18/01/2026
VIVA SANTO NIÑO!
Muli tayong nakiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng minamahal nating Sto. Niño de Tondo kasama ang grupo ng Dirty Harry mula sa Mabagos Street. Napakasayang makita muli ang ating mga kababayan sa Tundo, na nagdiriwang at nagpapasalamat sa lahat ng biyaya ni Sto. Niño.
Panalangin ko ang patuloy Nyang paggabay sa ating lahat. Muli Nyang ipanapaalala sa atin na magmahal na Diyos na parang inosenteng bata - buong galak, at punong-puno ng pagtitiwala at pag-asa.