31/05/2026
๐๐๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐๐ช๐งโ๐๐ฃ ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ & ๐ผ๐ฏ๐๐ฃ ๐พ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ 2026
Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Talabaan ay nanguna sa pagsasagawa ng Musabaqah kasabay ng pagdiriwang ng Eidโl Adha, kung saan ang mga kalahok mula sa buong Zone 1 hanggang Zone 7 ay nagtagisan ng husay at talento sa pag-aazan at pagbigkas ng Banal na Qurโan.
Ngayong taon ay ikatlong taon na ng pagdaraos ng Musabaqah, na matagumpay na naisakatuparan sa tulong at pakikipagtulungan ng pitong (7) mosque sa Barangay Talabaan.
Inaanyayahan din ng SK Talabaan ang lahat ng kabataang Muslim na makiisa at maging bahagi ng Muslim Youth Association ng Barangay Talabaan upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa, pananampalataya, at aktibong partisipasyon ng kabataang Muslim sa komunidad.