Barangay Alad

  • Home
  • Barangay Alad
Directions

Barangay Alad Official Facebook Account(2023-2025)

💕 Sitio Sta. Maria, sama-sama para sa malinis na baybayin! 💙Hindi lang tayo namulot ng basura—nag-iwan tayo ng mensahe: ...
24/08/2026

💕 Sitio Sta. Maria, sama-sama para sa malinis na baybayin! 💙

Hindi lang tayo namulot ng basura—nag-iwan tayo ng mensahe: kapag sama-sama, may pagbabago. 🐚🌱

Isang kamay, isang piraso ng basura, isang hakbang para sa mas malinis na dagat. ♻️

Maraming Salamat sa patuloy na pakikipag isa ng mga. Taga Sitio Sta. Maria !Ganun din sa
Masipag na Sitio Kgwad Mark Joven Madeja 🌊✨




14/08/2026
🏛️ OPISYAL NA ULAT NG BARANGAY ALAD📋  Programa: Bagong Pilipinas Barangay.  Presidential Scholars⚖️ Batayan: DILG Memora...
14/08/2026

🏛️ OPISYAL NA ULAT NG BARANGAY ALAD📋
Programa: Bagong Pilipinas Barangay. Presidential Scholars⚖️
Batayan: DILG Memorandum Circular No. 2026-038 [MC No. 2026-038 —
Implementing Guidelines on Bawat Barangay ...

Matagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Barangay ng Alad ang tig-₱20,000.00 na Educational Assistance para sa limang (5) kuwalipikadong mag-aaral sa kolehiyo sa kanilang nasasakupan 🎓.
OUR SCHOLARS🎉







Ang kabuuang pondong nagkakahalagang ₱100,000.00 ay nagmula sa Socio-Civic Projects Fund ng Tanggapan ng Pangulo 🏛️. Ang pamamahaging ito ay isinagawa nang may buong katapatan at alinsunod sa mga panuntunan ng DILG upang matiyak na ang tulong ay direktang makakarating sa mga pamilyang higit na nangangailangan 💼.

Ang Barangay Alad ay kaisa ng pambansang pamahalaan at ng DILG sa pagtataguyod ng tapat, mabilis, at maaasahang serbisyo para sa isang Bagong Pilipinas 🇵🇭.

"Mga Tampok na Ganap: Matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon  Ginanap noong (Hulyo 28, 2026) 🌟📸🌿 sa ating Baran...
06/08/2026

"Mga Tampok na Ganap:

Matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon Ginanap noong (Hulyo 28, 2026) 🌟📸🌿 sa ating Barangay.

Tema: 'Nutrisyon at kalikasan, ating pangalagaan.' 🍃🍅🍎

Handog: Pamamahagi ng masustansyang tulong-pagkain para sa mga buntis 🤰, nagpapasusong ina 🤱, at mga batang kulang sa sapat na nutrisyon 👶🥦.

Isang taos-pusong pagkilala sa mga natatanging lingkod-bayan na naging katuwang sa likod ng tagumpay na ito:

🙌 PB Jonio Singue at ang buong Barangay Council 🏛️👔

🙌 BNS Maria Luz Gonzales 📋✨

🙌 Ma'am Andy Mallen at Ma'am Jedda Rotoni 👩‍⚕️🩺🙌

Ang ating mga masisipag na BHW ❤️💼
Dahil sa inyong maayos, tapat, at nagkakaisang paglilingkod, mas ligtas at mas malusog ang kinabukasan ng ating barangay!

🥦🔥
"

🧹🌿 Clean-Up Drive sa Sitio Talisayan 🌿🧹Bilang pakikiisa at pagsunod sa direktiba ng DILG, matagumpay na isinagawa ang Cl...
27/07/2026

🧹🌿 Clean-Up Drive sa Sitio Talisayan 🌿🧹
Bilang pakikiisa at pagsunod sa direktiba ng DILG, matagumpay na isinagawa ang Clean-Up Drive sa Sitio Talisayan na pinangunahan ng kanilang Sitio Kagawad, Herbert G. Mendoza, kasama ang mga masisipag na residente ng sitio.
Ang gawaing ito ay patunay ng pagkakaisa at malasakit ng komunidad sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at lakas para sa ikabubuti ng ating barangay.



📍Matagumpay na naisagawa ang 4Ps Validation sa Barangay Alad para sa mga benepisyaryo na mula sa Barangay Logbon at Bara...
19/07/2026

📍Matagumpay na naisagawa ang 4Ps Validation sa Barangay Alad para sa mga benepisyaryo na mula sa Barangay Logbon at Barangay Alad.

Ang Pamahalaang Barangay ng Alad ay nagpapaabot ng taos-pusong💕 pasasalamat sa pamunuan at mga kawani ng DSWD sa inyong walang sawang dedikasyon, sipag, at tapat na paglilingkod upang maging maayos at matagumpay ang aktibidad na ito.

Maraming salamat po at pagpalain kayong lahat!"😊

🌿🧹Nagkaisa para sa Kalinisan, Nagkaisa para sa Kalusugan. 🌿Noong Hulyo 15, 2026, sama-samang nakiisa ang mga Opisyal ng ...
15/07/2026

🌿🧹Nagkaisa para sa Kalinisan, Nagkaisa para sa Kalusugan. 🌿

Noong Hulyo 15, 2026, sama-samang nakiisa ang mga Opisyal ng Barangay, mga Kawani ng Barangay, mga Mag-aaral, at mga Kabarangay sa Synchronized Clean-up Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 na may temang "Nutrition at Kalikasan, Ating Pangalagaan."

Sa sama-samang pagkilos, naipakita natin na ang malinis na kapaligiran ay susi sa malusog na pamayanan. 💚🌱



03/07/2026

📢 SCHOLARSHIP ANNOUNCEMENT PARA SA BRGY. ALAD!

📢Bukas na ang aplikasyon para sa Presidential Scholar Program para sa mga Incoming 4th Year College Students (SY 2026-2027).

💰 Halaga: ₱20,000 Educational Assistance (Para sa 5 mapipili)

📂 Saan ipapasa: Sa ating Barangay Secretary
Tingnan ang buong detalye at mga requirements sa larawan sa ibaba. 👇👇
Mag-apply na, mga ka-Alad!

Malaking tulong ito para sa inyong pagtatapos! 🧑‍🎓👩‍🎓

Day 3 of 3 Days  BDP SeminarNarito ang mga kaganapan sa huling araw ng ating Barangay Development Plan (BDP) Seminar. Sa...
30/06/2026

Day 3 of 3 Days BDP Seminar
Narito ang mga kaganapan sa huling araw ng ating Barangay Development Plan (BDP) Seminar.
Sa loob ng tatlong araw, pinag-isa ng inyong mga lokal na opisyal ang kanilang mga adhikain upang makabuo ng isang planong inklusibo, makabago, at nakatutok sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala. Ang planong ito ay gabay natin tungo sa mas ligtas at maunlad na komunidad!





Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Alad posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share