DepEd RXII H. Bayan Sr. CES

DepEd RXII H. Bayan Sr. CES This is the Official page of H. Bayan Sr. Central Elementary School

Happy Birthday, ma'am Rebecca! May God fulfill your life with happiness and success. Keep on inspiring ! 😇🥳🎊
21/12/2025

Happy Birthday, ma'am Rebecca! May God fulfill your life with happiness and success. Keep on inspiring ! 😇🥳🎊

HBSCES, nagsagawa ng makabuluhang programa at taunang pagdiriwang ng mga g**oSa pangunguna ng punong-g**o, Ma’am Liberti...
19/12/2025

HBSCES, nagsagawa ng makabuluhang programa at taunang pagdiriwang ng mga g**o

Sa pangunguna ng punong-g**o, Ma’am Libertine V. Salvadico, matagumpay na naisakatuparan ang isang makabuluhang programa para sa mga g**o at kawani, kasabay ng taunang pagdiriwang ng pagtatapos ng taon ngayong araw, Disyembre 19.

Ang programa ay naglalayong palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kamalayan ng mga kalahok sa mahahalagang isyu sa edukasyon, kalusugan, at pantay na pagtrato sa lahat.

Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang Capacity Building on Health and Wellness of Teachers Gender and Development (GAD) Sensitivity*at ang *Year-End Evaluation of Programs and Projects para sa School Year 2025–2026.

Sa GAD session, nagsilbing tagapagsalita si Aurelio C. Cagang, PhD na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa gender equality at kung paano mas mapapalakas ang pantay na pagtrato sa lahat ng kasapi ng paaralan. Ang kanyang presentasyon ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pag-unawa sa gender issues at ang positibong epekto nito sa komunidad ng paaralan.

Bukod sa pagkatuto, ginamit din ang okasyon upang magsaya at patibayin ang samahan ng mga g**o at kawani sa pamamagitan ng Teachers’ Year-End Party. Ang masayang selebrasyon ay nagbigay-daan upang mapalalim ang ugnayan sa pagitan ng mga kasamahan, magbigay inspirasyon, at lumikha ng mas positibong kapaligiran para sa darating na taon ng pagtuturo.

Ayon kay Ma’am Salvadico, ang nasabing programa ay patunay ng dedikasyon ng paaralan sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga g**o at kawani, gayundin sa pagpapalakas ng samahan at malasakit sa bawat isa.

Ang matagumpay na pagdiriwang at programa ay nag-iwan ng positibong alaala at nagpatibay ng komitment ng bawat g**o at kawani sa patuloy na pag-unlad ng paaralan at ng kanilang sarili.

Isang taunang gawain na puno ng malasakit at pagbabahagi 💚Ngayong araw, Disyembre 19, matagumpay na isinagawa ang Paskom...
19/12/2025

Isang taunang gawain na puno ng malasakit at pagbabahagi 💚

Ngayong araw, Disyembre 19, matagumpay na isinagawa ang Paskomunidad ng H. Bayan Sr. Central Elementary School Teachers Association, kung saan namahagi ng mga grocery items sa 20 piling mag-aaral ng paaralan.

Sa pangunguna ni Ma’am Libertine V. Salvadico, School Principal, at Sir Ephraim A. Ba-al, Teachers' Association President, kasama ang lahat ng mga g**o ng paaralan, patuloy na isinasabuhay ang diwa ng Pasko—ang tumulong, magbigay, at magbahagi ng pag-asa sa mga mag-aaral at kanilang pamilya. 🎄✨





- EBR

✨🎶🎨 MAPEH at Family Day 2025 👨‍👩‍👧‍👦✨Masaya at makulay na ipinagdiwang ng H. Bayan Sr. Central Elementary School ang MAP...
15/12/2025

✨🎶🎨 MAPEH at Family Day 2025 👨‍👩‍👧‍👦✨

Masaya at makulay na ipinagdiwang ng H. Bayan Sr. Central Elementary School ang MAPEH Day at Family Day, kung saan nagkaisa ang mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong komunidad!

Ipinamalas ng bawat grade level ang kanilang talento, naging masigla ang Talentadong Pamilya, at nasiyahan ang lahat sa mga parlor games. Higit pang nagpasaya ang pa-raffle mula sa ating mga mabubuting sponsors.

Pasasalamat sa mga katuwang sa tagumpay ng pagdiriwang:

Sir Ephraim Ba-al, MAPEH Coordinator

Ma’am Libertine V. Salvadico, Punong G**o

Masisipag na SGC, SPTA, at HRPTA officers

At sa ating mga mababait na sponsors: Lorna Diez, Rose Mae Reyes, Kettie Destacamento, Michael Pacquaio, at 1 Pacman Partylist/ LGP Cares

Sa tulong at suporta ng mga g**o, magulang, sponsors, at buong komunidad, naging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang. 💙🤍

Tunay ngang mas masaya kapag sama-sama ang pamilya ng H. Bayan Sr. Central Elementary School!




PANALO 'TO| HBSCES writers, pasok sa RSPC 2025Malugod na binabati ng buong pamunuan ng Mababang Paaralang Sentral ng H. ...
15/12/2025

PANALO 'TO| HBSCES writers, pasok sa RSPC 2025

Malugod na binabati ng buong pamunuan ng Mababang Paaralang Sentral ng H. Bayan Sr. ang tagumpay ng mga kalahok at tagapagsanay dahil sa muling ipinamalas na kahusayan ng mga kalahok na manunulat sa pagsusulat o "Journalism" sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) ngayong taon.

Ang mga kalahok na manunulat ay iniuwi ang mga sumusunod na karangalan:

📝Feature Writing-Filipino
🎖2nd place- Irish Mae Z. Diana
🎖4th Place- Fhyrra Mae Villar

Ang paaralan ay muling nagpapasalamat sa karangalan na ibinigay ng mga kalahok at ng mga tagapagsanay — Gng. Elma M. Castro at Bb. Kareen Ann Surmillon sa oras, panahon at serbisyong inilaan nila para maihanda ang mga kalahok.

Ang mga kalahok at mga g**ong-tagapagsanay ay lubos na nagpapasalamat sa butihing punong-g**o — Gng. Libertine V. Salvadico at sa lahat ng g**o ng paaralan; mga magulang at komunidad sa walang sawang ibinibigay na suporta tuwing may kompetisyon.

Muli nating suportahan ang ating mga kalahok sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC).










-CIS

📰✨ Vargas Family, Nagsilbing Liwanag sa 200 Batang Kapos-Palad sa Paskomunidad sa H. Bayan ✨📰Ngayong araw isinagawa ang ...
12/12/2025

📰✨ Vargas Family, Nagsilbing Liwanag sa 200 Batang Kapos-Palad sa Paskomunidad sa H. Bayan ✨📰

Ngayong araw isinagawa ang Paskomunidad sa H. Bayan, kung saan humigit-kumulang 200 na less fortunate na mga bata ang naging benepisyaryo ng programa. Ang aktibidad ay buong pusong sinuportahan at pinondohan ng Vargas Family, pamilya ng punong g**o ng paaralan na si Ma’am Libertine V. Salvadico.

Bukod sa mga bata, ilang piling pamilya sa komunidad ang nakatanggap rin ng bigas, delata, at iba pang pangunahing pangangailangan. Nagbigay din ang Vargas Family ng munting regalo para sa mga g**o bilang pasasalamat.

Bilang dagdag saya, nagkaroon din ng raffle para sa piling magulang at parlor games para sa mga bata, na lalong nagpasaya sa okasyon.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga residente at g**o sa patuloy na malasakit at suporta ng Vargas Family, na taon-taong nagbibigay ng pag-asa at kagalakan ngayong Kapaskuhan.




✨ Light-A-Kubo 2025: Pagsindi ng Pag-asa at Pagkakaisa! ✨Sa H. Bayan Sr. Central Elementary SchoolMatagumpay na naisagaw...
09/12/2025

✨ Light-A-Kubo 2025: Pagsindi ng Pag-asa at Pagkakaisa! ✨
Sa H. Bayan Sr. Central Elementary School

Matagumpay na naisagawa ang taunang Light-A-Kubo Celebration—isang tradisyon na nagbubuklod sa paaralan, mga magulang, g**o, at mag-aaral sa diwa ng pagkakaisa at paskong pinoy. 🎄🏡✨

Mula sa makukulay na palamuti ng mga kubo, masayang presentasyon, hanggang sa pag-aninag ng mga ilaw na sumisimbolo ng pag-asa—tunay na ramdam ang saya at espiritu ng bayanihan.

Matagumpay na natapos ang selebrasyon at narito ang opisyal na resulta:
🏅 Champion – Grade 5
🥇 1st Place – Kinder
🥈 2nd Place – Grade 4
🥉 3rd Place – Grade 1

Maraming salamat sa mga g**o, magulang, judges, at sponsors na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng paaralan. Sama-sama nating pailawin ang bawat tahanan at bawat puso! 💡❤️





NDDU-Lagao matagumpay na nagdaos ng outreach activity sa HBSCESMatagumpay na naipagkaloob ng Notre Dame of Dadiangas Uni...
09/12/2025

NDDU-Lagao matagumpay na nagdaos ng outreach activity sa HBSCES

Matagumpay na naipagkaloob ng Notre Dame of Dadiangas University–Integrated Basic Education Department (NDDU-IBED) Junior High School, Lagao Campus ang kanilang tulong at regalo sa mga piling mag-aaral ng H. Bayan Sr. Central Elementary School bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Pastoral Day ngayong araw, Disyembre 9.

Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng temang “NDDU Community Along With Mary, to Serve the Poor: With God’s Redemption and Grace.” Sa diwa ng pagkakawanggawa at pakikipagkapwa-tao. Nagtungo ang mga piling mag-aaral at g**o mula sa NDDU upang magsagawa ng isang makabuluhang programa kasama ang mga batang benepisyaryo.

Isa sa mga tampok ng outreach ang pamamahagi ng mga regalo sa 40 mag-aaral na kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng paaralan. Naging masaya at makabuluhan ang pagtitipon, na nagbigay inspirasyon hindi lamang sa mga tumanggap kundi pati na rin sa mga volunteers na naging bahagi ng aktibidad.

Layunin ng NDDU na patuloy na isabuhay ang tunay na diwa ng Pasko—ang pagmamahalan, pagbabahagi, at serbisyo—lalo na para sa mga batang higit na nangangailangan.

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan, g**o, at mga mag-aaral ng H. Bayan Sr. Central Elementary School sa NDDU-IBED Junior High School, Lagao Campus sa kanilang taos-pusong pagmamalasakit at kabutihang-loob. Ang kanilang handog at presensya ay nagbigay saya, pag-asa, at inspirasyon sa mga batang benepisyaryo. Ang ganitong uri ng pagkakawanggawa ay tunay na patunay ng diwa ng Pasko at ng pagkakaisa ng komunidad.🎁






✨ Pagpupugay sa mga Atleta ng HBSCES– GSCAA 2025 ✨Ipinagmamalaki namin ang tagumpay ng ating mga mag-aaral sa katatapos ...
08/12/2025

✨ Pagpupugay sa mga Atleta ng HBSCES– GSCAA 2025 ✨

Ipinagmamalaki namin ang tagumpay ng ating mga mag-aaral sa katatapos na GSCAA Meet 2025! Muling napatunayang ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay nagbubunga ng karangalan para sa ating paaralan. 💙👏

💛 Pasasalamat sa Brgy. Buayan sa walang sawang paghatid at pagsundo sa mga manlalaro. Malaking tulong po ang inyong suporta para sa kaligtasan at kaginhawaan ng ating mga mag-aaral.

💙 Taos pusong pasasalamat sa aming butihing punong-g**o, Ma’am Libertine V. Salvadico, sa patuloy na pinansyal na suporta at paggabay para sa matagumpay na paglahok ng mga atleta.

Saludo kami sa lahat ng manlalaro, coaches, at sa suporta ng buong komunidad!

🏐 SEPAKTAKRAW – Elementary Boys
Players:
• Alexander P. Bayan Jr.
• John Mark B. Deus
• Ranedelle C. Cortez
• Rhienver Lev D. Cloma
• Elmer M. Tamayo
• Johnford B. Salimbagat
• Jeff Stephen G. Adriban
• Ali Hamdi T. Ramay-Ramay
• Serah Judden T. Polo
🥈 Award: Silver Medal
🎯 Coach: Gerald Khein O. Labadia

🎱 BILLIARD 8 BALLS – Elementary Boys
Player: Clent Nathan V. Rabago
🥉 Award: Bronze Medal
🎯 Coach: Bobelito M. Baterna

🏸 BADMINTON – Singles Girls
Player: Marian Ronaline Abing
🏅 Award: Runner-up
🎯 Coach: Carlie Jone N. Sapar
🤝 Asst. Coach: Jubaira Lambac

🏊 SWIMMING – Elementary Boys
Player: Josh Uriel L. Yabo
🏅 Award: Runner-up
🎯 Coach: Elma M. Castro

🥋 TAEKWONDO – Elementary Boys
Player: Ferdz C. Lopez
🏅 Award: Runner-up
🎯 Coach: Diofanni A. Canuel

⚽ SOCCER – Elementary Boys
Players:
• Harold Ken Alog
• Adrian Altivo
• Argil Andrada
• Ariel Bicera
• Prince Bragat
• Patrick Elevado
• Chester Elevado
• Stephen Gunday
• Lyven Javier
• Marzel Jay Mendoza
• Kurt Mato
• Rey John Narvaza
• Charles Paciol
• Jeremy Saludares
• Kryle Sangalang
🏅 Award: Runner-up
🎯 Coach: Chrismin Buendia
🤝 Asst. Coach: Maridelle Dijan

🏐 Volleyball Girls
Player: Saabrina Zapuis
🎯 Coach: Azinith R. Tumasis

👏 Mabuhay ang mga atleta at coaches ng H. Bayan Sr. Central Elementary School!
Ang inyong sipag, disiplina, at sportsmanship ay tunay na kahanga-hanga. 💙✨



Happy Birthday, ma'am Mariedelle! May God fulfill your life with happiness and success. Keep on inspiring ! 😇🥳🎊
30/11/2025

Happy Birthday, ma'am Mariedelle! May God fulfill your life with happiness and success. Keep on inspiring ! 😇🥳🎊

November 27, 2025| HBSCES Reading Month Culmination "Bawat Bata ay Bumabasa: Read,  Imagine and Grow" Makulay at masigla...
28/11/2025

November 27, 2025| HBSCES Reading Month Culmination

"Bawat Bata ay Bumabasa: Read, Imagine and Grow"

Makulay at masiglang isinagawa ang pampinid na palatuntunan ng National Reading Month ng buong institusyon ng Mababang Paaralang Sentral ng H. Bayan Sr. Ang bawat mag-aaral ay nagsuot ng kanya-kanyang magagarbong kasuotan na nakabase sa mga tauhang nabasa nila sa mga aklat o maikling kuwento. Masisilayan ang galak at saya ng mga mag-aaral sa isinagawang parada sa loob ng institusyon.

Matapos maiparada ang mga magagarbong kasuotan ng mga mag-aaral ay nagpamalas din ng mga talento at kahusayan sa pagbasa ang mga piling mag-aaral ng bawat baitang. Ang layunin ng pagdiriwang ng Reading Month ay upang maipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa at mahikayat sila na gawing regular na gawain sa pamamagitan ng mga isinagawang aktibidad sa buong buwan.

Lubos ang pasasalamat ng School Reading Coordinator, Gng. Chrismin H. Buendia sa butihing punong-g**o ng paaralan, Gng. Libertine V. Salvadico sa buong pusong suportang ibinigay sa isinagawang mga aktibidad sa buong buwan; sa mga g**o na nagbahagi ng oras at panahon sa pagsagawa ng mga aktibidad; at sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa lahat ng aktibidad ng mga mag-aaral.






-CIS

📰✨ ALIVE MUSABAQAH 2025 ✨📰The District ALIVE Musabaqah 2025 was successfully held at Sarif Mucsin Elementary School on N...
27/11/2025

📰✨ ALIVE MUSABAQAH 2025 ✨📰

The District ALIVE Musabaqah 2025 was successfully held at Sarif Mucsin Elementary School on November 25, 2025. The event showcased the skills, knowledge, and dedication of our outstanding ALIVE learners who proudly represented the school.

We extend our heartfelt congratulations to the following awardees:

🏆 FIRST PLACE – Quiz Bee
Rayyanah Gabrienne Lambac
Alexa Lomanog
Ali Hamdi Ramayramay

🥈 SECOND PLACE – Harf Touch
Mustafa M. Bulay

🥉 THIRD PLACE – Naseeha
Kalilallah L. Benito

👏 Special recognition is given to Ma’am Saguira Alangan and Ma’am Badrea Kudanding, the dedicated ALIVE teachers who patiently guided and handled the learners throughout their preparation and participation. Your hard work, guidance, and commitment are truly commendable.

This achievement reflects the strong foundation of the ALIVE Program in nurturing both academic excellence and Islamic values. It is truly a victory for the entire school community. 🎉

Congratulations and keep shining! 🌟






Address

General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII H. Bayan Sr. CES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category