06/23/2026
SA ILALAIM NG LANGUAGE ACCESS ORDINANCE, ANG WIKANG VIETNAMESE AY ISA NA NGAYON SA MGA WIKANG NAGAGAMIT SA SAN FRANCISCO!
Simula sa Hulyo 1, 2026, uumpisahan ng mga departamento ng Lungsod ang pagpapalawig ng kanilang mga serbisyo gamit ang wikang Vietnamese. Kasama dito ang pagsasalin ng mga mahahalagang impormason tungkol sa mga programa at serbisyo ng Lungsod at sa pagsasanay ng mga kawani ng Lungsod sa mga bagong mga kinakailangan. Ang mga pagbabago ay unti-unting magaganap at ang mga departamento ng Lungsod ay kinakailangang sumunod sa mga bagong patakaran sa pag sapit ng Hulyo 1, 2027.
Tandaan po, maaari kayong humiling nang pagsasalin mula sa mga departamento ng Lungsod sa ANUMANG wika na kailangan ninyo.
ALAMIN ANG HIGIT PA AT MANATILING MAALAM: sf.gov/languageaccess