24/02/2026
Sa pag-turn over ng Baguio City Response Manual on Trafficking in Persons and Online Sexual Abuse and Exploitation of Children, pinagtibay natin ang isang malinaw na paninindigan: hindi ito laban ng iilan — laban ito ng buong komunidad.
Kasama ang Baguio City at ang Inter-Agency Council Against Trafficking, malinaw ang mensahe natin: seryoso tayo sa pagprotekta sa ating mga kabataan.
Pero higit sa manuals at protocols, ang kailangan natin ngayon ay liderato.
Gaya ng sinabi ko sa programa:
“These times call not just for manuals and protocols. These times call for leadership. Through leadership, with courage, dapat nagkakaisa tayo na nagsasabing hindi natin papayagan na ang kahalayaan, ang human trafficking, ang sexual exploitation ng ating mga kabataan ay mangyari sa ating komunidad.”
Ang manual ay gabay. Pero ang tunay na laban ay nasa kung paano tayo kikilos bilang mga LIDER, bilang mga MAGULANG, bilang isang KOMUNIDAD.