29/10/2026
𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐋𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘, 𝐌𝐀𝐘 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍!
Hindi lamang pagbili ng palay ang nagaganap sa mga bodega ng NFA Albay. Habang inaasikaso ang mga delivery, hindi lamang timbang, kalidad, at papeles ang pinagkakabalahan ng mga warehouse supervisor. Naglalaan din sila ng oras upang kausapin ang mga magsasaka, ipaliwanang ang proseso, sagutin ang kanilang mga tanong, at pakinggan ang kanilang mga saloobin.
Sa simpleng pag-uusap, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na mas maunawaan ang proseso ng pagbebenta ng palay sa NFA. Para sa NFA Albay, ang bawat pagpunta ng magsasaka sa bodega ay hindi lamang pagkakataong maibenta ang kanilang ani, kundi pagkakataon din upang marinig ang kanilang mga tanong, karanasan, at pangangailangan.
📸WS Vevencio J. Balaoro; WS Charmaine T. Tato; Acting WS Florante E. Reason