06/05/2026
BABALA ; Matinding Scammer ng mga OFW โ โ๐๐๐ข๐ก ๐ ๐๐ฅ๐ค๐จ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ก๐,โ gumagamit din ng mga pangalang โ๐๐๐ข๐ก ๐ ๐๐ฅ๐ค๐จ๐๐ญโ at โ๐๐ข๐๐ก ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐ค๐จ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ก๐.โ Nag-aalok umano ito ng trabaho bilang Dairy Farming at Fruit Picker papuntang New Zealand. Nag-aayos din daw siya ng Red Ribbon (Apostille) at nag-iisyu umano ng IELTS / PTE Certification (English Test).
Mga biktima niya ay mga OFW sa Saudi Arabia, UK, at Hong Kong, at tinatayang umabot na sa mahigit โฑ1 milyon ang kanyang na-scam!
Handa ng magsampa ng reklamo ang mga biktima. Sa katunayan, pina-blotter na siya ng asawa ng isang OFW na nasa UK. Ayon sa ulat, matapos umano silang makapagbigay ng mahigit โฑ300,000 ay muli pa itong humihingi ng karagdagang โฑ180,000 at nagtakda pa ng meet-up sa Pampanga. Ngunit dahil sa kutob ng asawa ng OFW na isa itong scam, nag-request siya ng back-up mula sa mga pulis.
Matalino umano ang scammer dahil bago ang kanilang pagkikita ay pinapicturan muna nito ang lugar at mga kasama. Nang makita sa larawan na may kasamang pulis, hindi na ito tumuloy sa meet-up.
Kadalasan kung bakit na i- SCAM ang mga OFW ;
โข Paghingi ng tulong ( Kung isa kang OFW DISTRESSED)
โข Online lending o pautang
โข Pangakong pagpapalipat ng trabaho abroad (cross-country)
โข Paghahanap umano ng trabaho online
โข Pangakong Trabaho ( Pekeng Consultant)
Mag-ingat at huwag agad magtitiwala sa mga taong humihingi ng pera online kapalit ng tulong o trabaho.