01/06/2026
1 Hunyo 2026 📌 BRIGADA ESKWELA 2026
Sa patnubay ni OIC MDRRMO Jane M. Luce, nakiisa ang Pagbilao Emergency Response Team (ERT) sa isinagawang Brigada Eskwela 2026 sa Pagbilao West Elementary School bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Nagsagawa ang ERT ng paglilinis at iba pang gawaing boluntaryo upang makatulong sa paglikha ng mas ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan. Ang pakikilahok na ito ay patunay ng patuloy na pakikipagtulungan ng MDRRMO Pagbilao sa sektor ng edukasyon at ng buong komunidad sa pagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan ng bawat isa.
Patuloy na hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan ng ating mga paaralan at kabataan.