06/01/2026
“Ate Nicole”
Nakilala ka namin hindi sa pangalan; nakilala ka namin bilang isang "Ate."
Simula’t simula, kasama ka na namin. Isa ka sa mga unang naniwala at nakakita sa kakayahan ng kabataan ng Sto. Niño. Hindi ka bumitaw—hindi lang sa panahong madali, kundi lalo na sa gitna ng hirap, gulo, at kahit bagyo.
Napakarami nating pinagdaanan. Sana ay baunin mo ang lahat ng ito, dahil mananatili itong buhay sa aming mga puso. Dala namin ang iyong tapang at wagas na pagmamahal.
Paalam, Ate Nicole. Mananatili kang inspirasyon sa amin at sa lahat ng kabataang nakakilala sa iyo. Mahal na mahal ka namin. 🤍