11/06/2026
Magandang balita para sa mga Kabataang Tanzeño!
Sa pangunguna at inisyatiba ni Mayor Archangelo B. Matro, Kapitan Angelito S. Santos at SK Chairman Joshua Dulce. Inilulunsad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza at ng Barangay Bucal ang kauna-unahang Tulong Pinansyal para sa Edukasyon upang makatulong sa pag-aaral ng ating mga kabataan.
Ito ay para sa lahat ng mag-aaral mula Day Care hanggang Grade 10 ng Barangay Bucal.
Tiyaking kumpleto ang mga kinakailangang dokumento at isumite ang inyong aplikasyon sa ating Barangay o sa Sangguniang Kabataan hanggang Hunyo 17, 2026, Miyerkules.
PARA PO ITO SA LAHAT! Private man o public school pumapasok ang bata na ang gamit na address ay BARANGAY BUCAL!
Sa barangay hall po makukuha ang form at letter.