26/05/2026
Ano ang “Opening Block”?
Mga magulang, sa nalalapit na pagbubukas ng klase, ang unang linggo ng pasukan ay tinatawag na “Opening Block.” Ano nga ba ito? 😊
1. Panahon ng Pag-aadjust at Transition
Layunin ng Opening Block na tulungang makapag-adjust ang mga mag-aaral mula sa bakasyon papunta muli sa school routine. Hindi pa agad bibigyan ng mabibigat na aralin o seryosong academic discussions upang maging magaan ang pagbabalik-eskwela.
2. Suporta sa Mental at Emotional Well-being
Kasama sa linggong ito ang mga gawaing makakatulong sa emotional at mental well-being ng mga bata, tulad ng:
• Icebreakers at Team-building Activities – para maging komportable sila sa kanilang mga kaklase at g**o.
• Pagpapahayag ng Damdamin – simpleng usapan o laro upang maibahagi ng mga bata ang kanilang excitement, kaba, o iba pang nararamdaman tungkol sa pasukan.
3. Orientation sa School Rules at Mabuting Pag-uugali
Sa Opening Block, ipinapaalala rin ang mahahalagang alituntunin sa paaralan, tulad ng:
• Classroom rules at grading system
• Attendance at tamang pagsusuot ng uniporme
• Safety at disaster preparedness procedures
4. Diagnostic Assessment o Paunang Pagtatasa
Nagkakaroon din ng simpleng assessment upang malaman ng mga g**o ang kasalukuyang kaalaman ng mga mag-aaral.
• Hindi ito graded o may marka.
• Layunin nitong matukoy kung aling mga aralin ang kailangang balikan o pagtuunan ng pansin bago magsimula ang regular na lessons.
5. Pagbuo ng Magandang Routine
Tinutulungan din ang mga bata na masanay muli sa tamang oras ng pagpasok, pagsunod sa daily schedule, at mga classroom routines upang maging maayos ang buong school year.
💝 Sa madaling paliwanag:
Ang Opening Block ay isang “welcome at adjustment week” para sa mga mag-aaral. Layunin nitong ihanda ang kanilang isip, damdamin, at katawan bago tuluyang magsimula ang regular na pag-aaral, upang maging mas magaan, masaya, at hindi nakaka-stress ang pagbabalik-eskwela. 💝