15/10/2026
Walang lugar na hindi kayang abutin ng paglilingkod at malasakit!
Ang Tanza Municipal Chaplain (TMC) ay patuloy na lalapit at pupunta sa mga paaralan, barangay, multi-purpose hall, at iba pang komunidad upang magbahagi ng kaalaman at maghatid ng programang Moral Recovery at Values Formation Program.
Layunin Nating:
âś… Hubugin ang mabuting asal at tamang pagpapahalaga.
âś… Palakasin ang integridad, disiplina, at responsibilidad.
âś… Itaguyod ang pagkakaisa, paggalang, at malasakit sa kapwa.
âś… Hikayatin ang bawat isa na mamuhay nang may takot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.
âś… Maging katuwang sa pagbuo ng isang maayos, mapayapa, at makataong komunidad.
Ang ating misyon ay hindi lamang ang magturo, kundi ang magbigay-inspirasyon at tumulong sa pagbabago ng buhay.
📍 Sa Paaralan
📍 Sa Barangay
📍 Sa Multi-Purpose Hall
📍 Sa Bawat Sulok ng Bayan ng Tanza
Saanman may taong nangangailangan ng gabay, pagpapahalaga, at malasakit, naroon ang diwa ng paglilingkod ng TMC!
💙💚 TANZA MUNICIPAL CHAPLAIN “We Are Called to Care and Sent to Serve.”
TMC Cares
Sama-sama sa Pagbabago, Sama-sama sa Paglilingkod!