Tinig Ng Silangan Party Alliance

Tinig Ng Silangan Party Alliance Tunay. Palaban. Makabayan. The longest-serving, always pro-student community-based organization in UE Caloocan since 1981.

This is the official page of Tinig Ng Silangan Party Alliance.

IKA-128 NA ARAW NG KALAYAAN Upang ipagdiwang ang kalayaan ng Pilipinas matapos ang higit sa tatlong siglo ng pananakop n...
12/06/2026

IKA-128 NA ARAW NG KALAYAAN

Upang ipagdiwang ang kalayaan ng Pilipinas matapos ang higit sa tatlong siglo ng pananakop ng mga Espanyol — ngayong araw, Hunyo 12, 2026, muli nating ginugunita ang mga sakripisyo ng mga lumaban para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Sa ating paggunita sa ika-128 na Araw ng Kalayaan, marapat lamang na balikan natin ang nakaraan at alalahanin ang mga hirap at pagsubok na tiniis ng ating mga ninuno. Ang dugo, pawis, at luhang kanilang inialay—at ang mga buhay na kanilang isinakripisyo upang makamit ang kalayaang mayroon tayo ngayon.

Tandaan natin na ang kasarinlang tinatamasa natin ngayon ay hindi lamang basta kalayaan—ito ay isang paalala na ang Pilipino ay lumaban, lumalaban, at patuloy na lumalaban upang makamit ang kaparatan ng bawat mamamayang Pilipino. ✊



MABUHAY ANG MGA LIDER-ESTUDYANTENG NAGSIPAGTAPOS NG KOLEHIYO NGAYONG BUWAN! 🎓✨️Ipinagdiriwang ng Tinig ng Silangan ang m...
12/06/2026

MABUHAY ANG MGA LIDER-ESTUDYANTENG NAGSIPAGTAPOS NG KOLEHIYO NGAYONG BUWAN! 🎓✨️

Ipinagdiriwang ng Tinig ng Silangan ang mga kabataang nagsipagtapos nitong ika-9 ng Hunyo, 2026! Matapos ang ilang taong pagbabalanse ng pag-aaral at pagseserbisyo, isang malaking legasiya ang inyong inukit sa kamay ni Lualhati. Ang inyong dedikasyon sa paglilingkod ay patunay na ang tawag ng serbisyo ay hindi nakabatay sa edad o estado, kundi sa kapasidad ng malawakang pag-unawa at pagtindig sa tama.

Sa bawat desisyong ginawa, sa bawat proyektong isinakatuparan, at sa bawat krisis na nalampasan, naging patunay kayo na ang Tinig ay hindi nagpapadaig. Kayo ang pulso ng bawat kilos para sa ating Pamantasan at sa Bayan. Natapos man ang inyong pahina sa unibersidad, ang tinig ng pagiging Tunay, Palaban, at Makabayan ay mananalaytay kailanman sa inyong mga puso.

Sa panibagong yugto ng inyong buhay, nawa'y dalhin ninyo ang aral at karanasan mula sa Silangan tungo sa mas malawak na komunidad. Lubos naming pinasasalamatan ang inyong kontribusyon sa paghubog at inspirasyon ng bagong henerasyon ng lider-estudyante. Buong-loob kaming naniniwala sa inyong kakayahan at maliwanag na kinabukasan bilang mga bagong propesyonal ng bayan!



"TINIG KITA" by Lui x NIKKI is now AVAILABLE on digital music platforms! ❤️‍🔥🎧Listen now on your favorite platforms—Spot...
25/04/2026

"TINIG KITA" by Lui x NIKKI is now AVAILABLE on digital music platforms! ❤️‍🔥🎧

Listen now on your favorite platforms—Spotify, Apple Music, YouTube Music, SoundCloud, Deezer, Melon, and more! 🎧

Para sa bawat Pulang Mandirigma, kasama ninyo kami. Lagi. Dinig namin kayo, Tinig namin kayo, Klasmeyt! ❤️‍🔥

Isang taimtim na pagbati para sa mga bagong Engineer ng bayan!Taos pusong kinikilala ng Tinig ng Silangan ang dakilang t...
15/04/2026

Isang taimtim na pagbati para sa mga bagong Engineer ng bayan!

Taos pusong kinikilala ng Tinig ng Silangan ang dakilang tagumpay ni Engr. Justine Nouvelle D.C. Jovellanos sa kaniyang pagpasa sa Civil Engineers Licensure Examination (CELE) nitong ika-7 ng Abril, 2026.

Si Engr. Justine Nouvelle Jovellanos ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Unang nagbigay serbisyo si Jovellanos bilang Treasurer ng Engineering Student Council noong A.Y. 2023-2024, at naging bahagi sa paghubog ng mga lider estudyante.

Aming pinapasalamatan ang iyong kontribusyon bilang isang halimbawa at inspirasyon sa ating susunod na lider estudyante. Nawa’y sa pagpasok ng panibagong kabanata ng iyong buhay ay patuloy parin ang iyong dedikasyon at serbisyo mula sa kabataan patungo sa bayan.

Buong pusong naniniwala ang Tinig ng Silangan sa iyong kinabukasan bilang Inhinyero ng Bayan!


11/04/2026

“Halina’t sindihan ang apoy at tumindig—
hanggang ang tinig ay maging iisa ang himig.”

Ang Tinig Kita ay produkto ng talento, passion, at dedikasyon—mula sa ideya hanggang sa pagbibigay-buhay sa bawat linya. Hinubog ito ng pagsusumikap ng bawat isa sa likod at harap ng kamera.

Kasama sina Luigi Supremo at Nikki Barrientos, sa gabay ng composer at producer na si Buch Dacanay, at sa panulat nina Jim Ruzzle Boado at Gab Abilon, nabuo ang isang awitin na hindi lang naririnig—kundi punong-puno ng istorya at pakiramdam.

✨ Isang pagpupugay sa mga taong nagbigay-buhay sa kantang TINIG KITA!

🎬 WATCH THE FULL MUSIC VIDEO HERE
🔗 https://www.facebook.com/reel/955204940530127

📍 Bloom Space by NJ
Reels by Lhaiza Nishikawa

09/04/2026

Lui & NIKKI 'TINIG KITA' (Official Lyric Video)

Panuorin ang “TINIG KITA” Lyric Video version at maramdaman ang bawat himig.

🎬 WATCH THE FULL MUSIC VIDEO HERE
🔗https://www.facebook.com/reel/955204940530127

Sama-samang Paninindigan para sa Araw ng Kagitingan 2026 🇵🇭Ngayong Abril 9, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kagitingan....
09/04/2026

Sama-samang Paninindigan para sa Araw ng Kagitingan 2026 🇵🇭

Ngayong Abril 9, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kagitingan. Ito ang panahon para muling magkaisa at gamitin ang ating tinig upang ipagmalaki ang ating kasaysayan at ang kalayaang ating ipinaglalaban.

Ang ating pagkakaisa ang magsisilbing lakas para sa mas maliwanag na kinabukasan. Huwag nating hayaang mawala ang ating mga paninindigan; patuloy nating itaguyod ang hustisya at kagitingan para sa lahat.




08/04/2026

"Tinig Kita! May pasya at may saya!"

Tignan natin ang mga ngiti at ang pag-asang sumisiklab sa bawat matang nanood. Higit pa sa isang kanta ang “TINIG KITA” M/V na isang paalala na sa bawat hakbang, hindi ka nag-iisa at boses mo ang simula.

Klasmeyt, Tinig kita. ❤️‍🔥\

🎬 WATCH THE FULL MUSIC VIDEO HERE
🔗https://www.facebook.com/reel/955204940530127

"Hanggat may estudyanteng hindi pinapakinggan, hanggat may estudyanteng naiiwan, patuloy kong pipiliin na lumaban." — Ke...
07/04/2026

"Hanggat may estudyanteng hindi pinapakinggan, hanggat may estudyanteng naiiwan, patuloy kong pipiliin na lumaban."

— Keizel Matsubara, CSC President A.Y. 2026 - 2027

Ang ating PRESIDENT na handang makinig, kumilos, at lumaban.

Hindi sapat na may iilang umaangat kung may mga naiiwan pa rin. Sama-sama nating ayusin ang sistema, hindi para sa iilan, kundi para sa bawat estudyante.

Walang estudyanteng maiiwan, walang boses ang mawawala. ❤️‍🔥

07/04/2026

"Sa leadership ko nahanap ang purpose ko sa buhay—ang maglingkod sa estudyante."

Balikan na'tin ang taos-pusong mensahe ni Keizel Matsubara, ang bagong Halal na Pangulo ng Pangkalahatang Konseho at Kinatawan ng Tinig ng Silangan, para sa mga Mandirigma sa naganap na Miting de Avance. Makikita ang tunay niyang puso sa paglilingkod at pakikipaglaban—hindi lamang para sa mga estudyante, kundi para rin sa bayan.

Matagumpay na'ting naipaabot sa mga estudyante ang layuning ito, ang patuloy na maging kaisa at kasama ninyo sa mga laban sa loob at labas ng pamantasan. Tuloy ang laban! ✊🏻❤️‍🔥

Address

Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tinig Ng Silangan Party Alliance posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share