Office of the Municipal Agriculturist - Los Baños

  • Home
  • Office of the Municipal Agriculturist - Los Baños

Office of the Municipal Agriculturist - Los Baños Lokal na ahensya na tumutulong sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bayan, sa pamamagitan ng suporta at serbisyo para sa mga mamamayan, magsasaka at mangingisda.

The Office of the Municipal Agriculturist is responsible for the planning, development, and implementation of agricultural and fisheries programs and services at the municipal level. Its primary objective is to promote sustainable and inclusive growth in the agricultural and fisheries sectors, ensuring food security, livelihood enhancement, and environmental sustainability within the local communi

ty. Key Functions:

1. Agricultural and Fisheries Planning and Policy Development: The office formulates comprehensive agricultural and fisheries development plans and policies based on the needs and priorities of the municipality. It conducts research, data collection, and analysis to identify potential opportunities and challenges in these sectors. The office collaborates with relevant stakeholders to ensure the integration of diverse perspectives into the planning process.

2. Extension Services: The Municipal Agriculturist Office provides extension services to farmers, fisherfolk, and other stakeholders. This includes conducting training programs, seminars, and workshops to disseminate new farming and fishing techniques, technologies, and best practices. They provide technical assistance and advice on crop cultivation, livestock management, aquaculture, fishery conservation, and sustainable fishing practices.

3 Farm and Fishery Productivity Enhancement: The office implements programs and projects aimed at improving farm and fishery productivity and efficiency. This involves the distribution of high-quality seeds, fertilizers, and agricultural inputs to farmers. They also provide guidance on crop rotation, irrigation systems, and other strategies to optimize agricultural production. For fisheries, the office promotes sustainable fishing practices, monitors fish stocks, and implements measures to prevent overfishing and protect marine resources.

4. Livestock and Aquaculture Development: The office supports the development of livestock, poultry, and aquaculture production within the municipality. They provide assistance in animal and fish health care, breeding programs, and disease control measures. The office may also organize vaccination campaigns, fish seed dispersal, and enforce regulations related to animal welfare, aquaculture management, and fishery conservation.

5. Agricultural and Fishery Marketing and Promotion: The Municipal Agriculturist and Fisheries Office facilitates the marketing and promotion of agricultural and fishery products. They assist farmers, fisherfolk, and cooperatives in accessing markets, connecting them with potential buyers, and promoting their produce through various channels. This includes participating in trade fairs, organizing agricultural and fishery exhibitions, and establishing partnerships with other stakeholders in the value chain.

6. Environmental Conservation and Fisheries Management: The office promotes sustainable agricultural and fishery practices that protect the environment and natural resources. They encourage the adoption of organic farming methods, agroforestry, and water conservation techniques. The office collaborates with other agencies to address issues related to land degradation, deforestation, pollution, and climate change. In fisheries, they implement measures to conserve marine ecosystems, promote responsible fishing practices, and enforce regulations to ensure the sustainable use of fisheries resources.

7. Agricultural and Fishery Research and Development: The office conducts research studies and experiments to improve agricultural and fishery techniques, develop new crop varieties, enhance livestock breeds, and address emerging challenges. They collaborate with agricultural and fisheries universities, research institutions, and other organizations to promote innovation and find solutions to agricultural and fishery problems. The office also disseminates research findings and encourages the adoption of new technologies and practices.

8. Policy Implementation and Monitoring: The Municipal Agriculturist and Fisheries Office ensures the effective implementation of agricultural and fishery policies, programs, and projects within the municipality. They monitor the progress, evaluate outcomes, and provide regular reports to higher authorities. The office gathers data on agricultural and fishery production, market trends, socio-economic indicators, and environmental parameters to inform decision-making processes. By performing these functions, the Office of the Municipal Agriculturist plays a crucial role in the overall development of the agriculture and fishery in the municipality of Los Baños, Laguna.

TINGNAN: Kadiwa ng Pangulo sa Los Baños!Mas abot-kaya at mas sariwa ang mga produktong direkta mula sa ating mga lokal n...
30/05/2026

TINGNAN: Kadiwa ng Pangulo sa Los Baños!

Mas abot-kaya at mas sariwa ang mga produktong direkta mula sa ating mga lokal na producer. Sama-sama nating pinalalakas ang lokal na agrikultura habang nakatitiyak ang bawat pamilyang Los Bañense ng de-kalidad at murang pagkain.

Bumisita na sa Kadiwa ng Pangulo ngayong araw ng Sabado, ika-30 ng Mayo mula 7 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Tangkilikin ang mga sariwang gulay, prutas, isda, karne, at iba pang produktong lokal. Suportahan ang ating mga magsasaka at mangingisda—bawat pagbili ay ambag sa kanilang kabuhayan at sa mas matatag na seguridad sa pagkain ng ating bayan.



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐊𝐀𝐃𝐈𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐍̃𝐎𝐒!Sama-sama natin suportahan ang Kadiwa ng Pangulo ngayong 𝑀𝑎𝑦𝑜 30, 2026 (𝑆𝑎𝑏𝑎𝑑𝑜)...
26/05/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐊𝐀𝐃𝐈𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐍̃𝐎𝐒!

Sama-sama natin suportahan ang Kadiwa ng Pangulo ngayong 𝑀𝑎𝑦𝑜 30, 2026 (𝑆𝑎𝑏𝑎𝑑𝑜) 7:00 - 12:00 𝑛𝑔 𝑢𝑚𝑎𝑔𝑎 sa harap ng gusali ng Pamahalaang Bayan.

Ang mga ahensya ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Department of Labore and Employment, Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government kasama ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay ilalapit sa mamamayan ang mga kalakal ng mga samahan, kooperatiba, mangingisda at magsasaka para sa masustansya, ligtas at murang mga produkto.

Tampok sa Kadiwa ng Pangulo ang Benteng Bigas ng Pangulo na mabibili sa halagang P20.00 kada kilo. Ang unang dalawang libo (2000) na mamimili na mula sa sektor ng PWD, Senior Citizens, Solo Parents, at mga Minimum Wage Earners ay maaaring bumili hanggang lima (5) kilo na bigas.







P20 Rice Program

Mga Dapat Sundin:

Step 1. Magpakita ng valid ID bilang patunay ng pagkakakilanlan.
Step 2. Mag fill-up ng household monitoring form.
Step 3. Kumuha ng Number sa itinalagang staff. Magsisimula ang pag fill-out ng form mula 6:00 ng umaga kasabay ng number hanggang sa ito ay maubos. Isang numero lamang kada sambahayan ang papayagan.
Step 4. Pumila ng ayos, huwag iwala ang ID at Number, at iwasan ang anumang kaguluhan.

Tandaan:

1. Hanggang 5kg lamang ang maaaring bilhin ng bawat sambahayan.
2. Tanging mga mamamayan ng Los Baños ang prayoridad ng programa.
3. Magdala ng SARILING LALAGYAN, mahigpit na ipagbabawal ang pag gamit ng plastic sa dry goods.
4. Sa araw ng Kadiwa ng Pangulo lamang ang pagbibigay ng number.

INGAT SA HEAT STROKE, FUR PARENTS! 🐾Sa sobrang init ng panahon, hindi lang tayo ang apektado—pati ang ating mga alagang ...
31/03/2026

INGAT SA HEAT STROKE, FUR PARENTS! 🐾

Sa sobrang init ng panahon, hindi lang tayo ang apektado—pati ang ating mga alagang a*o at pusa ay nanganganib sa heat stroke na maaaring magdulot ng malubhang kondisyon at kahit pagkamatay kung mapapabayaan.

🔥 ANO ANG SANHI?
• Matinding init ng panahon
• Kawalan ng sapat na tubig
• Naiwang alaga sa loob ng sasakyan o kulob na lugar
• Sobrang ehersisyo sa tirik na araw

⚠️ MGA SENYALES NA DAPAT BANTAYAN:
• Labis na paghingal o hingalin
• Panghihina at matamlay na kilos
• Pagsusuka o pagtatae
• Pamumula ng gilagid o dila
• Pagkawala ng malay (severe case)

✅ PAANO MAIIWASAN?
• Siguraduhing may malinis at malamig na inumin palagi
• Iwasang ilabas sa oras ng matinding init (10AM–4PM)
• Bigyan ng maaliwalas at preskong lugar na mapagpapahingahan
• Huwag iiwan sa loob ng sasakyan kahit saglit
• Paliguan o basain kung kinakailangan upang mapalamig ang katawan

💡 TANDAAN: Ang mabilis na aksyon ay makapagliligtas ng buhay! Kapag may senyales ng heat stroke, agad dalhin sa pinakamalapit na beterinaryo.

Alagaan natin ang ating mga alaga lalo na sa panahon ng tag-init. Ang kanilang kaligtasan ay nasa ating mga kamay! ❤️🐾



PAALALA SA MGA FURPARENTS NG LOS BAÑOS!Bukas po ang aming Tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes(maliban sa mga araw ng ...
30/03/2026

PAALALA SA MGA FURPARENTS NG LOS BAÑOS!

Bukas po ang aming Tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes(maliban sa mga araw ng holiday at weekends), alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para sa walk-in rabies vaccination ng inyong mga alagang a*o at pusa! Siguraduhing protektado sila laban sa rabies—isang simpleng bakuna na maaaring magligtas ng buhay.

Mangyaring iparehistro ang inyong alaga na nagkakahalaga ng Php50.00 alinsunod sa Kautusang Pambayan Bilang 2018-1755, para mabigyan ng libreng bakuna, gamot at iba pang serbisyo.

Huwag nang maghintay pa—ipabakuna na ang inyong mga alaga para sa kaligtasan ng buong komunidad!



Mga Ka-Agri, sign na ‘to—ipasa mo na ang application mo! 🌱Tara na! Bukas pa ang aplikasyon para sa 2026 Mentoring and At...
23/03/2026

Mga Ka-Agri, sign na ‘to—ipasa mo na ang application mo! 🌱
Tara na! Bukas pa ang aplikasyon para sa 2026 Mentoring and Attracting Youth in Agribusiness (MAYA) Internship Program ng DA-ATI CALABARZON para sa mga nais maging Youth Intern o Partner Farm.
Maaaring isumite ang requirements:
• via courier
• drop-off sa opisina
• o email sa [email protected]

KantaRAM 2026; Manood, Makinig at Matuto!Bilang bahagi ng selebrasyon ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, ...
16/03/2026

KantaRAM 2026; Manood, Makinig at Matuto!

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang KantaRAM: Jingle Writing and Music Video Contest, isang patimpalak na nagbibigay pagkakataon sa mga Junior at Senior High School students mula sa Public at Private Schools ng Los Baños na ipakita ang kanilang talento sa musika habang isinusulong ang kamalayan laban sa rabies.

Sa patimpalak na ito, isang entry lamang mula sa bawat paaralan ang tinanggap, at ang mga kalahok ay gumawa ng sarili nilang komposisyon na sumasalamin sa tema ngayong taon
“Rabies-free na Pusa’t A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino.”

Ngayon, kayo naman ang may pagkakataong makibahagi! Ang pagboto ay isinasagawa sa Official YouTube Page ng Office of the Municipal Agriculturist – Los Baños, kung saan ang bawat Like ay katumbas ng 1 punto para sa inyong napiling entry.

Hanggang Marso 18, 12:00 ng tanghali lamang ang online voting, kaya’t panoorin na ang mga entry at suportahan ang inyong paboritong paaralan!

Ang mananalong jingle ay magkakaroon ng espesyal na karangalan—ito ang magiging opisyal na jingle na gagamitin sa Rabies Awareness Campaigns at Responsible Pet Ownership Activities ng ating bayan.

Ang pag-aanunsyo ng mga nanalo ay gaganapin sa Marso 19, kasabay ng programa ng Dog and Cat Walk.

Sama-sama nating suportahan ang talento ng ating kabataan at palaganapin ang mensahe ng isang rabies-free na komunidad para sa kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino!

https://www.youtube.com/playlist?list=PLuGti8T9_iEMM6-LF47oDrJSYrHaxH1Ea

https://www.youtube.com/playlist?list=PLuGti8T9_iEMM6-LF47oDrJSYrHaxH1Ea

https://www.youtube.com/playlist?list=PLuGti8T9_iEMM6-LF47oDrJSYrHaxH1Ea

𝐀𝐓𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍: 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐄-𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍Para sa kaalaman ng lahat, ang Pre-Registration para sa F...
11/03/2026

𝐀𝐓𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍: 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐄-𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍

Para sa kaalaman ng lahat, ang Pre-Registration para sa Free Spay and Castration ay 𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀.

Maraming salamat sa patuloy na suporta sa mga programa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃: 𝐏𝐑𝐄-𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐒𝐏𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐀𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng Tanggapa...
10/03/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃: 𝐏𝐑𝐄-𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐒𝐏𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐀𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ay magsasagawa ng taunang Free Spay and Castration sa Miyerkules, Marso 25, 2026 ganap na alas-otso ng umaga (8:00 AM) sa Activity Area, Municipal Building.

Kaugnay nito, 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞-𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Narito ang mga paalala para sa ating Libreng Kapunan:

1. Ang unang dalawang daang (200) alagang hayop lamang na maitatala ang mabibigyan ng serbisyo;
2. Isa hanggang dalawang alagang hayop lamang ang maaaring ipalista kada pamilya;
3. Hinihikayat na ang lahat ng ipapakapong alaga ay dapat rehistrado at bakunado kontra rabies, nang di bababa sa dalawang lingo bago ipakapon;
4. Ang alagang hayop na may edad na pitong buwan mahigit lamang ang maaaring ikapon;
5. Bibigyan ng priority ang mga alagang hayop na sasali sa Dog and Cat Walk.

Para sa mga magpaparehistro, pumunta lamang sa aming tanggapan sa Office of the Municipal Agriculturist, Municipal Hall o tumawag sa 530 2981 local 4003.

Para sa pagpaparehistro at iba pang katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa aming FB Page o email sa mao@losbaños.gov.ph o tumawag sa numerong 536-2981 local 4003.

Maraming salamat po.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃: 𝐏𝐀𝐆𝐑𝐄𝐑𝐄-𝐈𝐒𝐊𝐄𝐃𝐘𝐔𝐋 𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐋𝐊𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐤𝐞𝐝𝐲𝐮𝐥 𝐧𝐠 𝐃𝐨𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐚𝐭 𝐖𝐚𝐥𝐤 𝐚𝐲 𝐢𝐥𝐢𝐥𝐢𝐩𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔. It...
10/03/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃: 𝐏𝐀𝐆𝐑𝐄𝐑𝐄-𝐈𝐒𝐊𝐄𝐃𝐘𝐔𝐋 𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐋𝐊

𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐤𝐞𝐝𝐲𝐮𝐥 𝐧𝐠 𝐃𝐨𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐚𝐭 𝐖𝐚𝐥𝐤 𝐚𝐲 𝐢𝐥𝐢𝐥𝐢𝐩𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔. Ito ay alinsunod sa Four (4) Day Workweek Arrangement na nakapaloob sa Memorandum Order No. 2026-0029 na nilagdaan ni Hon. Neil Andrew N. Nocon at sa Office of the President Memorandum Circular No. 114 bilang pagsuporta mga hakbang sa pangangalaga sa enerhiya.

Magsisimula ang Dog and Cat Walk ng alas syete ng umaga (7:00 AM) sa Paciano Rizal Park at magtatapos sa Activity Area, Municipal Building.

Para sa pagpaparehistro at iba pang katanungan, mag-iwan lamang ng mensahe sa aming FB Page o email sa mao@losbaños.gov.ph o tumawag sa numerong 536-2981 local 4003.

Maraming salamat po!





10/03/2026

📢 ANUNSYO SA PUBLIKO: PAGPAPATUPAD NG FOUR (4)-DAY WORKWEEK ARRANGEMENT SA PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS

Ipinababatid ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagpapatupad ng Four (4)-Day Workweek Arrangement alinsunod sa Memorandum Order No. 2026–0029 na nilagdaan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon epektibo ngayong Marso 9, 2026 (Lunes). Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 114 na inilabas noong Marso 6, 2026 bilang pagsuporta sa mga hakbang sa pagtitipid at pangangalaga sa enerhiya sa pasilidad ng pamahalaan habang patuloy na tinitiyak ang maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa ilalim ng bagong schedule, ang mga tanggapan ng pamahalaang bayan ay magbubukas mula Lunes hanggang Huwebes lamang, kung saan ang mga empleyado ay magtatrabaho ng 10 oras kada araw (flexible 7:00 AM to 6:00 PM or 8:00 AM to 7:00 PM). Ang nasabing alituntunin ay sasaklaw sa lahat ng empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños kabilang ang permanent, casual, contract of service, at job order personnel.

Gayunman, upang matiyak na hindi maaantala ang mahahalagang serbisyo para sa mga kliyente at mamamayan, mananatili sa regular na Monday to Friday schedule ang mga tanggapan na nagbibigay ng essential at frontline services tulad ng Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Public Safety Office (MPSO) kabilang ang LBTMO, Municipal Guards, Special Operations Group, Municipal Peace and Order Task Force, at Operation Center. Patuloy ding magseserbisyo ang Municipal Engineering Office (MEO) para sa mga mahahalagang operasyon, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at General Services Office (GSO) para sa waste management at sanitation services, at Economic Enterprise Office kabilang ang Public Market at Slaughterhouse.

Hinihiling ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko sa pagpapatupad ng bagong iskedyul na ito. Sa kabila ng pagbabago, nananatiling pangunahing layunin ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayang Los Bañense.




Address

Municipal Hall Extension, Brgy. Timugan

4030

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+495317849

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Agriculturist - Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share