03/06/2026
๐๐ผ๐ฏ. ๐๐๐ป ๐๐ฏ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฒ, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ข๐ฆ๐ง; ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฒ๐ป ๐๐ฎ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐, ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐
โIf Saudi became a rich country, as long as we manage it properly, why canโt we?โ, ito ang naging pahayag ng inyo pong lingkod, Gob. Jun Ebdane, sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) kasama sina Mayor Dok Arvin Antipolo ng San Antonio, at Mayor Jun Omar C. Ebdane ng Botolan na ginanap ngayong araw sa Conference Hall ng Bayan ng San Antonio.
Sa nasabing pagpupulong, ipinaliwanag ni Dr. Karmina A. Aquino, Project Leader ng Hydrogen SEEP ng DOST, na batay sa kanilang isinagawang pag-aaral ay may malaking hydrogen gas reserve sa Bayan ng San Antonio, partikular sa Nagsasa Cove, at sa Brgy. Poonbato sa Bayan ng Botolan.
Ang Hydrogen SEEP: Sustainable rock-derived Energy Exploration in the Philippines Project ay bahagi ng malawakang pag-aaral ng DOST upang tukuyin ang mga lugar sa bansa na may potensyal na pinagkukunan ng hydrogen gas, isang malinis at alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.
Ayon sa pag-aaral, ang Nagsasa seep ay naglalabas ng tinatayang 808 tonelada ng geologic hydrogen kada taonโisa sa pinakamataas na naitalang hydrogen emissions mula sa ophiolites sa buong mundo, na mas mataas pa sa naitalang rekord ng Albania noong 2024, na maaaring magdulot ng malaking pakinabang sa mga bayan, sa lalawigan, at maging sa buong bansa.
Patuloy naman ang isinasagawang pag-aaral ng DOST sa mga nasabing lugar at ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga posibleng proyekto at programang maaaring maisakatuparan sa hinaharap.
Samantala, โIf Zambales becomes the center of all of this, we really need to work this out. We need local geologists. Gaya ng ginawa natin sa PRMSU kung saan nagkaroon tayo ng Mining Engineering course, bakit hindi rin magkaroon ng kurso para sa geology? Kailangan natin ng mga eksperto,โ dagdag pa ng Gobernador.
Mahalagang makapaghanda ang lalawigan ng sariling hanay ng mga eksperto upang maging katuwang sa pagpapaunlad at pamamahala ng mga proyektong may kaugnayan sa hydrogen gas kung ito ay maisakatuparan sa hinaharap.
โWe appreciate your efforts, Kung ano ang maitutulong ng probinsya, magsabi lamang kayo,โdagdag na pahayag bilang suporta sa patuloy na pananaliksik ng DOST sa lalawigan.
Kasama sa pagpupulong sina ARD Romeolito G. Tacbian ng DOST Regional Office III, OIC Clarissa G. Villanueva ng Geosciences Division ng MGB Regional Office III, PD Bernardita D. Montevirgen ng DOST-Zambales, Acting ENROZ Liberty P. Hilario, Acting Assistant Provincial Engineer Julio Arbolante, G. Emmanuel C. Adaoag ng PPDO, mga opisyal ng LGU San Antonio at LGU Botolan, mga Punong Barangay, at Ms. Larraine B. Rico, Executive Asisstant to the Governor.
Makakaasa ang DOST na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, sa pamumuno ng inyo pong lingkod Gob. Jun Ebdane, ay patuloy na magiging katuwang sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lalawigan at ng buong bansa.