Project SPLIT PPMO-Quezon I

Project SPLIT PPMO-Quezon I This is the official FB page of the World Bank-funded Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project (SPLIT)-DARPO Quezon I

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š | Kasunod ng ating mga naitampok na kwento ng tagumpay, ating ipinagmamalaki ang testimonya ni G. Efre...
21/06/2026

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š | Kasunod ng ating mga naitampok na kwento ng tagumpay, ating ipinagmamalaki ang testimonya ni G. Efren M. Villason, isang masipag na Agrarian Reform Beneficiary (ARB) mula sa Isla ng Jomalig, Quezon.

Para kay G. Villason, ang pagdiriwang ng ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ay nagkaroon ng mas malalim at totoong kahulugan nang mapasakamay niya ang kanyang Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) sa pamamagitan ng Serbisyong PaanDAR Caravan. Ang piraso ng papel na ito ang naging susi upang tuluyang mabura ang mga lumang pinansyal na obligasyon na kay tagal dinala ng kanyang pamilya.

Salamat sa bisyon nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado M. Estrella III sa paghango sa ating mga bayani ng bukid tungo sa isang masaganang kinabukasan.

Mabuhay ang ating mga magsasaka! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

16/06/2026

๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ | ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ ๐—”๐—ฟ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ผ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐˜‚๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Dahil sa patuloy na pagsasaayos ng linya ng kuryente sa DAR Quezon I Provincial Office, ipatutupad ang ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ-๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ-๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒ (๐—ช๐—™๐—›) ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€, ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฒ๐˜€, para sa mga itinakdang kawani habang mananatili ang ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—น ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ sa opisina upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo.

Para sa mga katanungan at iba pang transaksyon, maaari pa ring makipag-ugnayan sa page na ito o tumawag sa ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿฒ-๐Ÿณ๐Ÿฌ๐Ÿฌ-๐Ÿณ๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿฒ.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan!

16/06/2026
๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญKaugnay ng nakalipas na pagdiriwang ng ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ating binibigyang-p...
14/06/2026

๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”, ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kaugnay ng nakalipas na pagdiriwang ng ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ating binibigyang-pugay si ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† (๐—”๐—ฅ๐—•) ๐—˜๐—บ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป ๐—ง๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡ ng Isla ng Jomalig, Quezon, sa mahalaga nitong kontribusyon sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain at sa pagpapakita ng katatagan ng mga magsasakang Quezonian.

Si ARB Mendez ay isa sa mga mapalad na nakatanggap ng ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ (๐—–๐—ข๐—–๐—ฅ๐—ข๐— ) sa pamamagitan ng ๐——๐—”๐—ฅ ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—œ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐——๐—”๐—ฅ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป, kung saan tuluyan nang binura ang mga lumang pagkakautang sa lupa ng kaniyang pamilya upang sila ay maging ganap at malayang may-ari ng kanilang sinasaka.

Ang makasaysayang programang ito ay naisakatuparan sa ilalim ng direktiba at bisyon nina ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ "๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด" ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. at ๐——๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐— . ๐—˜๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐—œ๐—œ๐—œ na palayain ang bawat lokal na magsasaka mula sa pinansyal na pasanin tungo sa isang masaganang pamayanang agraryo.

๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™ ๐™ž๐™™ ๐™ข๐™ช๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™ช๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ!

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—”, ๐—ž๐—”๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ฌ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก! ๐ŸŒพNgayong ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang ika-128 anibersaryo ng kasa...
11/06/2026

๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—”, ๐—ž๐—”๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐—”๐—ฌ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก! ๐ŸŒพ

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang ika-128 anibersaryo ng kasarinlan ng ating bansaโ€”isang makasaysayang tagumpay na bunga ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani.
Kasama ng sambayanang Pilipino, nakikiisa ang Department of Agrarian Reform (DAR) Quezon I sa paggunita sa araw na sumisimbolo ng kalayaan at patuloy na pakikibaka para sa isang mas makatarungan at maunlad na lipunan.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang diwa ng kalayaan upang lalo nating paigtingin ang pagsusulong ng repormang agraryo, pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, at pag-angat ng buhay ng ating mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries.

Sa bawat ektaryang napapaunlad, sa bawat serbisyong naihahatid, at sa bawat pangarap na natutupad sa kanayunan, patuloy nating binibigyang saysay ang tunay na kalayaanโ€”isang kalayaang may kasamang oportunidad, dignidad, at pag-unlad para sa lahat.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€! ๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ!

04/06/2026

PANOORIN | Sulyap sa mga kaganapan sa ating Serbisyong PaanDAR Caravan sa Polillo at Burdeos, Quezon nitong Mayo 25โ€“29, 2026.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. at sa pamumuno ni DAR Secretary Conrado M. Estrella III, patuloy ang ating pagbibigay ng seguridad sa lupa para sa mga magsasaka. Ang bawat e-title at COCROM na ipinamahagi ay patunay ng isang bagong simula para sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Sama-sama tayo sa mas masagana at progresibong Bagong Pilipinas! ๐ŸŒพ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa kabila ng matatarik na daan, masukal na niyugan at kagubatan, pagtawid sa mga ilog, at mahabang lakaran sa ...
02/06/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa kabila ng matatarik na daan, masukal na niyugan at kagubatan, pagtawid sa mga ilog, at mahabang lakaran sa kabukiran, matagumpay na naisakatuparan ng DAR Quezon I Provincial Office ang isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at episyenteng pagpapatupad ng repormang agraryo. Hindi naging hadlang ang matinding init ng panahon upang maihatid ang serbisyo sa mga magsasakang higit na nangangailangan nito.

Bilang bahagi ng ikalawang yugto ng Serbisyong PaanDAR Caravan, isinagawa noong Mayo 26, 2026 ang Field Validation of Surveyed Collective Certificate of Land Ownership Award (CCLOA) Landholdings sa mga barangay ng Tamulaya, Baรฑadero, at Kalubakis sa bayan ng Polillo, Quezon. Pinangunahan ang aktibidad ng DAR Quezon I Provincial Office sa pamumuno ni CARPO for Land Tenure Improvement Division (LTID) at SPLIT Project Parcelization Coordinator Claudette C. Castillo, katuwang ang iba pang kawani ng tanggapan.

Layunin ng nasabing field validation na tiyakin ang katumpakan ng mga datos at hangganan ng mga lupang saklaw ng parcelization sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project. Kabilang sa mga isinagawang gawain ang beripikasyon ng mga muhon, pagsusuri sa aktuwal na kalagayan ng mga lupain, at pakikipag-ugnayan sa mga agrarian reform beneficiaries upang matiyak ang maayos na proseso ng paghahanda para sa paglalabas ng indibidwal na titulo.

Ang patuloy na pag-usad ng SPLIT Project ay bunga ng matibay na suporta at magkatuwang na adbokasiya nina Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado M. Estrella III sa pagsusulong ng seguridad sa pagmamay-ari ng lupa ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng programang ito, higit na napapalapit ang katuparan ng layuning mabigyan ang bawat benepisyaryo ng malinaw, indibidwal, at permanenteng katibayan ng kanilang pagmamay-ari ng lupa.

Sa bawat pagtahak ng malalayong komunidad at pagsuong sa ibaโ€™t ibang hamon sa teritoryo, patuloy na pinatutunayan ng DAR Quezon I ang deikasyon nito sa paghahatid ng maagap, makatarungan, at makabuluhang serbisyo para sa kapakanan ng mga agrarian reform beneficiaries.

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Tuloy-tuloy ang arangkada ng serbisyo! Matapos ang tagumpay sa Polillo at Panukulan, dinala naman ang ikalawan...
02/06/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Tuloy-tuloy ang arangkada ng serbisyo! Matapos ang tagumpay sa Polillo at Panukulan, dinala naman ang ikalawang araw ng Serbisyong PaanDAR Caravan: Arangkadang Agraryo Para sa mga Benepisyaryo nitong nagdaang Mayo 27, 2026 sa Burdeos Municipal Covered Court.

Ang malaking programang ito ay patunay ng dakilang pamana at bisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ng liderato ni Secretary Conrado M. Estrella IIIโ€”ang palayain ang mga magsasakang Pilipino sa gapos ng utang at iangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Sa pamamagitan ng New Agrarian Emancipation Act (RA 11953), tuluyan nang binura ang mga utang sa lupa upang magsimula ang bagong bukas para sa ating mga bayani ng kalsada at bukid.

Mahigit 200 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Burdeos ang masayang tumanggap ng kanilang mga Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), indibidwal na electronic titles (e-titles), at libreng legal assistance!

Nagpaabot ng mainit na pagtanggap at pasasalamat si Burdeos Municipal Mayor Hon. Gina P. Gonzales sa patuloy na paglalapit ng mga mahahalagang programa sa bayan ng Burdeos. Nanawagan din siya sa kanyang mga kababayan na patuloy na magkaisa para sa tagumpay ng mga proyektong ito.

Binigyang-diin naman ni Panlalawigang Pinuno ng Repormang Pansakahan (PARPO II) at SPLIT Project Manager Karolina Erika A. Buted ang tunay na diwa ng " Serbisyong PaanDAR": โ€œAng layunin ng Serbisyong PaanDAR ay dalhin po ang serbisyo ng Department of Agrarian Reform dito sa Burdeos. Kinakailangan pang sumakay ng barko, magpunta ng Real para lang mag-asikaso, pero dahil ayaw na po namin na kayo ay gumastos pa, kami na po mismo ang lalapit sa inyo.โ€

Kasunod nito, kinilala ni Regional Director Cupido Gerry D. Asuncion ang kasipagan ng kagawaran sa ilalim ng bagong pamunuan: โ€œAng DAR ay napaka-active mula nang si Sec. Conrado Estrella III ay naluklok, sunod-sunod na po 'yung mga programa... Sinisigurado ko po sa inyo, na susuportahan namin kung anuman ang hinihingi [ng DAR Quezon I] para sa inyo dito sa Burdeos. Magpapabalik-balik kami rito upang tuparin ang aming mga pangako at ang mga pangarap ng ating Kalihim para sa inyo.โ€

Sa mensaheng pagtatapos ay nag-iwan ng nakatutunaw-pusong paalala para sa mga pamilyang magsasaka si CARPO for LTID at SPLIT Project Parcelization Coordinator Claudette C. Castillo: โ€œAng mga e-titles at COCROMs na inyong natanggap ay simbolo ng inyong mga pangarap na magkaroon ng sariling lupa. Ito po ay patunay na kayo na po ang nagmamay-ari ng inyong lupang sinasaka, ito rin po ang panimula ng bago at magandang buhay para sa inyo at sa inyong pamilya. Palaging bilin ng butihing Kalihim Estrella: Paunlarin at pagyamanin ang mga lupang ipinagkaloob sa inyo ng gobyerno.โ€

Isang malaking pasasalamat din ang ipinaabot kay Ms. Gina Rose T. Laure mula sa Office of the Undersecretary for Field Operations Office sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Kazel C. Celeste, sa kanilang pagdalo at pakikiisa upang masiguro ang tagumpay ng aktibidad na ito.

Ito ang tunay na diwa ng Bagong Pilipinasโ€”walang islang malayo kung ang serbisyo ay tapat, mabilis, at may malasakit! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Matapos ang tagumpay ng unang caravan sa bayan ng Jomalig, pormal nang binuksan ang unang araw ng ikalawang se...
01/06/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Matapos ang tagumpay ng unang caravan sa bayan ng Jomalig, pormal nang binuksan ang unang araw ng ikalawang serye ng Serbisyong PaanDAR Caravan: Arangkadang Agraryo Para sa mga Benepisyaryo nitong nagdaang Mayo 26, 2026 sa Polillo Municipal Covered Court.

Sa ilalim ng matatag na direksyon ng ating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., patuloy na isinasakatuparan ang isa sa kanyang pinakamalaking legacyโ€”ang palayain ang mga magsasaka sa utang at tuluyang iangat ang antas ng kanilang pamumuhay. Sa pamamagitan ng makasaysayang pamamahagi ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs), tinutugunan ng pamahalaan ang pangarap ng ating mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) na tuluyang mapawi ang kanilang mga pasanin sa lupa.

Mahigit apat na raang ARBs mula sa mga bayan ng Panukulan at Polillo ang nakiisa at direktang nakinabang sa malaking programang ito.

Pinasinayaan ang okasyon ng isang makabuluhang mensahe mula kay Polillo Municipal Mayor Hon. Angelique E. Bosque-Pico, na nagpahayag ng buong-pusong pasasalamat at suporta sa mga programa ng DAR.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Panlalawigang Pinuno ng Repormang Pansakahan (PARPO II) at SPLIT Project Manager Karolina Erika A. Buted ang tunay na halaga ng mga magsasaka sa isla: โ€œKung wala po kayo, ay wala po kaming kakainin. Ang trabaho ng Department of Agrarian Reform ay hindi lamang limitado sa pagbibigay ng titulo, kundi naghahatid ng mga programa, proyekto, kagamitang pansakahan, pagsasanay, para sa mga ARBs at ARBOs. Kami po sa DAR ay kasama ninyo, sa pangunguna ni Secretary Conrado M. Estrella III, upang maitaas po natin ang antas ng pamumuhay ng bawat magsasakang Pilipino.โ€

Sa pagtatapos, nag-iwan ng hamon at paalala si CARPO for LTID at SPLIT Project Parcelization Coordinator Claudette C. Castillo mula sa bilin ng ating butihing Kalihim Conrado M. Estrella III: โ€œPagyamanin at paunlarin natin ang mga lupang ipinagkaloob sa atin ng gobyerno.โ€

Ito ang reyalidad ng Bagong Pilipinasโ€”isang gobyernong mas naglalapit ng serbisyo, lalo na sa mga kanayunan at islang komunidad! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Address

Sitio Fori, Brgy. Talipan, Quezon
Pagbilao
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project SPLIT PPMO-Quezon I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share