24/10/2026
Walang katapusang pagmamahal sa mga Seniors!💙
October 26,2026 - MONDAY! 8AM po yan! 😊👍
Excited na ko makasama kayo mga mahal kong seniors! 🤗💙
Mga AUGUST Celebrants! Kita kits po💙
P.S.
Tanong: Anong buwan po?
Sagot: Nasa caption po ang buwan☺️
Tanong: Mayor Joy, pwede pa po ba kumuha kapag di nakakuha nung nakaraan buwan?
Sagot: Opo naman! 💙
Tanong: Mayor Joy, pwede po ba ikuha ko na lang kasi mahina na po Senior?
Sagot: Pwede po! Basta may authorization letter, id ng senior at kayo ay first family dapat senior 😊👍
Tanong: Wala po ang Senior ngayon Mayor Joy, nasabay sa ibang lakad, pwede po ba ikuha ko na lang?
Sagot: Sa susunod na bigayan ng regalo ng Senior maari po sila ang personal na kumuha 😊👍
Tanong: Mayor yung senior po nasa malayo lugar, pwede po ba ako na lang kumuha?
Sagot: Pwede naman po kunin ng Senior kapag siya ay nasa Gapan na dahil lagi naman po ang schedule ng regalo natin para sa mga Seniors😊
Tanong: Mayor yung ganito buwan kailan po schedule?
Sagot: Abangan lang po announcement dito sakin page, sigurado mabibigyan po lahat 😊👍
Tanong: Mayor, wala ako sa listahan o ang kamag anak ko Senior, makakakuha po ba?
Sagot: Opo naman! basta po kayo ay Batang Gapan💙