19/02/2026
Legal ang CIF (Confidential & Intelligence Funds) ayon sa ating saligang-batas.
Ang Confidential & Intelligence Funds (CIF) ay bahagi ng budget ng gobyerno na inilaan sa mga opisina, ahensya, o departamento para sa mga gastusin na hindi maaaring ipahayag sa publiko dahil sa seguridad, Intelligence o sensitive operation na kadahilanan.
Ito ay hindi personal na pera ng mga politiko o nakaupo o appointed, sa halip, ito ay kontrolado ng pinuno ng opisina o ahensya at sumasailalim sa mga patakaran sa accounting ng gobyerno.
Ang layunin ng Confidential Funds ay inilaan para sa:
• Intelligence operations: Pagsubaybay sa kriminalidad, seguridad, o banta sa bansa.
• Seguridad at proteksyon: Pagprotekta sa mga opisyal, VIP, o sensitibong pasilidad.
• Sensitibong transaksyon ng gobyerno: Emergency operations, mabilisang procurement para sa pambansang seguridad, o undercover initiatives.
• Special missions: Ilang diplomatic, anti-terror, o anti-corruption na aktibidad na hindi maaaring ipahayag sa publiko.
Halimbawa: Pagpopondo sa surveillance o pangangalap ng impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) o Department of National Defense (DND).
Ang mga bumubuo nito ay;
• Ang pinuno ng opisina/ahensya (hal. Secretary, Pangulo, Bise Presidente) ang nagpapatibay sa paggamit ng confidential funds.
• Kahit inilaan sa opisina, ang pinuno ang mananagot sa pag-uulat ng paggamit nito sa mga oversight body gaya ng Commission on Audit (COA).
Ang Legal na Batayan ng CIF ay;
• Ang confidential funds ay nakasaad sa General Appropriations Act (GAA).
• Ang mga ahensya ay hindi maaaring lumagpas sa inilaan na halaga, at ang mga gastos ay dapat dokumentado recorded ng maayos, and lahat ng detalye ay dapat classified.
• COA ang nag-audit upang matiyak na tama ang paggamit nito, kahit na maaaring hindi mailahad ang mga detalye sa publiko.
Ang mga halimbawa ng mga Opisina na may CIF
• Office of the President (OP) – pinakamalaking alokasyon para sa Intelligence operations at pambansang seguridad.
• Department of National Defense (DND) – kasama ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
• Department of the Interior and Local Government (DILG) – kasama ang operasyon ng PNP.
• Department of Justice (DOJ) – ginagamit para sa undercover o sensitibong law enforcement operations.
• Office of the Vice President (OVP) – Ayon sa COA, hindi humingi ang opisina ng VP ng CIF mula 2024 hanggang 2026.
May CIF din ba ang COA (Commission on Audit)?
Oo, meron, mula 2022-2025 ang budget ng ahensya ay naglalaro lamang ng 10-12 million pesos.
Note: This post is not intended to malign or target any politicians. The information presented is based solely on official reports from the Commission on Audit (COA). We are simply sharing what the Commission has stated in its reports, without any personal interpretation, bias, or political commentary. Our aim is to provide factual information as documented by the COA.
Posted: Admin 2