28/10/2026
“𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀: 𝐌𝐑-𝐓𝐃 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆 𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋”
Pagtutulungan para sa kalusugan, proteksiyon, at ligtas na kinabukasan ng mga mag-aaral!
Muling isinagawa sa 𝑺𝒊𝒏𝒂𝒈 𝑬𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 ang programang 𝑩𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂 𝑬𝒔𝒌𝒘𝒆𝒍𝒂 kahapon, Oktubre 27, 2026, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng 𝑲𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂𝒓𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 (𝑫𝑶𝑯) at 𝑲𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂𝒓𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑬𝒅𝒖𝒌𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 (𝑫𝒆𝒑𝑬𝒅), sa pakikipagtulungan ng 𝑳𝒐𝒌𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒖𝒂𝒈. Tampok sa gawaing ito ang pagbabakuna ng 𝑴𝒆𝒂𝒔𝒍𝒆𝒔-R𝒖𝒃𝒆𝒍𝒍𝒂 at 𝑻𝒆𝒕𝒂𝒏𝒖𝒔-𝑫𝒊𝒑𝒉𝒕𝒉𝒆𝒓𝒊𝒂 (𝑴𝑹-𝑻𝑫) para sa mga mag-aaral sa Grade 1.
Pinangunahan ni 𝑵𝒖𝒓𝒔𝒆 𝑴𝒂𝒓𝒌 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒘 𝑳𝒊𝒄𝒂𝒔 ang pagsasagawa ng pagbabakuna, katuwang si 𝑴𝒓. 𝑱𝒂𝒚𝒔𝒐𝒏 𝑨. 𝑨𝒓𝒆𝒍𝒍𝒂𝒏𝒐 (𝑻𝒆𝒂𝒄𝒉𝒆𝒓-𝒊𝒏-𝑪𝒉𝒂𝒓𝒈𝒆), at si 𝑴𝒔. 𝑺𝒉𝒂𝒓𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒆𝒕𝒕𝒆 𝑽. 𝑯𝒊𝒈𝒖𝒆𝒓𝒓𝒂, (𝑮𝒓𝒂𝒅𝒆 1 𝑨𝒅𝒗𝒊𝒔𝒆𝒓). Nakiisa rin sa gawaing ito ang mga 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒆𝒓 (𝑩𝑯𝑾) ng Barangay Sinag na sina 𝑴𝒓𝒔. 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑩. 𝑩𝒂𝒍𝒊𝒏𝒐, 𝑴𝒓𝒔. 𝑭𝒓𝒂𝒏𝒄𝒊𝒂 𝑻𝒆𝒍𝒊𝒄, 𝑴𝒓𝒔. 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒕𝒚 𝑨𝒃𝒓𝒊𝒐, at 𝑴𝒓𝒔. 𝑴𝒂𝒖𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑨. R𝒊𝒏, na buong-pusong tumulong sa pagsasakatuparan ng programa.
Pangunahing hangarin ng programang Bakuna Eskwela na maihatid nang direkta sa mga mag-aaral ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa loob mismo ng paaralan. Ang pagbabakuna ng MR-TD ay mabisang pananggalang laban sa mga nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tigdas-hangin (rubella), tetanus-dipterya. Binibigyang-diin ng gawaing ito ang kahalagahan ng maagang depensa, wastong kaalaman, at patuloy na pag-aalaga sa kalusugan ng mga bata.
Ang tagumpay ng gawaing ito ay patunay ng matibay na pagkakaisa at ugnayan ng pamunuan ng paaralan, mga manggagawang pangkalusugan, Kagawaran ng Kalusugan, Kagawaran ng Edukasyon, at Lokal na Pamahalaan ng Calauag. Ang kanilang sama-samang pagkilos ang sandigan upang matiyak ang kalusugan at kapakanan ng bawat mag-aaral.
Patuloy na isinusulong ng Sinag Elementary School ang pagtaguyod sa mga programang lumilikha ng ligtas, malusog, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto, sapagkat ang malusog na kabataan ay pundasyon ng isang mas magandang kinabukasan.
𝑩𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂 𝑬𝒔𝒌𝒘𝒆𝒍𝒂: 𝑩𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒌𝒔𝒊𝒚𝒐𝒏, 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!