MBHTE TESD

Call Directions Website Contact the organization

MBHTE TESD Technical Education and Skills Development

𝐂𝐂𝐌𝐃𝐂: 𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠COTABATO CITY – Mahigit 25 trainees ang...
22/10/2026

𝐂𝐂𝐌𝐃𝐂: 𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

COTABATO CITY – Mahigit 25 trainees ang lumahok sa Training Induction Program (TIP) ng Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) na ginanap ngayong araw ng Huwebes, October 22, 2026, sa BGC Compound, RH-VII.

Ang aktibidad ay bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) ng MBHTE–TESD, na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga iskolar na mapaunlad ang kanilang kasanayan at kabuhayan.

Sa naturang oryentasyon, ipinaliwanag sa mga kalahok ang mga patakaran, benepisyo, at layunin ng programa, gayundin ang kahalagahan ng skills training bilang susi sa pagkakaroon ng matatag na trabaho at mas maunlad na kinabukasan.

Ang TIP ay nagsilbing inspirasyon sa mga kalahok na ngayon ay handang-handa nang sumabak sa kanilang pagsasanay sa Carpentry NC II.



𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 | 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐢𝐦𝐧𝐚𝐩𝐮'𝐭 𝐢𝐬𝐚 (𝟓𝟔𝟏) 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐞𝐫𝐬, 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐤...
22/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 | 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐢𝐦𝐧𝐚𝐩𝐮'𝐭 𝐢𝐬𝐚 (𝟓𝟔𝟏) 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐞𝐫𝐬, 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐤𝐛𝐨𝐤 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝟐𝟎𝟐𝟓

LANAO DEL SUR – Pormal nang nagtapos ang kabuuang limang daan at animnapu't isa (561) na trainees noong Lunes, ika-19 ng Oktubre 2026, sa NRDM Kalimudan Function Hall, Awar Street, Marawi City.

Nagmula ang mga nagsipagtapos sa iba't ibang kwalipikasyong teknikal-bokasyonal, na nagbigay sa kanila ng mga kasanayang magagamit sa paghahanap ng trabaho at pagpapaunlad ng kabuhayan. Kabilang sa mga kwalipikasyong ito ang mga sumusunod:

• Driving NC II
• Carpentry NC II
• Carpentry NC III
• Tile Setting NC II
• Bread and Pastry Production NC II
• Masonry NC II
• Events Management NC III
• Electrical Installation and Maintenance NC II

Ang pagtatapos ng 561 trainees ay hindi lamang tanda ng kanilang pagsisikap at tagumpay, kundi simula rin ng mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanilang tagumpay sa bawat Bangsamoro na patuloy na mangarap, matuto, at linangin ang sariling kakayahan. Sama-sama nating isulong ang pagpapaunlad ng mga kasanayan, pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan, at pagbuo ng isang mas masagana at maunlad na Bangsamoro!



🎓 𝟗𝟑 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐓𝐞𝐤𝐧𝐢𝐤𝐚𝐥-𝐁𝐨𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲! Isang makabuluhang tagumpay para sa ...
21/10/2026

🎓 𝟗𝟑 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐓𝐞𝐤𝐧𝐢𝐤𝐚𝐥-𝐁𝐨𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲!

Isang makabuluhang tagumpay para sa siyamnapu't tatlong (93) BSPTVET Scholars na matagumpay na nagtapos sa 𝐏𝐥𝐮𝐦𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈, 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐥𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 (𝐄𝐈𝐌) 𝐍𝐂 𝐈𝐈, 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐁𝐏𝐏) 𝐍𝐂 𝐈𝐈, 𝐚𝐭 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈.

Ginanap ang Graduation Ceremony sa 𝘼𝙘𝙖𝙙𝙚𝙢𝙞𝙖 𝙙𝙚 𝙏𝙚𝙘𝙣𝙤𝙡𝙤𝙜𝙞𝙖 𝙞𝙣 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙖𝙣𝙖𝙤, ang Technical-Vocational Institution (TVI) na naging katuwang sa pagsasanay ng mga iskolar. Pinangunahan ni 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗻 𝗔. 𝗔𝗯𝘂𝗯𝗮𝗸𝗮𝗿, kasama ang mga kawani ng MBHTE–TESD Cotabato City District Office (CCDO), ang programa bilang pagkilala sa pagsisikap, dedikasyon, at tagumpay ng mga nagsipagtapos.

Ang tagumpay na ito ay patunay na sa pamamagitan ng de-kalidad na teknikal-bokasyonal na edukasyon at pagsasanay, mas napapalawak ang kakayahan ng mga Bangsamoro at ang kanilang mga oportunidad para sa trabaho at kabuhayan.

Nawa’y maging susi ang inyong mga kasanayan sa mas maraming oportunidad at mas magandang kinabukasan. Patuloy na magsikap, abutin ang inyong mga pangarap, at gamitin ang inyong mga natutuhan upang maging inspirasyon at makatulong sa inyong mga komunidad. Mabuhay kayo, graduates!




𝟐𝐍𝐃 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐅𝐎𝐑𝐔𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐒𝐭𝐚𝐤𝐞𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫Pinalakas ng MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office ...
21/10/2026

𝟐𝐍𝐃 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐅𝐎𝐑𝐔𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐒𝐭𝐚𝐤𝐞𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫

Pinalakas ng MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office ang koordinasyon at pakikipagtulungan sa mga Technical-Vocational Institutions (TVIs) at iba pang TVET stakeholder sa isinagawang 2nd TVET Forum 2026 noong Oktubre 20, 2026, sa Golden Lace Convention, Cotabato City.

Tinalakay sa forum ang mga update, isyu, at hamon sa pagpapatupad ng mga programang TVET, kasama ang mga posibleng solusyon upang higit pang mapahusay ang kalidad ng pagsasanay at serbisyo para sa mga Bangsamoro.

Sa pamamagitan ng patuloy na dayalogo at pagtutulungan, layunin ng MBHTE-TESD na palakasin ang ugnayan sa mga katuwang na institusyon tungo sa mas mahusay na paghahatid ng mga oportunidad sa skills development.




📢 𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓:  𝐂𝐀𝐑𝐏𝐄𝐍𝐓𝐑𝐘 𝐍𝐂 𝐈𝐈Ang Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) ay tumatanggap na ng mga enrol...
20/10/2026

📢 𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓: 𝐂𝐀𝐑𝐏𝐄𝐍𝐓𝐑𝐘 𝐍𝐂 𝐈𝐈

Ang Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) ay tumatanggap na ng mga enrollees para sa Carpentry NC II

Huwag palampasin ang pagkakataong matuto ng tamang kaalaman at kasanayan na magagamit sa trabaho at sa pang-araw-araw na buhay.

Maaaring magpatala sa pamamagitan ng pagbisita sa opisina ng CCMDC at pagsunod sa mga requirements na nakalista. Maaari rin kayong mag-register online sa pamamagitan ng aming QR Code, o i-click ang link sa ibaba kung hindi ito ma-access:

👉
https://docs.google.com/forms/u/0/d/1zU3KKQZAbfygycwjMebwV3et7HKgIdeu0xRU8xnHVZI/viewform?edit_requested=true&pli=1&authuser=0

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
📞 09360967014
📧 [email protected]
📍 Bangsamoro Government Center Compound, RH VII, Cotabato City

Limited slots only. First come, first served.
Mag-enroll na ngayon at huwag palampasin ang pagkakataon!



𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬‼️𝖯𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝖻𝖾 𝗂𝗇𝖿𝗈𝗋𝗆𝖾𝖽 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝖬𝖡𝖧𝖳𝖤-𝖳𝖤𝖲𝖣 𝖳𝖺𝗐𝗂-𝖳𝖺𝗐𝗂 𝖯𝗋𝗈𝗏𝗂𝗇𝖼𝗂𝖺𝗅 𝖳𝗋𝖺𝗂𝗇𝗂𝗇𝗀 𝖢𝖾𝗇𝗍𝖾𝗋 (𝖳𝖳𝖯𝖳𝖢) 𝗐𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝗅𝗂𝗆𝗂𝗍𝖾𝖽 𝗈𝖿𝖿𝗂𝖼𝖾 𝗈...
19/10/2026

𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬‼️

𝖯𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝖻𝖾 𝗂𝗇𝖿𝗈𝗋𝗆𝖾𝖽 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝖬𝖡𝖧𝖳𝖤-𝖳𝖤𝖲𝖣 𝖳𝖺𝗐𝗂-𝖳𝖺𝗐𝗂 𝖯𝗋𝗈𝗏𝗂𝗇𝖼𝗂𝖺𝗅 𝖳𝗋𝖺𝗂𝗇𝗂𝗇𝗀 𝖢𝖾𝗇𝗍𝖾𝗋 (𝖳𝖳𝖯𝖳𝖢) 𝗐𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝗅𝗂𝗆𝗂𝗍𝖾𝖽 𝗈𝖿𝖿𝗂𝖼𝖾 𝗈𝗉𝖾𝗋𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇𝗌 𝖿𝗋𝗈𝗆 𝖮𝖼𝗍𝗈𝖻𝖾𝗋 19 𝗍𝗈 23, 2026, 𝖺𝗌 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗈𝗋𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖼𝖾𝗌𝗌 𝗌𝗍𝖺𝖿𝖿 𝗐𝗂𝗅𝗅 𝖻𝖾 𝗉𝖺𝗋𝗍𝗂𝖼𝗂𝗉𝖺𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗂𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗌𝖼𝗁𝖾𝖽𝗎𝗅𝖾𝖽 𝖻𝖾𝗇𝖼𝗁𝗆𝖺𝗋𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖺𝗇𝖽 𝖺𝗌𝗌𝖾𝗌𝗌𝗆𝖾𝗇𝗍 𝖺𝖼𝗍𝗂𝗏𝗂𝗍𝗂𝖾𝗌.

𝖳𝗁𝖾 𝖺𝗌𝗌𝖾𝗌𝗌𝗆𝖾𝗇𝗍 𝖺𝖼𝗍𝗂𝗏𝗂𝗍𝗒 𝖺𝗂𝗆𝗌 𝗍𝗈 𝖾𝗏𝖺𝗅𝗎𝖺𝗍𝖾 𝖼𝗎𝗋𝗋𝖾𝗇𝗍 𝗉𝖾𝗋𝖿𝗈𝗋𝗆𝖺𝗇𝖼𝖾, 𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝗂𝖿𝗒 𝗀𝖺𝗉𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖽𝖾𝗏𝖾𝗅𝗈𝗉 𝗌𝗍𝗋𝖺𝗍𝖾𝗀𝗂𝖾𝗌 𝗍𝗈 𝖼𝖺𝗍𝖼𝗁 𝗎𝗉 𝗈𝗇 𝗍𝖺𝗋𝗀𝖾𝗍𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗇𝗌𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗂𝗋 𝖺𝖼𝗁𝗂𝖾𝗏𝖾𝗆𝖾𝗇𝗍 𝖻𝖾𝖿𝗈𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾 𝖾𝗇𝖽 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝗒𝖾𝖺𝗋. 𝖣𝗎𝗋𝗂𝗇𝗀 𝗍𝗁𝗂𝗌 𝗉𝖾𝗋𝗂𝗈𝖽, 𝖺 𝗅𝗂𝗆𝗂𝗍𝖾𝖽 𝗇𝗎𝗆𝖻𝖾𝗋 𝗈𝖿 𝗌𝗍𝖺𝖿𝖿 𝗐𝗂𝗅𝗅 𝗋𝖾𝗆𝖺𝗂𝗇 𝖺𝗏𝖺𝗂𝗅𝖺𝖻𝗅𝖾 𝗍𝗈 𝗋𝖾𝖼𝖾𝗂𝗏𝖾 𝗈𝖿𝖿𝗂𝖼𝗂𝖺𝗅 𝖼𝗈𝗆𝗆𝗎𝗇𝗂𝖼𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇𝗌. 𝖧𝗈𝗐𝖾𝗏𝖾𝗋, 𝗌𝗈𝗆𝖾 𝗈𝖿𝖿𝗂𝖼𝖾 𝗌𝖾𝗋𝗏𝗂𝖼𝖾𝗌 𝗆𝖺𝗒 𝖻𝖾 𝗅𝗂𝗆𝗂𝗍𝖾𝖽.

𝖱𝖾𝗀𝗎𝗅𝖺𝗋 𝗈𝖿𝖿𝗂𝖼𝖾 𝗈𝗉𝖾𝗋𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇𝗌 𝗐𝗂𝗅𝗅 𝗋𝖾𝗌𝗎𝗆𝖾 𝗈𝗇 𝖮𝖼𝗍𝗈𝖻𝖾𝗋 26, 2026 (𝖬𝗈𝗇𝖽𝖺𝗒).

𝖥𝗈𝗋 𝗎𝗋𝗀𝖾𝗇𝗍 𝗆𝖺𝗍𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗒𝗈𝗎 𝗆𝖺𝗒 𝖼𝗈𝗇𝗍𝖺𝖼𝗍 𝗎𝗌 𝗍𝗁𝗋𝗈𝗎𝗀𝗁 𝖺𝗇𝗒 𝗈𝖿 𝗍𝗁𝖾 𝖿𝗈𝗅𝗅𝗈𝗐𝗂𝗇𝗀:
📞 𝖢𝗈𝗇𝗍𝖺𝖼𝗍 𝖭𝗎𝗆𝖻𝖾𝗋: 0951-907-7062
📧 𝖤𝗆𝖺𝗂𝗅 𝖠𝖽𝖽𝗋𝖾𝗌𝗌: 𝗉𝗍𝖼𝗍𝖺𝗐𝗂𝗍𝖺𝗐𝗂@𝗆𝖻𝗁𝗍𝖾.𝖻𝖺𝗋𝗆𝗆.𝗀𝗈𝗏.𝗉𝗁

𝖶𝖾 𝖺𝗉𝗈𝗅𝗈𝗀𝗂𝗓𝖾 𝖿𝗈𝗋 𝖺𝗇𝗒 𝗂𝗇𝖼𝗈𝗇𝗏𝖾𝗇𝗂𝖾𝗇𝖼𝖾 𝗍𝗁𝗂𝗌 𝗆𝖺𝗒 𝖼𝖺𝗎𝗌𝖾 𝖺𝗇𝖽 𝗌𝗂𝗇𝖼𝖾𝗋𝖾𝗅𝗒 𝗍𝗁𝖺𝗇𝗄 𝗒𝗈𝗎 𝖿𝗈𝗋 𝗒𝗈𝗎𝗋 𝗎𝗇𝖽𝖾𝗋𝗌𝗍𝖺𝗇𝖽𝗂𝗇𝗀 𝖺𝗇𝖽 𝖼𝗈𝗇𝗍𝗂𝗇𝗎𝖾𝖽 𝖼𝗈𝗈𝗉𝖾𝗋𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇.

_𝖬𝖡𝖧𝖳𝖤-𝖳𝖤𝖲𝖣 𝖳𝖺𝗐𝗂-𝖳𝖺𝗐𝗂 𝖯𝗋𝗈𝗏𝗂𝗇𝖼𝗂𝖺𝗅 𝖳𝗋𝖺𝗂𝗇𝗂𝗇𝗀 𝖢𝖾𝗇𝗍𝖾𝗋

𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐄𝐒, 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐉𝐎𝐁 𝐒𝐇𝐀𝐃𝐎𝐖𝐈𝐍𝐆ZAMBOANGA CITY – Nagsagawa ang Regional Language Skills Ins...
15/10/2026

𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐄𝐒, 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐉𝐎𝐁 𝐒𝐇𝐀𝐃𝐎𝐖𝐈𝐍𝐆

ZAMBOANGA CITY – Nagsagawa ang Regional Language Skills Institute – Zamboanga City Liaison Office (RLSI–ZCLO) ng Job Shadowing para sa dalawampu't walong (28) trainees ng Contact Center Services (CCS) NC II noong ika-14 ng Oktubre, 2026, sa pakikipagtulungan sa industry partner nitong Upstaff Zamboanga.

Sa aktibidad, nagkaroon ang mga trainees ng pagkakataong obserbahan ang iba't ibang workstations at matuto mula sa mga empleyado ng Upstaff Zamboanga na nagbahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at mga responsibilidad sa actual workplace. Layunin nitong maipakita sa mga trainees ang aplikasyon ng mga kasanayang may kaugnayan sa Contact Center Services.

Sa gabay ng kanilang trainer na si Mr. Alnadz M. Asbi at sa pangunguna ng kinatawan ng Upstaff Zamboanga na si Ms. Raneza Deocampo-Roldan, HR Manager, nagkaroon ang mga trainees ng mas malinaw na pag-unawa sa mga tungkulin at kasanayang kailangan sa industriya. Binigyang-diin ng aktibidad ang mahahalagang kasanayan at kaalamang kailangan sa Business Process Outsourcing (BPO) industry.

Patuloy na isinusulong ng RLSI–ZCLO ang pakikipagtulungan sa mga industry partner upang mabigyan ang mga trainees ng actual workplace exposure at higit na maihanda sila sa mundo ng trabaho.



𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘!Para sa kaalaman ng publiko, narito ang paglilinaw tungkol sa Provision of Livelihood Training for Maraw...
15/10/2026

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘!

Para sa kaalaman ng publiko, narito ang paglilinaw tungkol sa Provision of Livelihood Training for Marawi Internally Displaced Persons (IDPs), partikular sa proseso ng aplikasyon, pagpili ng mga benepisyaryo, at pagpapatupad ng pagsasanay.

Para sa mga katanungan tungkol sa qualifications, requirements, at status ng beneficiary selection, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa BARMM-Marawi Rehabilitation Program – Program Management Office. Ang kanilang tanggapan ay matatagpuan sa Hanes Building, Brgy. Saduc, Marawi City.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

𝐒𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐎𝐎𝐋𝐊𝐈𝐓𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝟕𝟓 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐂𝐋𝐀𝐑𝐀, 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍Bilang suporta sa pagsisimula ng kabuhayan ng mga TVET...
13/10/2026

𝐒𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐎𝐎𝐋𝐊𝐈𝐓𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝟕𝟓 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐂𝐋𝐀𝐑𝐀, 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍

Bilang suporta sa pagsisimula ng kabuhayan ng mga TVET graduates, nagkaloob si Punong Barangay Rachel Dias ng starter toolkits sa 75 nagtapos ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) mula sa Barangay Santa Clara, Lamitan City, Basilan, sa kanilang mass graduation noong October 8, 2026.

Binubuo ang mga nagtapos ng 25 Masonry NC II, 25 Bread and Pastry Production NC II, at 25 Agricultural Crops Production NC II graduates na sinanay ng Basilan Skills Development Academy sa pakikipagtulungan ng MBHTE–TESD Basilan at ng Barangay Local Government Unit ng Santa Clara.

Sa pangunguna ni Provincial Director Muida Hataman, patuloy na pinagtitibay ng MBHTE–TESD Basilan ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mabigyan ang mga Bangsamoro ng mas maraming oportunidad sa pagsasanay, trabaho, at pagnenegosyo.

Kasanayan tungo sa mas matatag na kabuhayan!






𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘Please be informed that electrical repair and maintenance works are currently ongoing at the MBHTE-TESD Regional...
13/10/2026

𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Please be informed that electrical repair and maintenance works are currently ongoing at the MBHTE-TESD Regional Office (RO) and Regional Manpower Development Center (RMDC).

We apologize to our walk-in clients for any inconvenience and kindly ask for your patience and understanding while these necessary works are being carried out.

Thank you for your cooperation.



Address

Barangay Rebuken, Municipality Of Sultan Kudarat
Cotabato City
9605

Opening Hours

Monday 8am - 4:30pm
Tuesday 8am - 4:30pm
Wednesday 8am - 4:30pm
Thursday 8am - 4:30pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639656189723

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MBHTE TESD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MBHTE TESD:

Shortcuts

Share

Nearby government services