03/09/2026
Sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at pahayag ng Office of the President, ipinatutupad ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Cavite kasama ang Bayan ng Tanza ngayon, September 4, 2026.
Bunsod ito ng inaasahang pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat, batay sa weather forecast ng PAGASA. Inaabisuhan ang mga paaralan na ipatupad ang alternative modes of learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang inuuna ang kaligtasan ng mga kabataan.