San Roque JHS - Supreme Secondary Learner Government

San Roque JHS - Supreme Secondary Learner Government SRNHS — Junior SSLG page for news, activities and updates.

CONGRATULATIONS, newly elected SSLG Officers! ❤️
08/05/2024

CONGRATULATIONS, newly elected SSLG Officers! ❤️

a big thank you po, Every Nation Campus Gapan ! 🩷
04/03/2024

a big thank you po, Every Nation Campus Gapan ! 🩷

2-DAY LEADERSHIP TRAINING | SSLG and ENC 🩷March 1 & 2, 2024Theme: Empowering Students for LIFE (Leadership, Itegrity, Fa...
03/03/2024

2-DAY LEADERSHIP TRAINING | SSLG and ENC 🩷
March 1 & 2, 2024

Theme: Empowering Students for LIFE (Leadership, Itegrity, Faith, and Excellece)

Magandang Buhay, Mabuting tao! ✊🏻

Paghubog sa mga bagong Student Leaders ng San Roque National High School para sa mga susunod pang henerasyon! 😄

Tunay nga at lubos na nag-enjoy ang ating mga lider sa kamakailang pagsasanay sa pamumuno! 👍🏻 Ang mga lider mula sa San Roque ay nagpakita ng kanilang kahusayan at galing sa ating SSLG & ENC 2 Day Leadership Training. ✨

Sa loob ng dalawang araw na ito, hindi lamang ipinakita ng mga lider ang kanilang mga kakayahan sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtulungan, at pagkakaibigan, kundi higit sa lahat, sila'y nagkaroon ng malalim na unawa sa kahalagahan ng pagiging isang mabuting lider. 💖

Ang kanilang dedikasyon at pakikisama sa pagsasanay ay tunay na nagpamalas ng kanilang determinasyon na patuloy na magpursigi para sa kaunlaran at tagumpay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi pati na rin para sa kanilang mga nasasakupan. 🫡

Maraming salamat po roquenians sa inyong kooperasyon! Isang pasasalamat din po ang nais namin ipaabot sa ENC o every nation campus sa pagpapaunlak sa aming munting programa. ✊🏻

Caption by: Pres. Monica Reyes
Layout by: VP Mark Ramos



LIGHTS: OFF ; SCREEN: ON  📽️Cupid’s Cineme Soirre 🏹An SSLG Booth 🩷Hilahin niyo na ang mga minamahal niyo maging sila man...
13/02/2024

LIGHTS: OFF ; SCREEN: ON 📽️

Cupid’s Cineme Soirre 🏹
An SSLG Booth 🩷

Hilahin niyo na ang mga minamahal niyo maging sila man ay iyong kaibigan 👯 o ka-ibigan. 👀

Naghanda ang SSLG ng isang Movie Booth upang pakabahin ang inyong puso ngayong Araw ng mga Puso. 👻

Narito ang mga impormasyon na dapat niyong malaman:

💵 Ticket Price: 30 pesos

⏰ Date and Time: Reservations will start at 1:00 pm on February 14

🎥 Genre: Horror

📍 Location: STE building, Grade 8 - Galileo classroom

STRICKLY NO FOODS ALLOWED ‼️




Layout by: Mark Ramos
Caption by: Abhia Sarmiento

Isa..... Dalawa.... Tatlo 💥Kapalaran mo ay sagot ko 🌄Basta't ika'y may dalang bente singkov👌🏻Ako'y Naririto, Sa kubol ba...
13/02/2024

Isa..... Dalawa.... Tatlo 💥
Kapalaran mo ay sagot ko 🌄

Basta't ika'y may dalang bente singkov👌🏻
Ako'y Naririto, Sa kubol bandang Dulo 🌈
Madam Onyo ⚡, Madam-onyo 🌬️

GOOD EVENING ROQUENIANS! 🌷
SERENDIPITY SCROLLS with Madam Onyo! 🔮
an SSLG Booth 🩷

Gusto mo bang masagot ang mga katanungan mo sa buhay? tulad ng..................
• Ano kaya ang mangyayari sa amin sa future? 🔥
• Magtatagal kaya kami? 🧐
• Magkaka love life na kaya ako? 🙈
• Yayaman kaya ako sa future? 💰

MGA TANONG NA KAYANG-KAYANG SAGUTIN NI MADAM ONYO 😉

Kaabang-abang na kubol ng SSLG ang inyong matutunghayan pagpatak ng ala una ng hapon🕑

Kung nagtataka kayo kung ano nga ba ang meron sainyong dalawa ng kausap mo at litong-lito sa buhay na isipin, narito si MADAM ONYO para mas lalong palalain CHAR.. sa kaunting advice na naglalayong ang relasyon niyo'y pagtibayin 🪨🪨🪨

ARAT NA HERE 🌹
SA KUBOL NI MADA ONYO 💫
SAGOT NIYA ANG KAPALARAN MO 🌅
LALO NA PAG MAY BENTE SINGKO 👌🏻💰

Layout by: Mark Ramos
Caption by: Migz De Guzman


Magandang Buhay, Roquenians! ✨LETTERS OF LOVE | an SSLG Activity 💖Read carefully! Hindi ito usually na blah blah! 😄Bukas...
12/02/2024

Magandang Buhay, Roquenians! ✨

LETTERS OF LOVE | an SSLG Activity 💖
Read carefully! Hindi ito usually na blah blah! 😄

Bukas, ika-13 ng pebrero ay maari na kayong maghulog ng letters! Paano nga ba ang dapat gawin? 🤭

Mayroon po tayong tatlong drop boxes sa loob ng SRNHS - JHS, isa sa tapat ng 9 STE - EINSTEIN, sa tapat ng 10 - HUMILITY, at tapat ng 10 SPFL - SUN TZU. 🩷

Sa mga interesado magbigay ng love letter o ano mang sulat para sa kanilang crush o kaibigan, ay ito na ang tyansa mo! Ito ang dapat mong gawin: 💕

1. Pumunta sa isa o kahit anong classrooms na may designated drop boxes! 👌🏻

2. Hanapin ang mga sumusunod: 🌷
a. Kung ikaw ay maghuhulog ng letter sa drop box na nakalagay sa HUMILITY hanapin si Justine Rob Abenales.

b. Kung ikaw ay maghuhulog ng letter sa drop box na nakalagay sa EINSTEIN hanapin si Czerina Ramos, Maru Santos, o Kimberly Fernando.

c. Kung ikaw ay maghuhulog ng letter sa drop box na nakalagay sa SUN TZU hanapin si Aneska Delos Santos.

3. Magbayad ng 7 pesos sa naturang mga tagapangalaga ng drop boxes at ihulog sa kahon ang inyong letter. 💌

4. Ang letters ay maaaring sariling sulat o printed upang hindi talaga makilala ng inyong pagbibigyan ang inyong letter. Ngunit, kung printed man ang nais ihulog ay may additional 3 pesos sa ating fee. 😝

Ang letter na gagawin ni sender ay anonymous, meaning to say hindi na need ni sender na ilagay ang kaniyang name, ang ilalagay sa papel ay ang name, grade, at section ni receiver (si crush, kaibigan, or jowa). 💡

ANG LAHAT NG LETTER NA MAKAKALAP AY IDEDELIVER NG SSLG SA UMAGA NG FEBRUARY 14. ☺️

⚠️ TAKE NOTE ⚠️

Hanggang bukas lamang po ng hapon ang paghuhulog ng anonymous letters. Salamat po!





Layout by: Mark Ramos, SSLG VP
Caption by: Monica Reyes, SSLG President

✧・゚:  * 🌷  happy valentine’s day 🩷 ✧・゚:* Ang pag-uugnay ng dalawang pusong nagmamahalan ay hindi lamang simpleng bagay, ...
10/02/2024

✧・゚: * 🌷 happy valentine’s day 🩷 ✧・゚:*

Ang pag-uugnay ng dalawang pusong nagmamahalan ay hindi lamang simpleng bagay, ito ay isang malalim at mahalagang bahagi ng buhay. 💕

Sa pamamagitan ng kanilang pagmamahalan at pagtutulungan, sila ay nagtatagumpay sa pagharap sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay. 👏🏻

Sa araw ng mga puso, ipinamamahagi ng SSLG ang ilang mga larawan na nagpapakita ng hindi lamang pag-ibig ng dalawang tao kundi pati na rin ang pagmamahalan ng magkakaibigan at isang pamilya. 💓

Ito ay isang paalala na ang pagbuo at pagpapalakas ng positibong ugnayan sa mga mahal sa buhay ay napakahalaga. ✨

Kaya't sa pagsalubong sa Valentine's Day, ating siguruhing puno ang ating mga puso ng pagmamahal, hindi lamang ang mga magjojowa, kundi pati na rin ang lahat ng mga taong may espesyal na lugar sa ating buhay. 🥹





Layout by: Mark Ramos
Caption by: Monica Reyes

LOVE IS IN THE HUES 🌈HEP ❗ HEP ❗ HEP ❗ Stop scrolling for a while, ROQUENIANS para updated ka! ✨Love is in the air, Love...
07/02/2024

LOVE IS IN THE HUES 🌈

HEP ❗ HEP ❗ HEP ❗

Stop scrolling for a while, ROQUENIANS para updated ka! ✨

Love is in the air, Love is also in hues!
Magandang Buhay, Roquenians! 💥

Sa darating na araw ng mga puso ay magkakaroon tayo ng color-coding! Gusto nyo yun? 😊

Ating alamin ang mga kulay na nagpapahayag ng ating damdamin na iginayak ng SSLG! 🥳

Ano sa tingin mo ang susuotin mo at susuotin ni crush? COMMENT DOWN BELOW! 💬
Use the hashtag:


Wow! It's Feb-ibig month! 💕Handa na ba ang mga roquenians? Syempre hindi tayo magpapahuli pagdating sa mga aktibidad! At...
04/02/2024

Wow! It's Feb-ibig month! 💕

Handa na ba ang mga roquenians? Syempre hindi tayo magpapahuli pagdating sa mga aktibidad! Ating abangan ang mga magaganap na kasiyahan sa darating na araw ng mga puso. 💖

Naka like and follow ka na ba sa ating SSLG account? Kung oo, makararating agad ang balita sayo! 📣

Abangan natin ang mga fun activities na kasalukuyang inihahain ng aming team! Konting hintay nalang, mga besh 😉

Ang mga programa na nais ihain ng SSLG ay under pa lamang po sa screening ng ating Office, kaya wait lamang po tayo sa update! Dahil eka nga nila, ‘pag may tiyaga, may nilaga! 💥

HAPPY BIRTDAY PO, MA’AM Argie Batungbakal! 💗01.10.2024 🎊
10/01/2024

HAPPY BIRTDAY PO, MA’AM Argie Batungbakal! 💗

01.10.2024 🎊

Give love on Christmas Day! 🎄🎁Ang aktibidad na ‘Giving Giving’ ay taon-taon isinasagawa ng mga School Governments (SGs),...
15/12/2023

Give love on Christmas Day! 🎄🎁

Ang aktibidad na ‘Giving Giving’ ay taon-taon isinasagawa ng mga School Governments (SGs), ito ay para bigyang ng karagdagang pangangailangan ang mga piling tao para sa nalalapit na pasko. 🙌🏻

Sa taong ito, MASAYA naming ibinabalita na dahil sa bunga ng ating paghihirap, paglikom ng pondo dahil sa mga aktibidad, pangangaroling, paglapit sa nakatataas, TATLUMPU’T APAT (34) na mga MAG-AARAL sa San Roque National High School ang ating nabigyan ng munti ngunit spesiyal na regalo. ✨

Simpleng aktibidad ngunit alam nating makatutulong ito sa kanila. 🎁

Patuloy na sisikapin ng SG na mas maging mabunga pa ang aming termino, para sa Roquenians, para sa ating lahat. 🎄

Merry Christmas, Love,
SSLG. 💗

Border by: Mark Ramos

Address

San Roque
Gapan
3105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque JHS - Supreme Secondary Learner Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share