OWWA 10

Call Directions Website Contact the organization

OWWA 10 OWWA Region X

23/10/2026

🚀 READY TO ELEVATE YOUR DIGITAL CAREER? WE’RE BACK WITH GVA 2.0! ✨

Unlock new career possibilities from the comfort of your home! , through the ILCDB-SPARK Project and ICT Academy, brings you the FREE Virtual Technical Training on General Virtual Assistance 2.0 (Region-Wide)!

Whether you’re looking to upskill, transition into freelancing, or boost your administrative capabilities, this program is designed to give you the tools and confidence to succeed in the online workforce. 💻🌟

📌 QUALIFICATIONS & REQUIREMENTS:
✦ Must be a resident of Region X, Northern Mindanao
✦ Must be 18 years old and above
✦ Has a laptop or desktop computer
✦ Committed to finish the full training duration
✦ Has a stable and reliable internet connection
✦ Knowledgeable in Microsoft Tools & Google Applications

✨ DON’T WASTE THIS OPPORTUNITY!
Only 50 slots are available for this batch. The registration form may close without prior notice once our target number of applicants is reached!

👉 REGISTER NOW: Scan the QR code in the graphic or click the link here: https://tinyurl.com/GVAregionX

23/10/2026

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Panayam kay OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne "PY" Caunan sa Ted Failon and DJ Chacha sa 105.9 True FM tungkol sa mga kaganapan sa Saudi Arabia at sa patuloy na pagtugon ng OWWA para sa mga OFW na apektado.




𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 | 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝗮𝘄𝗶 𝗻𝗴 𝗢𝗙𝗪 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮, 𝗕𝗶𝗻𝗲𝗯𝗲𝗿𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮 𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗢𝗪𝗪𝗔; 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮, 𝗜𝗻𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻Nakatanggap ...
22/10/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 | 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝗮𝘄𝗶 𝗻𝗴 𝗢𝗙𝗪 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮, 𝗕𝗶𝗻𝗲𝗯𝗲𝗿𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮 𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗢𝗪𝗪𝗔; 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮, 𝗜𝗻𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻

Nakatanggap ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng mga paunang ulat hinggil sa pagkasawi ng isa nating kababayan sa pag-atake sa isang oil field facility sa Saudi Arabia. Hindi pa natatanggap ng ahensya ang kumpletong ulat mula sa mga awtoridad ng Saudi Arabia at sa kinatawan ng kumpanya, kaya patuloy pang bineberipika ang mga detalye ng insidente.

Tumututok sa insidente ang mga tauhan ng OWWA sa Saudi Arabia, katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Philippine Embassy in Riyadh.

Sa pamamagitan ng Regional Welfare Office 1, nakikipag-ugnayan na ang OWWA sa pamilya ng ating kababayan. Personal na rin silang dinalaw ng mga tauhan ng ahensya. Patuloy na aalalayan ng OWWA ang pamilya at magbibigay ng nararapat na tulong at suporta.

Magbibigay ang OWWA ng karagdagang impormasyon matapos ang opisyal na beripikasyon, habang pinangangalagaan ang pribasiya at kapakanan ng pamilya.




21/10/2026

More than 1,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) and their families accessed government and private-sector services through the ‘Alagang OWWA Serbisyo Caravan’ in San Fernando on October 9, including welfare assistance, healthcare, legal consultations, and livelihood support.

𝐂𝐥𝐢𝐜𝐤 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐢𝐧𝐤 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐅𝐮𝐥𝐥 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲:

𝗢𝗪𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗥𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗚𝗘𝗥𝗠𝗔𝗡𝗬Nagpaabot ng pakikiramay at tulong ang O...
21/10/2026

𝗢𝗪𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗥𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗚𝗘𝗥𝗠𝗔𝗡𝗬

Nagpaabot ng pakikiramay at tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ni Dyka Angelika Matanguihan, isa sa mga Pilipinong nasawi sa aksidente ng bus sa Bavaria, Germany.

Personal na dinalaw ni OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan ang naulilang pamilya upang kumustahin ang kanilang kalagayan at maihatid ang special financial assistance at bereavement assistance mula sa ahensiya.

“Nakikiramay kami sa pamilya ni Dyka. Naipaabot na natin ang mga kaukulang benepisyo mula sa OWWA, at patuloy tayong aalalay sa kanila sa panahong ito ng pagdadalamhati. Babantayan din natin ang pag-usad ng kaso upang makamit ng ating mga kababayan at kanilang mga pamilya ang hustisyang nararapat sa kanila,” pahayag ni Caunan.

Kasunod ng aksidente, nagtungo si Caunan sa Bavaria upang pangunahan ang Rapid Response Team ng OWWA. Katuwang nito ang Department of Migrant Workers (DMW), Philippine Consulate General sa Frankfurt, at mga tanggapan ng MWO at OWWA sa Germany at Milan, Italy.

Dinalaw ng pangkat ang mga naospital at nakipag-ugnayan sa mga ospital at lokal na awtoridad para sa kanilang pangangalaga. Tumulong din ito sa pansamantalang matutuluyan at pagbabalik ng mga nakaligtas sa Milan, gayundin sa pag-asikaso sa pagpapauwi ng mga labi ng mga nasawi.

Sa Pilipinas, nakipag-ugnayan ang mga Regional Welfare Office ng OWWA sa mga apektadong pamilya upang alamin ang kanilang kalagayan at gabayan sila sa mga tulong at benepisyong maaari nilang matanggap.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng OWWA sa pamilya ni Dyka upang matukoy ang iba pa nilang pangangailangan at maibigay ang angkop na suporta.

ALAGANG OWWA. SERBISYONG MAY PUSO. 💙🇵🇭

20/10/2026

PANOORIN: Live interview kay OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan tungkol sa mga pinakabagong update sa kalagayan at kapakanan ng mga OFW abroad, mga serbisyong hatid ng Alagang OWWA Serbisyo Caravan, at mga scholarship program para sa OFWs at kanilang mga kwalipikadong dependents.




𝗢𝗪𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗦𝗧𝗥𝗔𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗬𝗔𝗗𝗛 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗜𝗔Agad na umalalay ang Overseas Workers Welfare A...
11/10/2026

𝗢𝗪𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗦𝗧𝗥𝗔𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗬𝗔𝗗𝗛 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗜𝗔

Agad na umalalay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na stranded sa Riyadh, Saudi Arabia, at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga kanselasyon ng flight kaugnay ng naiulat na pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh.

Kabilang sa tulong na ibinibigay ang pagkain, pansamantalang matutuluyan, transportasyon, at gabay sa pakikipag-ugnayan sa mga airline para sa rebooking, ayon sa pangangailangan ng mga apektadong OFW.

Sa Riyadh, 25 katao ang natulungan ng OWWA. Inasikaso ang kanilang paglilipat sa mga hotel upang magkaroon sila ng pansamantalang matutuluyan habang naghihintay ng panibagong iskedyul ng biyahe.

Sa Pilipinas, 50 apektadong pasahero ang natulungan ng OWWA sa NAIA Terminals 1 at 3. Nagbigay ang OWWA ng pansamantalang matutuluyan sa mga hotel at tulong sa transportasyon. May nakalaang espasyo rin sa mga OFW Lounge para sa mga stranded na OFW, at nakaalalay ang mga kawani upang magbigay ng gabay at tumugon sa kanilang mga pangangailangan.

Katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW), patuloy na sinusubaybayan ng OWWA ang kalagayan ng mga apektadong OFW sa Saudi Arabia at Pilipinas upang maihatid ang kinakailangang suporta habang inaayos ang kanilang mga biyahe.

📢 KABAYAN, KUNG APEKTADO ANG INYONG BIYAHE:

- Sa Riyadh at iba pang bahagi ng Saudi Arabia: Makipag-ugnayan sa pinak**alapit na Migrant Workers Office (MWO)/OWWA para sa tulong at impormasyon.

- Sa NAIA Terminals 1 at 3: Lumapit sa OWWA Airport Assistance Desks o sa mga kawani ng OFW Lounges upang maipaalam ang inyong pangangailangan at magabayan sa angkop na tulong.

- Para sa iskedyul ng flight at rebooking: Direktang makipag-ugnayan sa inyong airline. Kumpirmahin muna kung tuloy ang inyong flight bago pumunta sa paliparan.

Para sa mga OFW at pamilyang nasa Pilipinas, maaaring tumawag sa DMW-OWWA Hotline 1348, bukas 24/7.

Kabayan, nauunawaan namin ang pagod at pag-aalala na dulot ng biglang pagkaantala ng inyong biyahe. Lumapit lamang sa ating mga kawani. Nandito ang OWWA upang umalalay sa inyo at sa inyong pamilya.

Sa hirap at saya, OWWA. 💙

𝗠𝗔𝗦 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗜𝗛𝗜𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗪: 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗜𝗧 𝗟𝗢𝗨𝗡𝗚𝗘, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝟯PASAY CITY — May bagong...
10/10/2026

𝗠𝗔𝗦 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗜𝗛𝗜𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗪: 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗜𝗧 𝗟𝗢𝗨𝗡𝗚𝗘, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝟯

PASAY CITY — May bagong lugar na mapagpapahingahan ang mga OFW na lilipad patungo sa trabaho nila sa ibang bansa o kararating sa Pilipinas at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3.

Binuksan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang bagong OFW Transit Lounge sa Terminal 3. May mga k**a at massage chair ang pasilidad at kaya nitong tumanggap ng hanggang 26 na OFW sa isang pagkakataon. Hanggang tatlong oras ang maaaring pananatili upang mas marami ang makinabang.

Bahagi ito ng pagpapalawak ng mga OFW Lounge sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. May mga lounge na rin sa NAIA Terminal 1, Mactan-Cebu International Airport, at Clark International Airport.

Sino ang maaaring gumamit?

Maaaring gumamit ng lounge ang mga OFW na paalis patungo sa trabaho sa ibang bansa o kararating mula abroad at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3. Kailangang magpakita ng mga dokumentong nagpapatunay na OFW sila at kumpirmado ang kanilang biyahe. Saklaw ng paggamit ang umiiral na mga patakaran ng lounge.

“Patuloy nating pinapabuti ang mga pasilidad sa paliparan upang magkaroon ang mga OFW ng maayos at komportableng lugar na mapagpapahingahan habang naghihintay ng kanilang biyahe. Kinikilala natin ang pagod at sakripisyong kaakibat ng kanilang paglalakbay,” ani OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan.

Nagpasalamat si Administrator Caunan sa NNIC sa pakikipagtulungan upang mabuksan ang pasilidad.

“Maraming salamat sa NNIC sa pagsuporta sa serbisyong ito. Sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, mas napapabuti natin ang karanasan ng mga OFW sa paliparan,” dagdag niya.

Para naman sa mga distressed OFW na kararating lamang sa bansa at nangangailangan ng tulong, maaaring lumapit sa OWWA Airport Arrival Assistance Desk sa arrival area pagkatapos ng Customs sa NAIA Terminals 1 at 3. Maaaring humingi roon ng tulong sa transportasyon, pagkain, o pansamantalang matutuluyan, alinsunod sa mga patakaran ng OWWA.

Patuloy na makikipagtulungan ang OWWA sa NNIC at iba pang katuwang upang mapahusay ang mga pasilidad at serbisyong sumusuporta sa mga OFW sa kanilang pag-alis at pag-uwi sa bansa.

📢 𝗗𝗠𝗪-𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝗙𝗪 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮Kabayan, unahin ang inyong kaligtasan at s...
09/10/2026

📢 𝗗𝗠𝗪-𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝗙𝗪 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮

Kabayan, unahin ang inyong kaligtasan at sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA

Huwag kumuha ng video, mag-post, o magbahagi ng impormasyon tungkol sa pagharang sa mga missile at drone, kabilang ang mga lugar na binagsakan ng mga ito.

Ayon sa Saudi Ministry of Interior, ang mga gawaing ito ay maaaring magdulot ng pananagutang legal.

Manatiling kalmado at alerto. Subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga awtoridad ng Saudi Arabia, Embahada, Konsulado, DMW at MWO/OWWA.

Kung nangangailangan ng tulong o nag-aalala sa inyong kapamilyang OFW, makipag-ugnayan sa:

📞 𝗗𝗠𝗪-𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 𝟭𝟯𝟰𝟴 | 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝟮𝟰/𝟳

• Metro Manila: 1348
• Labas ng Metro Manila: (02) 1348
• Mula sa ibang bansa: +63 2 1348
📧 [email protected]

𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗔𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜 𝗔𝗥𝗔𝗕𝗜𝗔

📍 MWO/OWWA Riyadh
📞 +966 50 285 0944
📧 [email protected]

📍 MWO/OWWA Al Khobar / Eastern Region Operations
📞 +966 56 232 9926
📧 [email protected]
📧 [email protected]

📍 MWO/OWWA Jeddah
📞 +966 54 473 7797
📧 [email protected]

Sa pagtawag o pag-email, ibigay ang pangalan ng OFW, kasalukuyang lokasyon, contact number, at tulong na kailangan. Para sa inyong privacy, huwag ilagay ang personal na detalye sa public comments.

I-save at ibahagi ang mga numerong ito. Nandito ang DMW-OWWA para umalalay sa inyo.




📢 𝗗𝗠𝗪-𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝗙𝗪 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮

Kabayan, unahin ang inyong kaligtasan at sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA

Huwag kumuha ng video, mag-post, o magbahagi ng impormasyon tungkol sa pagharang sa mga missile at drone, kabilang ang mga lugar na binagsakan ng mga ito.

Ayon sa Saudi Ministry of Interior, ang mga gawaing ito ay maaaring magdulot ng pananagutang legal.

Manatiling kalmado at alerto. Subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga awtoridad ng Saudi Arabia, Embahada, Konsulado, DMW at MWO/OWWA.

Kung nangangailangan ng tulong o nag-aalala sa inyong kapamilyang OFW, makipag-ugnayan sa:

📞 𝗗𝗠𝗪-𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘 𝟭𝟯𝟰𝟴 | 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝟮𝟰/𝟳

• Metro Manila: 1348
• Labas ng Metro Manila: (02) 1348
• Mula sa ibang bansa: +63 2 1348
📧 [email protected]

𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗔𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜 𝗔𝗥𝗔𝗕𝗜𝗔

📍 MWO/OWWA Riyadh
📞 +966 50 285 0944 | 0548595891
📧 [email protected] | [email protected]

📍 MWO/OWWA Al Khobar / Eastern Region Operations
📞 +966 56 232 9926
📧 [email protected]
📧 [email protected]

📍 MWO/OWWA Jeddah
📞 +966 54 543 2266
📧 [email protected]

Sa pagtawag o pag-email, ibigay ang pangalan ng OFW, kasalukuyang lokasyon, contact number, at tulong na kailangan. Para sa inyong privacy, huwag ilagay ang personal na detalye sa public comments.

I-save at ibahagi ang mga numerong ito. Nandito ang DMW-OWWA para umalalay sa inyo.




Address

OWWA Office, 2nd Floor Trinidad Building, Corrales-Yacapin Street
Cagayan De Oro
9000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OWWA 10 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OWWA 10:

Shortcuts

Share

Nearby government services