayan ng mga lupain, at pakikipag-ugnayan sa mga agrarian reform beneficiaries upang matiyak ang maayos na proseso ng paghahanda para sa paglalabas ng indibidwal na titulo.

Ang patuloy na pag-usad ng SPLIT Project ay bunga ng matibay na suporta at magkatuwang na adbokasiya nina Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado M. Estrella III sa pagsusulong ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng programang ito, higit na napapalapit ang katuparan ng layuning mabigyan ang bawat benepisyaryo ng malinaw, indibidwal, at permanenteng katibayan ng kanilang pagmamay-ari ng lupa.

Sa bawat pagtahak ng malalayong komunidad at pagsuong sa iba’t ibang hamon sa teritoryo, patuloy na pinatutunayan ng DAR Quezon I ang deikasyon nito sa paghahatid ng maagap, makatarungan, at makabuluhang serbisyo para sa kapakanan ng mga agrarian reform beneficiaries.

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Tuloy-tuloy ang arangkada ng serbisyo! Matapos ang tagumpay sa Polillo at Panukulan, dinala naman ang ikalawan...
02/06/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Tuloy-tuloy ang arangkada ng serbisyo! Matapos ang tagumpay sa Polillo at Panukulan, dinala naman ang ikalawang araw ng Serbisyong PaanDAR Caravan: Arangkadang Agraryo Para sa mga Benepisyaryo nitong nagdaang Mayo 27, 2026 sa Burdeos Municipal Covered Court.

Ang malaking programang ito ay patunay ng dakilang pamana at bisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ng liderato ni Secretary Conrado M. Estrella IIIβ€”ang palayain ang mga magsasakang Pilipino sa gapos ng utang at iangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Sa pamamagitan ng New Agrarian Emancipation Act (RA 11953), tuluyan nang binura ang mga utang sa lupa upang magsimula ang bagong bukas para sa ating mga bayani ng kalsada at bukid.

Mahigit 200 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Burdeos ang masayang tumanggap ng kanilang mga Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), indibidwal na electronic titles (e-titles), at libreng legal assistance!

Nagpaabot ng mainit na pagtanggap at pasasalamat si Burdeos Municipal Mayor Hon. Gina P. Gonzales sa patuloy na paglalapit ng mga mahahalagang programa sa bayan ng Burdeos. Nanawagan din siya sa kanyang mga kababayan na patuloy na magkaisa para sa tagumpay ng mga proyektong ito.

Binigyang-diin naman ni Panlalawigang Pinuno ng Repormang Pansakahan (PARPO II) at SPLIT Project Manager Karolina Erika A. Buted ang tunay na diwa ng " Serbisyong PaanDAR": β€œAng layunin ng Serbisyong PaanDAR ay dalhin po ang serbisyo ng Department of Agrarian Reform dito sa Burdeos. Kinakailangan pang sumakay ng barko, magpunta ng Real para lang mag-asikaso, pero dahil ayaw na po namin na kayo ay gumastos pa, kami na po mismo ang lalapit sa inyo.”

Kasunod nito, kinilala ni Regional Director Cupido Gerry D. Asuncion ang kasipagan ng kagawaran sa ilalim ng bagong pamunuan: β€œAng DAR ay napaka-active mula nang si Sec. Conrado Estrella III ay naluklok, sunod-sunod na po 'yung mga programa... Sinisigurado ko po sa inyo, na susuportahan namin kung anuman ang hinihingi [ng DAR Quezon I] para sa inyo dito sa Burdeos. Magpapabalik-balik kami rito upang tuparin ang aming mga pangako at ang mga pangarap ng ating Kalihim para sa inyo.”

Sa mensaheng pagtatapos ay nag-iwan ng nakatutunaw-pusong paalala para sa mga pamilyang magsasaka si CARPO for LTID at SPLIT Project Parcelization Coordinator Claudette C. Castillo: β€œAng mga e-titles at COCROMs na inyong natanggap ay simbolo ng inyong mga pangarap na magkaroon ng sariling lupa. Ito po ay patunay na kayo na po ang nagmamay-ari ng inyong lupang sinasaka, ito rin po ang panimula ng bago at magandang buhay para sa inyo at sa inyong pamilya. Palaging bilin ng butihing Kalihim Estrella: Paunlarin at pagyamanin ang mga lupang ipinagkaloob sa inyo ng gobyerno.”

Isang malaking pasasalamat din ang ipinaabot kay Ms. Gina Rose T. Laure mula sa Office of the Undersecretary for Field Operations Office sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Kazel C. Celeste, sa kanilang pagdalo at pakikiisa upang masiguro ang tagumpay ng aktibidad na ito.

Ito ang tunay na diwa ng Bagong Pilipinasβ€”walang islang malayo kung ang serbisyo ay tapat, mabilis, at may malasakit! πŸ‡΅πŸ‡­

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Patuloy na pinapalakas ng DAR Quezon I ang paghahatid ng suportang serbisyo sa mga malalayong komunidad sa pam...
02/06/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Patuloy na pinapalakas ng DAR Quezon I ang paghahatid ng suportang serbisyo sa mga malalayong komunidad sa pamamagitan ng isinagawang monitoring at site visit sa pasilidad ng Barangay BaΓ±adero Water User Association, Inc. (BAWASA) sa Polillo, Quezon, katuwang ang mga opisyal ng Barangay BaΓ±adero.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos na operasyon ng sistema ng patubig at sapat na suplay ng tubig para sa mga pamilyang agraryo. Sa pamamagitan ng maaasahang pasilidad, higit na napapalakas ang kabuhayan at produktibidad ng mga magsasaka sa komunidad.

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Matapos ang tagumpay ng unang caravan sa bayan ng Jomalig, pormal nang binuksan ang unang araw ng ikalawang se...
01/06/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Matapos ang tagumpay ng unang caravan sa bayan ng Jomalig, pormal nang binuksan ang unang araw ng ikalawang serye ng Serbisyong PaanDAR Caravan: Arangkadang Agraryo Para sa mga Benepisyaryo nitong nagdaang Mayo 26, 2026 sa Polillo Municipal Covered Court.

Sa ilalim ng matatag na direksyon ng ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., patuloy na isinasakatuparan ang isa sa kanyang pinakamalaking legacyβ€”ang palayain ang mga magsasaka sa utang at tuluyang iangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Sa pamamagitan ng makasaysayang pamamahagi ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), tinutugunan ng pamahalaan ang pangarap ng ating mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na tuluyang mapawi ang kanilang mga pasanin sa lupa.

Mahigit apat na raang ARBs mula sa mga bayan ng Panukulan at Polillo ang nakiisa at direktang nakinabang sa malaking programang ito.

Pinasinayaan ang okasyon ng isang makabuluhang mensahe mula kay Polillo Municipal Mayor Hon. Angelique E. Bosque-Pico, na nagpahayag ng buong-pusong pasasalamat at suporta sa mga programa ng DAR.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Panlalawigang Pinuno ng Repormang Pansakahan (PARPO II) at SPLIT Project Manager Karolina Erika A. Buted ang tunay na halaga ng mga magsasaka sa isla: β€œKung wala po kayo, ay wala po kaming kakainin. Ang trabaho ng Department of Agrarian Reform ay hindi lamang limitado sa pagbibigay ng titulo, kundi naghahatid ng mga programa, proyekto, kagamitang pansakahan, pagsasanay, para sa mga ARBs at ARBOs. Kami po sa DAR ay kasama ninyo, sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, upang maitaas po natin ang antas ng pamumuhay ng bawat magsasakang Pilipino.”

Sa pagtatapos, nag-iwan ng hamon at paalala si CARPO for LTID at SPLIT Project Parcelization Coordinator Claudette C. Castillo mula sa bilin ng ating butihing Kalihim Conrado M. Estrella III: β€œPagyamanin at paunlarin natin ang mga lupang ipinagkaloob sa atin ng gobyerno.”

Ito ang reyalidad ng Bagong Pilipinasβ€”isang gobyernong mas naglalapit ng serbisyo, lalo na sa mga kanayunan at islang komunidad! πŸ‡΅πŸ‡­

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Opisyal nang muling binuo ang Barangay Agrarian Reform Council (BARC) ng Brgy. Taluong, Polillo, Quezon sa pan...
01/06/2026

π—•π—”π—¦π—”π—›π—œπ—‘ | Opisyal nang muling binuo ang Barangay Agrarian Reform Council (BARC) ng Brgy. Taluong, Polillo, Quezon sa pangunguna ng DAR Quezon I.

Isinagawa ang naturang reorganization at orientation upang higit na mapalakas ang partisipasyon ng komunidad at malinaw na maipabatid ang mahalagang papel ng BARC sa pag-uugnay ng mga magsasaka sa mga programa at serbisyong agraryo ng pamahalaan.

Binabati namin ang mga bagong opisyal ng BARC na magsisilbing katuwang sa pagsusulong ng mas maunlad at masiglang pamayanang agraryo! 🌾🀝✨

Address

Sitio Fori, Barangay Talipan
Talipan
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639218844438

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Quezon I Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Quezon I Provincial Office:

Share