12/06/2026
IKA-128 NA ARAW NG KALAYAAN
Upang ipagdiwang ang kalayaan ng Pilipinas matapos ang higit sa tatlong siglo ng pananakop ng mga Espanyol — ngayong araw, Hunyo 12, 2026, muli nating ginugunita ang mga sakripisyo ng mga lumaban para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Sa ating paggunita sa ika-128 na Araw ng Kalayaan, marapat lamang na balikan natin ang nakaraan at alalahanin ang mga hirap at pagsubok na tiniis ng ating mga ninuno. Ang dugo, pawis, at luhang kanilang inialay—at ang mga buhay na kanilang isinakripisyo upang makamit ang kalayaang mayroon tayo ngayon.
Tandaan natin na ang kasarinlang tinatamasa natin ngayon ay hindi lamang basta kalayaan—ito ay isang paalala na ang Pilipino ay lumaban, lumalaban, at patuloy na lumalaban upang makamit ang kaparatan ng bawat mamamayang Pilipino. ✊