02/03/2026
π¨ ππππ πππππ | ππππππ ππππππππππ
πππ-πππ/ππ, ππππ πππβ PECU Apayao
Habang patungo sa nakatakdang paneling at inspection sa San Gregorio, Luna, Apayao, ang mga tauhan ng PNP-EOD/K9 PECU Apayao sa pangunguna ni PEMS Marcial Angaga, PNCOIC / EOD Technician ay nagkataong nakasaksi ng isang vehicular traffic accident sa kahabaan ng Brgy. Sta. Lina.
Ayon sa paunang impormasyon, isang motorsiklo na may angkas ang aksidenteng nabangga ang isang asong gala na biglang tumawid sa kalsada, dahilan upang mawalan ng kontrol ang rider at magresulta sa aksidente.
Agad na nagbigay ng tulong ang team at isinugod sa pagamutan ang babaeng biktima na kinilalang Princess May P. Capiral, 27 taong gulang, sa Far North Luzon Hospital and Training Center para sa agarang medikal na atensyon.
Ang mabilis na pagtugon at malasakit ng ating kapulisan ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong makatao at pagtupad sa tungkuling maglingkod at magprotekta naisasaloob ang serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.