23/10/2026
📢 BARANGAY ASSEMBLY – 2ND SEMESTER CY 2026
Inaanyayahan po ang lahat ng mga residente ng Barangay Oltama na dumalo sa ating Barangay Assembly for the 2nd Semester of Calendar Year 2026.
📅 Petsa: October 24, 2026 (Saturday)
⏰ Oras: 9:00 AM
📍 Lugar: Oltama Covered Court
Ang pagtitipong ito ay pagkakataon upang mapakinggan ang mga ulat, programa, proyekto, at mahahalagang usapin tungkol sa ating barangay. Mahalaga po ang inyong pakikilahok, suhestiyon, at pakikiisa para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
Kaya naman, inaanyayahan po ang bawat isa na makiisa at dumalo.
Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga!
Maraming salamat po, at magkita-kita tayo!