09/06/2026
🏫 Pagpupugay sa aming mga TUPAD Members! 👫❤️
Sampung araw ng sipag, pawis, at dedikasyon ang inyong inihandog para sa Cullat Elementary School. Hindi madali ang trabahong inyong ginawa, ngunit ginawa ninyo ito nang buong puso at walang reklamo. 🙌🙏
Dahil sa inyong walang sawang pagsisikap, naging malinis, maayos, at mas naging handa ang aming paaralan para sa aming mga mag-aaral. Bawat sulok na inyong nilinis, bawat basura na inalis, at bawat pawis na pumatak ay nakita, naramdaman, at lubos naming pinahahalagahan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo. 🙏 Isa kayo sa naging susi upang lubos na maihanda ang paaralan sa muling pagbubukas nito.
Mabuhay kayo at maraming salamat! 💛🏫