30/10/2026
🐖🌾 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐇𝐎𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐄𝐑𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐀𝐋𝐈𝐏𝐀𝐍
📅 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Dumalo ang Office of the Municipal Agriculturist sa pagpupulong sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐩𝐚𝐧 bilang tugon sa panawagan ng mga 𝐡𝐨𝐠 𝐫𝐚𝐢𝐬𝐞𝐫𝐬 upang talakayin ang kanilang mga hinaing at alalahanin kaugnay ng presyo ng 𝐥𝐢𝐯𝐞𝐰𝐞𝐢𝐠𝐡𝐭 ng baboy.
Naging pagkakataon ang pagpupulong upang mapakinggan ang mga saloobin ng mga hog raisers, maunawaan ang kanilang mga kinakaharap na hamon, at mapag-usapan ang mga posibleng hakbang upang matugunan ang kanilang mga alalahanin at masuportahan ang kanilang kabuhayan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa mga hog raisers upang maisulong ang kapakanan ng sektor ng paghahayupan at mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mga lokal na mag-aalaga ng baboy. 🤝🐷