Sangguniang Bayan of Virac

Sangguniang Bayan of Virac ๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ, the legislative body of the LGU Viracโ€” managed by the Office of the Vice Mayor.

๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ, the legislative body of the LGU Virac. Managed by the Office of the Vice Mayor, this page serves as a channel for transparent governance, timely legislative updates, and active public engagement -- all in service of every Viracnon.

Nakikiisa ang Sangguniang Bayan ng Virac at si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sa pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Cal...
05/06/2026

Nakikiisa ang Sangguniang Bayan ng Virac at si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sa pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Calabnigan.

COMMITTEE MEETING | Hunyo 4, 2026Nagpulong ang iba't ibang komite ng Sangguniang Bayan ng Virac noong Hunyo 4, 2026, sa ...
04/06/2026

COMMITTEE MEETING | Hunyo 4, 2026

Nagpulong ang iba't ibang komite ng Sangguniang Bayan ng Virac noong Hunyo 4, 2026, sa SB Session Hall upang masusing talakayin ang mga panukalang resolusyon, ordinansa, at iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa kaunlaran at kapakanan ng bayan.

Inendorso para sa ikalawa at pinal na pagbasa ang mga taunang badyet ng Sangguniang Kabataan ng mga Barangay Dugui San Vicente, Cabihian, San Vicente, F. Tacorda Village, Concepcion, at Pajo San Isidro. Inendorso rin ang panukalang resolusyon na humihiling ng tulong sa mga Barangay Council sa pagtukoy sa mga may-ari ng mga motorsiklong gumagamit ng open pipes. Ang nasabing mga panukala ay inakda ni Konsehal Ariel G. Molina.

Samantala, napagkasunduan ng Committee on Peace and Order and Public Safety na itakda para sa karagdagang talakayan ang panukalang ordinansa na inakda ni Bise Alkalde Lemuel P. Surtida. Layunin ng ordinansang ito na iregula ang paggamit ng mga face-concealing gear sa mga pampublikong lugar upang mapadali ang pagkilala sa mga suspek sa oras ng insidente at mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.

Nagdaos din ng orientation ang Committee on Public Utility and Transportation para sa mga bagong aplikante at mga nag-renew ng kanilang Motorized Tricycle Operatorโ€™s Permit (MTOP), bilang bahagi ng pagpapatibay ng mga patakaran at regulasyon sa sektor ng transportasyon sa bayan.

Bukod dito, nagsagawa rin ng pagpupulong ang Committee on Infrastructure and Public Works upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng Public Cemetery, partikular ang mga pinsalang dulot ng isinasagawang konstruksyon ng kalsada at drainage system sa Barangay Gogon Centro.

Nagtipon din ang Committee on Games and Amusement, Committee on Rules and Privileges, at Committee on Planning, Zoning and Land Use.

Maligayang kapistahan, Barangay Talisoy! Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang sainyong pagdiriwang.
04/06/2026

Maligayang kapistahan, Barangay Talisoy! Nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang sainyong pagdiriwang.

22ND REGULAR SESSIONIsinagawa ngayong araw, Hunyo 2, 2026, ang ika-22 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Virac sa S...
03/06/2026

22ND REGULAR SESSION

Isinagawa ngayong araw, Hunyo 2, 2026, ang ika-22 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Virac sa SB Session Hall bilang bahagi ng patuloy na pagtupad sa mga tungkuling lehislatibo ng lokal na pamahalaan.

Sa nasabing sesyon, inaprubahan ng konseho ang ordinansang inakda ni Konsehal Lyle Benson R. Cabrera na nagtatakda ng komprehensibong mga alituntunin para sa pagpapatupad ng Grant-Based Thesis Support Program ng Bayan ng Virac.

Inaprubahan din ang mga resolusyong nagbibigay ng pahintulot para sa pagkakaloob at pag-renew ng Motorized Tricycle Operatorโ€™s Permit (MTOP) ng mga kwalipikadong aplikante. Ang mga nasabing resolusyon ay inakda nina Konsehal Joseph L. Mendoza, Konsehal Anthony A. Arcilla, at Konsehal Danilo A. Romero.

Samantala, inendorso na para sa ikatlo at pinal na pagbasa sa susunod na Regular Session ang mga ordinansang inakda ni Konsehal Angelo Piolo M. Laynes. Kabilang dito ang panukalang ordinansa para sa pagtatatag ng Animal Bite Treatment Center sa Bayan ng Virac at ang panukalang nag-iinstitusyonalisa ng taunang pagdaraos ng May Measurement Month bilang bahagi ng pagsusulong ng kalusugan at wastong nutrisyon sa komunidad.

ONGOING: The 22nd Regular Session of the Sangguniang Bayan of Virac was called to order this Tuesday, June 2, 2026, at t...
02/06/2026

ONGOING: The 22nd Regular Session of the Sangguniang Bayan of Virac was called to order this Tuesday, June 2, 2026, at the SB Session Hall.

Mula sa Sangguniang Bayan ng Virac at kay Vice Mayor Lemuel P. Surtida, isang maligayang kapistahan sa Barangay Pajo Bag...
31/05/2026

Mula sa Sangguniang Bayan ng Virac at kay Vice Mayor Lemuel P. Surtida, isang maligayang kapistahan sa Barangay Pajo Baguio!

Nakibahagi ang Sangguniang Bayan ng Virac, kasama si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sa isinagawang Exit Conference ng Comm...
29/05/2026

Nakibahagi ang Sangguniang Bayan ng Virac, kasama si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sa isinagawang Exit Conference ng Commission on Audit (COA) kahapon, Mayo 28, 2026, sa Mayorโ€™s Office Conference Room.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang resulta ng audit na isinagawa ng COA kaugnay sa pananalapi, mga programa, at iba pang proyekto ng lokal na pamahalaan para sa nakalipas na taon. Nagbigay rin ang COA ng mga mungkahi upang mahigit pa ang sistema ng pamamahala.

Ang mga dumalo sa pagpupulong ay sina Vice Mayor Surtida, Chairman ng Committee on Finance, Budget/Appropriations na si Konsehal Ariel G. Molina, at si Sangguniang Bayan Secretary na si Ms. Susan B. Isidoro.

Dumalo ang Sangguniang Bayan ng Virac sa isinagawang Serbisyo Caravan at Solution-Seeking Dialogue kahapon, Mayo 28, 202...
29/05/2026

Dumalo ang Sangguniang Bayan ng Virac sa isinagawang Serbisyo Caravan at Solution-Seeking Dialogue kahapon, Mayo 28, 2026, sa Covered Court ng Barangay Bigaa.

Kasama ang ibaโ€™t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga kawani ng gobyerno, layunin ng nasabing aktibidad na mailapit sa mamamayan ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan at mapakinggan ang kanilang mga hinaing at mungkahi para sa mas maayos na serbisyong publiko.

COMMITTEE MEETING | May 28, 2026Isinagawa kahapon, Mayo 28, 2026, ang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng Virac sa...
29/05/2026

COMMITTEE MEETING | May 28, 2026

Isinagawa kahapon, Mayo 28, 2026, ang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng Virac sa SB Session Hall.

Pinangunahan ito ng Committee on Public Utility and Transportation, kung saan isinagawa ang sabayang evaluation at orientation para sa mga bagong aplikante at mga aplikanteng nagpa-renew o nagpa-update ng kanilang Motorized Tricycle Operatorโ€™s Permit (MTOP).

Sa isinagawang pagpupulong, masusing sinuri ng komite ang mga isinumiteng requirements ng bawat aplikante. Nagbigay rin ito ng mahahalagang paalala hinggil sa wastong pagsunod sa mga alituntunin sa pampublikong lansangan upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng lahat.

Samantala, nagsagawa rin ng pagpupulong ang Committee on Good Government at ang Committee on Women, Health, and Sanitation.

Isang Maligayang Kapistahan, Barangay Casoocan! Nakikiisa ang Sangguniang Bayan ng Virac at si Vice Mayor Lemuel P. Surt...
28/05/2026

Isang Maligayang Kapistahan, Barangay Casoocan! Nakikiisa ang Sangguniang Bayan ng Virac at si Vice Mayor Lemuel P. Surtida sainyong selebrasyon.

Address

Brgy. Salvacion
Virac

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan of Virac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share