11/09/2021
Ginugunita natin ngayong araw ang ika-65 anibersaryo ng kamatayan ni Carlos S. Bulosan, bantog na nobelista, manunula at tubong Binalonan, Pangasinan.
Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano, nagpasya siyang magtungo sa Estados Unidos kung saan napunta siya sa ibaโt-ibang mga trabaho na mababa ang pasahod tulad ng pagiging manggagawa sa plantasyon at pabrika ng mga de-lata. Dagdag pa sa mga kinaharap niyang pagsubok ang rasismo sa mga tulad niyang Asyano.
Marami siyang naiwang mga sulatin subalit maituturing na pinakatanyag ang โ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐ป๐๐๐๐กโ na bunga ng kanyang buhay at mga karanasan bilang isang Pilipinong migranteng manggagawa sa Amerika. Kadalasan itong kahingian na babasahin sa ๐ด๐ ๐๐๐-๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ก๐ข๐๐ฆ ๐๐๐๐๐๐๐๐ sa Estados Unidos sa kasalukuyan.
Ipinagdiriwang ngayong araw ang โCarlos Bulosan Dayโ sa Binalonan, Pangasinan bilang pagpupunyagi kay Bulosan bilang anak ng Binalonan. Ito ay mula nang maipasa ng Binalonan Municipal Council ang ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. 2006-01 noong 2006 na nagtatakda tuwing Septyembre 11 bawat taon ng nasabing pagdiriwang.
Mula sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Bulosan at ng kanyang mga kapwa migrante sa kanyang panahon, dalangin namin ang palagiang kaligtasan ng mga Pilipino ngayon na nasa ibang bansa, migrante man o OFW, na dumadaan naman ngayon sa pagsubok ng panahon ng pandemya.
MGA BATIS:
Cardinoza, Gabriel. โBulosan unknown even in hometown.โ ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ฆ ๐ผ๐๐๐ข๐๐๐๐, Septyembre 14, 2016. https://newsinfo.inquirer.net/815066/bulosan-unknown-even-in-hometown
University of Washington Libraries. โBiography / Overview.โ Author, Poet, and Worker: The World of Carlos Bulosan. Accessed September 9, 2021. https://content.lib.washington.edu/exhibits/bulosan/index.html
Visperas, Eva. โBinalonan town declares Sept. 11 Carlos S. Bulosan Day.โ ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐, Hunyo 23, 2006. https://www.philstar.com/nation/2006/06/23/343387/binalonan-town-declares-sept-11-carlos-s-bulosan-day
Photo credits: Google