31/03/2026
Araw ng Pagkilala 2026 ✨
Marso 30, 2026
Isang espesyal na araw kung saan kinilala ang husay, galing, sipag, at dedikasyon ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 5. 🌟
Tunay ngang bawat maliliit na hakbang ay nagdulot ng malaking tagumpay at inspirasyon sa buong taon ng pagkatuto. 📚
Sa araw ding ito, ang mga mag-aaral ay nakarinig ng mensaheng puno ng aral at inspirasyon mula sa ating panauhing pandangal na si G. Jake Smitch Lacorte. Isang taos-pusong pasasalamat sa kanyang pagbabahagi.
Pinarangalan din hindi lamang ang mga mag-aaral, kundi pati ang mga g**o sa kanilang di-matatawarang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo.
Ang tagumpay ng gawaing ito ay bunga ng pagtutulungan, malasakit, at pagsisikap ng bawat isa. 🌈
Kaya naman, isang masigabong pagbati sa lahat ng g**o at mag-aaral! 🎉