28/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
PORMAL NANG SINIMULAN ng Special Geographic Area Development Authority (SGADA) ang serye ng mga groundbreaking projects nito sa pamamagitan ng konstruksyon ng Covered Court na may stage at bleacher sa Barangay Sambulawan, Kadayangan, Special Geographic Area (SGA)-BARMM nitong Mayo 28.
Ang nasabing proyekto ang nagsisilbing unang hakbang sa sunod-sunod pang infrastructure projects na ipatutupad ng SGADA sa ibaโt ibang komunidad sa loob ng SGA-BARMM bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyong pampubliko at pagpapaunlad ng mga pamayanan.
Pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng mga opisyal ng SGADA kasama sina Administrator MP Butch P. Malang, SGADA Chief Operations Officer Junalyn Gayak Sumlay, Kadayangan Vice Mayor AbdulMawla "Jeffrey" Namil, Kadayangan Municipal Administrator Jan Paried G. Mascud, at Engr. Mahid B. Palawan, Deputy Minister ng Ministry of Public Works ng BARMM. Dumalo rin sa aktibidad ang mga barangay officials at residente ng Barangay Sambulawan bilang pagpapakita ng suporta sa proyekto.
Inaasahang magsisilbing pangunahing venue ang covered court para sa mga programang pampamayanan, aktibidad pangkabataan, palaro, pagpupulong, at iba pang mahahalagang gawain ng komunidad.
Sa kanilang mensahe, binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at matibay na pasilidad bilang pundasyon ng kaunlaran at mas epektibong serbisyo publiko para sa mamamayan ng SGA-BARMM.
Ayon sa SGADA, patuloy nitong isinusulong ang mga proyektong pang-imprastruktura na naglalayong magbigay ng mas maayos na serbisyo, dagdag oportunidad, at pangmatagalang benepisyo sa mga residente ng rehiyon.
Ang isinagawang groundbreaking ceremony ay sumisimbolo sa matibay na pagtutulungan ng SGADA at ng mga lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang mga proyektong tunay na makikinabang ang sambayanan at magsisilbing daan tungo sa patuloy na pag-unlad ng Bangsamoro communities.