05/10/2026
📢 PAHIWATIG / ANUNSYON MULA SA BARANGAY 📢
PAKIUSAP SA MGA NAKAKAKILALA O PAMILYA
Ipinagbibigay-alam po sa publiko na pinalagak (turn-over) ni Chairman Lozada ng Lower West Kamias ang isang nakatatandang babae na nakita sa kanilang lugar matapos itong mailigtas dahil muntik nang masagasaan.
Pangalan (ayon sa kanya): CRISTINA MAGALLANO ISAGA
Impormasyon: Ito lamang po ang natatandaan niyang detalye sa ngayon. Siya po ay kasalukuyang ligtas at maayos na nababantayan.
Kung may nakakakilala po sa kanya o nakakaalam kung nasaan ang kanyang pamilya o kamag-anak, pakiusap po na makipag-ugnayan agad sa ating BPSO sa numerong:
📞 (0961) 513 4557
Maaari din po kayong mag-iwan ng mensahe sa pahinang ito.
Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa upang matulungan natin siyang makabalik nang ligtas sa kanyang pamilya. Paki-share na rin po para mabilis na makarating sa kanyang mga kamag-anak.
Kapitan Bebot Tenorio
At Sangguniang Barangay