06/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ค๐ก๐ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ค๐ฅ๐๐ญ!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inilulunsad ng Junior High School Instructional Media Center ang programang Tuklas Pilipinas isang proyektong naglalayong makabuo ng isang natatanging aklat na isinulat mismo ng ating komunidad.
Sa programang ito, inaanyayahan ang mga mag-aaral, g**o, at kawani na ibahagi ang kanilang mga larawan, karanasan, at alaala mula sa iba't ibang lugar na kanilang napuntahan sa Pilipinas. Ang bawat ambag ay magiging bahagi ng ating kolektibong kuwento na nagpapakita ng kagandahan ng ating bansa, mayamang kultura, at iba't ibang tradisyon.
Layunin ng programang ito na:
1. Hikayatin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino at pambansang pagkakakilanlan. 2. Linangin ang kakayahan sa pagsulat, pagbabahagi ng karanasan, at pagkamalikhain. 3. Makalikha ng isang collaborative book na magsisilbing alaala at inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon.
Sa pagtatapos ng school year, ang lahat ng entries ay pagsasama-samahin, ibi-bind, at ilalathala bilang isang aklat na likha ng ating komunidad.
LAUNCHING PROMO! Makakumpleto ng 2 entries at makakuha ng LIBRENG limited-edition Tuklas Pilipinas tumbler!
Anim (6) na piraso lamang ang available.
Halina't tuklasin, ibahagi, at ipagmalaki ang ganda ng Pilipinas isang pahina, isang kuwento, at isang alaala sa bawat ambag!