23/07/2026
๐ข PARA SA KAALAMAN NG LAHAT
ANO ANG UPLIFT PROGRAM NG ADMINISTRASYON NI PANGULONG FERDINAND "BONGBONG" MARCOS JR.?
Ang UPLIFT (Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport)ay isang programa ng Pamahalaang Nasyonal na naglalayong magbigay ng pansamantalang tulong sa mga pamilyang higit na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, langis, pamasahe at iba pang gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Layunin ng programang ito na mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap, near-poor at iba pang low-income households sa pamamagitan ng mas maayos at mas target na pagbibigay ng tulong mula sa pamahalaan.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tinatayang 7.5 milyong kabahayan sa buong bansa ang target na makinabang sa UPLIFT Program.
๐ก๐ ANO ANG PAPEL NG CBMS STICKER NA NAKAPASKIL SA BAWAT BAHAY?
Marami ang nagtatanong kung ang pagkakaroon ng CBMS sticker ay nangangahulugan na awtomatiko nang makatatanggap ng ayuda. Ang sagot ay HINDI.
Ang Community-Based Monitoring System (CBMS) sticker ay nagsisilbi lamang bilang opisyal na palatandaan na ang inyong sambahayan ay:
โ
Nabisita at na-survey na ng awtorisadong enumerators ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng Local Government Unit (LGU);
โ
Nakapagbigay na ng kinakailangang impormasyon para maisama sa opisyal na CBMS database ng pamahalaan;
โ
Naitala na upang maiwasan ang dobleng pag-survey sa parehong kabahayan.
Mahalagang tandaan: โ ๏ธโผ๏ธ Ang CBMS sticker ay hindi katumbas ng ayuda at hindi rin ito garantiya na kabilang na ang inyong pamilya sa mga benepisyaryo ng anumang programa ng gobyerno.
SINO ANG MGA TARGET NA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAM?
Batay sa inilabas na impormasyon ng DSWD, ang target na mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng:
1. Humigit-kumulang 3.5 milyong pamilya
Kabilang dito ang mga kasalukuyang benepisyaryo ng:
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
Walang Gutom Program
2. Humigit-kumulang 2.5 milyong Near-Poor Households
Ito ang mga pamilyang hindi kabilang sa pinakamahihirap ngunit nangangailangan pa rin ng tulong batay sa resulta ng Community-Based Monitoring System (CBMS).
3. Humigit-kumulang 1.5 milyong Low-Income SSS Members
Mga miyembro ng Social Security System (SSS) na may mababang kita at pasok sa mga kwalipikasyong itinakda ng programa.
PAANO ANG TAMANG PROSESO NG PAGPILI NG MGA BENEPISYARYO?
1. CBMS Enumeration
Unang nagsasagawa ang PSA at LGU ng house-to-house survey upang makuha ang tamang impormasyon tungkol sa bawat pamilya.
2. Data Validation
Sinusuri at bineberipika ang lahat ng impormasyong nakalap upang matiyak na tama, kumpleto, at napapanahon ang datos.
3. Pag-uuri ng Kalagayan ng Kabahayan
Batay sa resulta ng CBMS, natutukoy kung ang isang sambahayan ay kabilang sa poor, near-poor, o nasa ibang antas ng kabuhayan. Ito ang nagiging batayan sa pag-target ng mga programa ng pamahalaan.
4. Pagpili ng Mga Kwalipikadong Benepisyaryo
Hindi lahat ng may CBMS sticker ay awtomatikong mapapasama sa listahan. Ang mga benepisyaryo ay pipiliin batay sa resulta ng validation, kwalipikasyon ng programa, at iba pang pamantayang itinakda ng DSWD at ng iba pang kaukulang ahensya.
5. Opisyal na Pag-aanunsyo
Ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo at iskedyul ng pamamahagi ng tulong ay tanging ang DSWD, PSA, at LGU lamang ang maaaring maglabas.
MAHALAGANG PAALALAโผ๏ธ
โ Ang CBMS sticker ay HINDI ayuda.
โ Ang pagkakaroon ng CBMS sticker ay HINDI nangangahulugan na awtomatiko kayong makatatanggap ng UPLIFT o anumang programa ng gobyerno.
โ
Ang sticker ay nagpapatunay lamang na ang inyong sambahayan ay naisama sa opisyal na CBMS survey.
โ
Ang aktuwal na mga benepisyaryo ay ibabatay sa resulta ng CBMS, data validation, at sa mga kwalipikasyong itinakda ng DSWD at iba pang kaukulang ahensya.
๐ Paalala: Maghintay lamang ng opisyal na anunsyo mula sa DSWD, PSA, o sa inyong Local Government Unit (LGU). Iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at huwag basta maniwala sa mga hindi beripikadong balita.
Sama-sama nating suportahan ang maayos, patas, at transparent na pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
PABOR: NUMA USTEDES ABLA KAY ESE LISTA AY ESTABA YA TAMEN NA BARANGAY. NUAY PO LABUT EL MGA BARANGAY OFFICIALS Y MGA STAFF CON ESE PROGRAMA DE NATIONAL GOVERNMENT.