28/10/2026
📢 PUBLIC ADVISORY | PABATID SA PUBLIKO
SUSPENSIYON NG KLASE SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN
Alinsunod sa pahayag ni General Santos City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, MMPA, suspendido ang lahat ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan kasunod ng naganap na lindol.
Hinihikayat ang lahat ng paaralan na ipatupad ang asynchronous classes upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral habang pangunahing isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan at kapakanan.
Samantala, ayon sa anunsiyo ng alkalde, magpapatuloy bukas, Oktubre 29, 2026, ang mga transaksiyon at serbisyo sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
Pinaaalalahanan ng DepEd General Santos City ang mga mag-aaral, magulang, g**o, at kawani ng paaralan na manatiling alerto, sumunod sa mga panuntunang pangkaligtasan, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsiyo ng mga kinauukulang ahensya.
Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.
Mag-ingat po tayong lahat, mga Heneral!