01/06/2026
Tingnan: SDO Gapan City Pormal na Inilunsad ang Brigada Eskwela 2026
MARUHAT, GAPAN CITY – Matagumpay na isinagawa ng Schools Division Office of Gapan City ang Division Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 sa Maruhat National High School nitong Hunyo 1, 2026, bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Schools Division Superintendent Enrique E. Angeles Jr., PhD, CESO VI ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikiisa ng buong komunidad sa paghahanda ng mga paaralan para sa mga mag-aaral.
Aniya, ang Brigada Eskwela ay hindi lamang tungkol sa paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad kundi isang pagpapakita ng bayanihan kung saan ang mga magulang, g**o, stakeholders, at iba pang miyembro ng komunidad ay nagsasama-sama para sa kapakanan ng mga batang mag-aaral.
Ipinahayag din niya na ang kaayusan ng paaralan ay sumasalamin sa kahandaan ng buong komunidad na suportahan ang dekalidad na edukasyon. Hinikayat niya ang mga school heads, stakeholders, at mga magulang na patuloy na makibahagi upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral.
Sa temang pagkakaisa, kaayusan, at bayanihan, muling ipinakita ng Maruhat National High School at ng buong SDO Gapan City ang kanilang dedikasyon sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon para sa bawat batang Gapan.
Sama-sama para sa mga Batang Gapan, tungo sa mas maliwanag at matagumpay na kinabukasan.
Kaayusan. Pagkakaisa. Bayanihan.
Photo by: Federico Trinidad | MNHS