Kap. Michael I. Ambata

Call Directions Contact the organization

Kap. Michael I. Ambata Seryoso at Disenteng Pagseserbisyo

27/10/2026

Magandang araw po! Ipinapaalam po namin na may check-up po tayo ng doctor bukas. Miyerkules Oktubre 28, 2026, ala 1:00 ng hapon.. Maraming salamat po!

23/10/2026

📢 PAUNAWA, MGA KABARANGAY! 💚

Wala pong libreng check-up bukas, Oktubre 24. Abangan po ang susunod na post para sa schedule ng pagbabalik ng serbisyo.

Salamat po sa pang-unawa! 🙏

16/10/2026
Barangay Market Area💚👁️ EYECARE COZ I CARE PROGRAM 👁️💚Patuloy ang malasakit sa kalusugan ng mata ng ating mga kababayan!...
14/10/2026

Barangay Market Area
💚👁️ EYECARE COZ I CARE PROGRAM 👁️💚

Patuloy ang malasakit sa kalusugan ng mata ng ating mga kababayan!

Narito po ang iskedyul ng Eye Laser Surgery sa October 15, 2026 at Cataract Surgery sa October 23, 2026 para sa ating mga benepisyaryo.

Hangad natin ang mas malinaw na paningin at mas magandang kalidad ng buhay para sa bawat isa. 💚.

👀 LIBRENG Cataract Screening at Treatment!Magandang balita para sa ating mga kabarangay! TULOY TULOY po ang libreng pags...
13/10/2026

👀 LIBRENG Cataract Screening at Treatment!

Magandang balita para sa ating mga kabarangay! TULOY TULOY po ang libreng pagsusuri at gamutan para sa katarata upang mapangalagaan ang inyong paningin.

📍 Para sa karagdagang katanungan, magtungo lamang sa Barangay Market Area Barangay Hall
👩‍💼 Hanapin sina Alma Aquino at Beth Salcedo
Lunes hanggang Biernes
⏰ 9:00am - 4:00pm

📌 Para lamang sa mga residente ng Barangay Market Area
📌 Ipakita po lamang ang inyong Barangay Market Area Resident’s ID

💙 Sama-sama nating alagaan ang kalusugan ng ating mga mata!

13/10/2026
📢 GUPIT MO, SAGOT KO! ✂️💈Magandang araw, Barangay Market Area!Inaanyayahan ang ating mga kabarangay na makiisa sa progra...
13/10/2026

📢 GUPIT MO, SAGOT KO! ✂️💈

Magandang araw, Barangay Market Area!

Inaanyayahan ang ating mga kabarangay na makiisa sa programang “GUPIT MO, SAGOT KO” na isasagawa sa mga sumusunod na petsa at lugar:

📅 Oktubre 17, 2026 (Sabado)
⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Mercedes Homes IV

📅 Oktubre 20, 2026 (Martes)
⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Grand Riverside Villa

Ang programang ito ay hatid ng ating butihing konsehala Tess Aala para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa! ❤️

12/10/2026

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA MGA PAGKILALA AT PARANGAL 🏆

Taos-puso po akong nagpapasalamat kina Mayor ARLENE B. ARCILLAS, Vice Mayor ARNOLD ARCILLAS, Congressman ROY GONZALES at DILG CGLOO MELODY BARAIRO sa patuloy na paggabay, suporta, at pagkilala sa ating mga pagsisikap para sa Barangay Market Area.

Ang mga parangal na ito ay hindi lamang tagumpay ng isang pinuno, kundi bunga ng sama-samang dedikasyon, disiplina, at pagtutulungan ng ating buong barangay.

Maraming salamat din sa ating mga kawani ng barangay, mga Barangay Tanod, at mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa sa inyong tapat na paglilingkod, sakripisyo, at malasakit sa ating mga kabarangay.

Ang pagkilalang ito ay inspirasyon upang lalo pa nating paghusayan ang ating tungkulin at patuloy na maghatid ng serbisyong may puso, integridad, at pananagutan.

Ang parangal ay hindi lamang dapat ipagmalaki, kundi dapat maging inspirasyon upang higit pang maglingkod.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

KAP. MICHAEL AMBATA
Punongbarangay
Barangay Market Area, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna

Address

Santa Rosa
4026

Telephone

+639975175816

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Michael I. Ambata posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kap. Michael I. Ambata:

Share