Malayang Quezon City

  • Home
  • Malayang Quezon City

Malayang Quezon City (d) Tuloy-tuloy at wastong paggamit ng rekurso ng Quezon City.

PROGRAMA/PLATAPORMA NG PAMUMUNO

Ang Malayang Quezon City ay naglalayon ng isang lipunang may malakas, matatag at progresibong istrakturang sosyal, politikal at pang-ekonomiya sa ilalim ng isang tapat na pamunuan. Para makamit ang mga tunguhing ito, ang Malayang Quezon City ay nanunumpa sa katuparan ng mga sumusunod:

(a) Pagbuo ng demoktratikong gobyerno;

(b) Paglinang sa tungkuling panglipunan, katapatan at pananagutan, maayos na pamamahala, at people empowerment;

(c) Pagpapasigla ng istrakturang pang-ekonomiya ng Quezon City para makatulong sa pagtugon sa usapin ng kahirapan;

(d) Pagpapatibay at pagsunod sa batas;

(e) Pagtiyak na ang lahat ng buhay, karapatan at pagmamay-ari ay binibigyang respeto. Ang Partido ay naglalayong magsulong ng mga tunay na programa at hakbang gaya ng mga sumusunod:

(a) Pagpapalakas ng distaster preparedness program ng lokal na pamahalaan para sa mas mabilis na pagresponde sa mga kalamidad;

(b) Pagbubuo ng mga kooperatiba, paglikha ng mga programang pangkasanayan, at trabaho;

(c) Pagtataguyod ng lokal na pamahalaang maagap na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga residente ng Quezon City.

OFFICIAL STATEMENTMariin naming itinatanggi ang kumakalat na mga ulat at larawan ng mga tarpaulin sa ilang bahagi ng Que...
16/03/2026

OFFICIAL STATEMENT

Mariin naming itinatanggi ang kumakalat na mga ulat at larawan ng mga tarpaulin sa ilang bahagi ng Quezon City na umano’y nagtatampok kina Mike Defensor at Aiko Melendez bilang magka-tandem para sa nalalapit na lokal na halalan. Walang anumang kinalaman ang Malayang Quezon City sa paglalagay o pagpapalaganap ng mga naturang materyales at hindi rin ito nagmumula sa aming organisasyon.

Nais din naming linawin na napakaaga pa upang pag-usapan ang anumang pormal na hakbang kaugnay ng halalan sa 2028. Sa kasalukuyan ay wala pang ginagawang general assembly ang Malayang Quezon City at wala pa kaming pinipili o ineendorso na sinumang kandidato para sa darating na eleksyon.

Naniniwala kami na sa panahong ito ay mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa maagang pamumulitika. Maraming seryosong suliranin ang kinakaharap ng ating mga kababayan tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, kawalan ng trabaho, pagmahal ng mga pangunahing bilihin, at kakulangan sa mahahalagang serbisyong panlipunan. Kasabay nito ang mga usapin ng mahinang pamamahala at mga alegasyon ng katiwalian sa pambansang gobyerno na nangangailangan ng agarang aksyon at pananagutan.

Gayunpaman malinaw ang aming paninindigan. Matibay naming sinusuportahan si Mike Defensor sa kanyang walang takot na pagtindig para sa paghahanap ng katotohanan, lalo na sa paglalantad at pag-iimbestiga sa mga seryosong usapin tulad ng flood control corruption.

Itinatag ang Malayang Quezon City upang ipaglaban ang katotohanan, pananagutan, at mabuting pamamahala. Ang mga prinsipyong ito ang patuloy na isinusulong ni Mike Defensor ngayon. Sa diwa ng paglilingkod sa mamamayan at paninindigan para sa tama, nananatili kaming tapat sa adhikaing itaguyod ang isang pamahalaang tunay na malaya sa katiwalian at nakatuon sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Quezon City.

EDWIN DAYRIT RODRIGUEZ
President, Malayang Quezon City

Address

Sct. Borromeo Corner Edsa Quezon City

1103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malayang Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Malayang Quezon City:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share