08/09/2026
Ika-8 ng Setyembre 2026.
Sinaksihan ng mga bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Bukal ang isinagawang Blessing sa kauna-unahang Cultural Center Building hindi lamang sa Bayan ng Pagbilao, kundi sa buong Lalawigan ng Quezon, na matatagpuan sa Motorpool na nasasakupan ng Brgy. Bukal.
Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan nina Gov. Angelina "Dra.Helen" Tan, Vice Gov. Thirdy Alcala, Mayor Angelica "Ate Gigi" Portes at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Vice Mayor Wally Dapla.
Ang nasabing gusali ay naisakatuparan mula sa nakamit na tagumpay ng ating Bayan sa mga nagdaang Niyugyogan Festival, kung saan ang pangunahing layunin ay magkaroon ng isang lugar kung saan patuloy na lilinangin ang mga likas na katangian, kakayahan at talento ng Pagbilaoin habang pinapanatili ang makulay na kultura at maikonekta ito sa patuloy na pag sulong ng turismo sa ating mahal na Bayan ng Pagbilao π§‘ππ