SMNI Singapore

SMNI Singapore A true alternative network that broadcasts the uncompromising message of truth!

HEALTHY NA 'TO?Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang estado ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng usapin ukol ...
14/09/2026

HEALTHY NA 'TO?

Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang estado ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng usapin ukol sa pambansang utang.

Ipinaliwanag niyang hindi sapat na tingnan lamang ang kabuuang halaga ng obligasyon nang hindi sinusuri ang dalawang panig ng balance sheet.

Binigyang-diin niya na kailangang timbangin ang utang laban sa mga ari-arian at kabuuang produksyon ng bansa sa pamamagitan ng debt-to-GDP ratio, kung saan maayos at matatag umano ang lebel ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.

Ayon kay PBBM sa kalagayan ng pambansang pananalapi, “Yeah, we are healthier than many, many, many, many other economies. Ask the financial analysts, they don't know what I'm—I’m sure they understand what I'm talking about. It's those ratios that are important.”

14/09/2026

Pa-Talk: Nurse by Heart Beauty Boss by Passion | Built On Love, and Perseverance | September 14, 2026

NO MORE HOSPITAL ARRESTIpinag-utos na ng Sandiganbayan Third Division na ikulong na si dating House Speaker Martin Romua...
14/09/2026

NO MORE HOSPITAL ARREST

Ipinag-utos na ng Sandiganbayan Third Division na ikulong na si dating House Speaker Martin Romualdez sa New QC Jail-Male Dormitory sa Payatas matapos sabihin ng University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP–PGH) na walang dahilan para manatili ito sa ospital.

Una nang iniulat ni UP-PGH Director Gerardo Legazpi na stable ang kondisyon ni Romualdez at hindi nangangailangan ng hospital confinement ang heart at mental condition ng kongresista.

via Margot Gonzales

LOVE THE UNLOVABLE?Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagaman naririnig niya ang mga pahayag laban sa kaniya ni...
14/09/2026

LOVE THE UNLOVABLE?

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagaman naririnig niya ang mga pahayag laban sa kaniya ni Vice President Sara Duterte, wala siyang intensiyong tumugon sa mga ito.

Ayon kay Marcos, nauunawaan niya ang galit ng Bise Presidente sa mga nangyayari at tinatanggap niyang siya ang pangunahing puntirya nito.

Aniya, “What can I do? You cannot force anyone to love you.”

14/09/2026
12/09/2026

MAY PROYEKTO BA?

Ibinahagi ni PCO Usec. Claire Castro na ang isa sa mga pangunahing hiling ng Presidential Communications Office (PCO) para sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang maayos na pagpapatupad at pagtatapos ng mga proyekto ng pamahalaan para sa bansa bago matapos ang kanyang termino.

Ayon kay Usec. Castro, "Ang wish pa rin namin ay sana lahat ng – hindi man lahat, halos lahat ng kanyang nais na gawin para sa ating bansa at sa ating mga kababayan ay maayos, matapos bago matapos ang kanyang termino."

12/09/2026

GINAGAWA BA?

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga natutunan niya sa kaniyang ama, ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na ang tunay na paglilingkod-bayan ay nangangailangan ng sakripisyo at hindi pagkuha ng madaling paraan sa harap ng pagsubok.

Aniya, “Do not ever take the easy way out. Do what is right, no matter how difficult that may be. But perhaps the most important lesson that I learned from him was, public service must be about your country and your countrymen.”

FAKE PAGEAng SMNI News Online Digital ay HINDI konektado sa SMNI News. Pekeng page ito na nagre-reupload ng mga video mu...
12/09/2026

FAKE PAGE

Ang SMNI News Online Digital ay HINDI konektado sa SMNI News. Pekeng page ito na nagre-reupload ng mga video mula sa SMNI News at nagpapanggap na lehitimong SMNI page.

Ang hindi awtorisadong paggamit ng pangalan at content ng SMNI ay maaaring humantong sa legal na hakbang laban sa mga nasa likod nito.

Para sa opisyal na updates, i-follow lamang ang opisyal na SMNI Digital page.

Tulungan kaming i-report ang page na ito upang maiwasan ang panlilinlang sa publiko.
https://www.facebook.com/profile.php?id=61556529595035

12/09/2026
11/09/2026

HINDI NAKAKALIMOT ANG TAUMBAYAN

Muling ipinaalala ni Vice President Sara Duterte sa publiko na hindi dapat kalimutan ang umano’y pagk*dnap kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isiniwalat din niya ang umano’y pag-amin kung sino ang mga nasa likod nito, kung saan itinuro ang ilang matataas na opisyal, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ani Bise Presidente, “Akala nila nakalimutan na natin ang pag-kidnap kay dating Pangulong Rodrigo. Huwag ninyong kalimutan ang pag-amin kung sino ang gumawa ng pag-kidnap kay Tatay Digong. Siya mismo ang umamin. Itinuro niya si Gilbert Teodoro. Itinuro niya si Eduardo Año. At itinuro niya si Marcos.”

Address

Singapore

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMNI Singapore posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category