Catanduanes Daily Chronicle

Catanduanes Daily Chronicle Independent journalism from the heart of Catanduanes. Reliable. Unbiased. Grounded in truth. Balitang maaasahan, mula sa isla, para sa bayan.

๐ƒ๐๐–๐‡: ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž๐ ๐ซ๐ž๐ฅ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐‚๐š๐ญ๐’๐” ๐‚๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ž๐ฎ๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐š๐ง๐ก๐ข ๐ง๐  ๐œ๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ž๐ฅ๐š๐ฒ ๐•๐ˆ๐‘๐€๐‚, ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’ โ€” Isa sa mga pang...
05/10/2025

๐ƒ๐๐–๐‡: ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž๐ ๐ซ๐ž๐ฅ๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐  ๐‚๐š๐ญ๐’๐” ๐‚๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ž๐ฎ๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐š๐ง๐ก๐ข ๐ง๐  ๐œ๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ž๐ฅ๐š๐ฒ

๐•๐ˆ๐‘๐€๐‚, ๐‚๐€๐“๐€๐๐ƒ๐”๐€๐๐„๐’ โ€” Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkaantala sa pagpapatayo ng Coliseum Project sa loob ng Catanduanes State University (CatSU) ay ang isyu ng proposed relocation o panukalang ilipat ang proyekto sa ibang lokasyon, ayon sa opisyal na pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region V.

Sa inilabas nitong opiysal na pahayag kaugnay ng umereng report sa โ€œKapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)โ€, nagmungkahi umano si Congressman Eulogio R. Rodriguez na ilipat na ang proyekto sa isang panibagong lokasyon sa hilagang-kanlurang bahagi ng CatSU.

Bagamaโ€™t hindi tumutol ang pamunuan ng unibersidad sa mungkahing lugar, natukoy sa mga isinagawang pag-aaral na may mga problema sa titulo ng lupa, kabilang ang apat na lote na may adverse claims, at presensiya ng NPC power lines na kailangan ding ilipat bago maipagpatuloy ang konstruksyon.

Nagresulta ito sa panibagong mga konsultasyon at koordinasyon sa pagitan ng DPWH at National Power Corporation (NPC), na lalo pang nagpabagal sa takbo ng proyekto.

Dahil sa mga suliraning ito, sinabi ng DPWH na nagkaroon na ng โ€œpolitical interventionโ€ sina former Governor Joseph Cua at Former Virac Mayor Sammy Laynes na kapwa na humiling na ilipat na lamang ang proyekto sa Barangay Cavinitan, sa lupang pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng Virac kung saan walang aberyang kahaharapin ang proyekto.

๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐“๐”๐“๐Ž๐‹ ๐๐ˆ ๐ƒ๐‘. ๐€๐™๐€๐๐™๐€

Ngunit ayon din sa pahayag, mariing tinutulan ni Gov. Patrick Alain Azanza, na nooโ€™y presidente pa ng CatSU, ang naturang panukala.

Iginiit umano ni Azanza na ang proyekto ay talaga namang nakalaan para sa CatSU at sa mga estudyante nito kaya't dapat manatili sa loob ng campus.

โ€œThe project is really intended for CatSU and its students,โ€ ayon sa official statement.

Sa dating panayam ni Azanza sa Radyo Peryodiko, sinabi niya na dapat lamang itayo ang proyekto sa loob ng CatSU dahil siya mismo umano ang personal at pangunahing nag-ayos at nagdala sa isla ng katuparan ng proyekto.

โ€œBasta ang importante sakuya, magtindog an sa laog sa CatSU. Aram nin gabos kung sisay an naglakaw kaiyan, naggibo nin plano, naglobby ng pondo: Si Dr. Azanza an!" pagmamalaki niya.

Sa kanyang Facebook post, magugunitang taos-pusong nagpasalamat si Azanza kay AKO BICOL Partylist Representative Zaldy Co na siyang tumulong sa kanya upang madala sa CatSU ang โ‚ฑ341-milyong Coliseum Project na pagugulungin sa bisa ng 2023 at 2024 General Appropriations Act.

โ€œMabalos tabi Cong. Zaldy Co and Brod Pido Garbin for this project kan Ako Bicol Partylist na makatabang bako sana sa CatSU kundi sa bilog na Happy Island kan Catanduanes!โ€ pahayag ni Azanza.

๐’๐ˆ๐๐ˆ๐’๐ˆ ๐€๐๐† ๐๐”๐€๐‘๐‘๐˜ ๐Ž๐๐’ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐“ ๐’๐ˆ ๐Ž๐๐Ž๐๐†

Bukod sa isyung politikal, binanggit din ng DPWH na naapektuhan ang proyekto suspensyon ng quarry operations, at masamang panahon.

Noong Hulyo 1, 2025, naglabas si Gov. Azanza ng Executive Order No. 1, Series of 2025 na pansamantalang nagpahinto sa lahat ng quarrying activities sa Catanduanes.

Sinundan ito ng kaparehong kautusan sa Albay noong Setyembre, na lalong nagpabagal sa pagkuha ng construction materials.

Dagdag pa rito, humiling din ang kontraktor ng time extension dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at epekto ng Bagyong Opong noong Setyembre 25โ€“26, 2025, na nagpahinto sa mga aktibidad sa konstruksiyon bago, habang, at matapos ang bagyo.


๐๐Ž๐๐ƒ๐Ž ๐Š๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐“ ๐๐† ๐๐ˆ๐‘๐Œ๐€๐˜พ๐™๐™ž๐™ฏ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž ๐™๐™ค๐™ข๐™ช๐™–๐™ก๐™™๐™š๐™ฏ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ช ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ข๐™ฅ๐™š๐™–๐™˜๐™๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ซ๐™จ. ๐™‘๐™‹ ๐™Ž๐™–๐™ง๐™–Parang pelikulang paulit-ulit na lan...
30/09/2025

๐๐Ž๐๐ƒ๐Ž ๐Š๐€๐๐€๐‹๐ˆ๐“ ๐๐† ๐๐ˆ๐‘๐Œ๐€
๐˜พ๐™๐™ž๐™ฏ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž ๐™๐™ค๐™ข๐™ช๐™–๐™ก๐™™๐™š๐™ฏ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ช ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ข๐™ฅ๐™š๐™–๐™˜๐™๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐™ซ๐™จ. ๐™‘๐™‹ ๐™Ž๐™–๐™ง๐™–

Parang pelikulang paulit-ulit na lang ang script ng politika sa Kamaraโ€”at sapagkakataong ito, si Senador Francis โ€œChizโ€ Escudero naman ang nagsiwalat ng kontrabida.

Matinding akusasyon ang ibinato ni Senador Francis โ€œChizโ€ Escudero laban kay dating Speaker at ngayoโ€™y Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice president Sara Duterte.

Sa kanyang pahayag sa plenaryo ng Senado nitong Lunes, sinabi ni Escudero na ginamit umano ni Romualdez ang mga pondong nakapailalim sa โ€œfor-later-releaseโ€ (FLR) upang pilitin ang ilang miyembro ng Kamara na pumirma sa reklamong pagpapatalsik kay Duterte.

โ€œGinamit ni Martin Romualdez ang FLR at pati pangalan ni Pangulong Marcos para itulak ang unconstitutional na impeachment complaint. Sabi nila, โ€˜Pumirma kayo, kung hindi, hindi ilalabas ang pondo niyo bago ang eleksyon,โ€™โ€ ani Escudero sa wikang Ingles.

Dagdag pa ng senador, tumanggi si Pangulong Ferdinand โ€œB**gbongโ€ Marcos sa naturang plano kayaโ€™t nanatiling nakabinbin ang pondo.

Noong Agosto, sa ilalim ng pamumuno ni Escudero, ibinasura ng Senado at inilagay sa archive ang impeachment articles laban kay Duterte matapos ideklarang labag sa Konstitusyon ng Korte Suprema.

Hindi pa natapos si Escudero sa pagbira. Ayon sa kanya, si Romualdez ang nasa likod ng โ€œscript at sarsuwelaโ€ na nagdudulot ng kaguluhan at pagkakawatak-watak sa bansa.

โ€œIisang tao lamang, Ginoong Pangulo, ang nasa script at sarsuwelang ito. Siya ang dahilan ng kaguluhan, pagkakaaway-away, at pagkakawatak-watak na ngayoโ€™y yumayanig sa ating bayan maprotektahan lamang ang sarili niya," sabi ng senador.

โ€œAng pangalan niya ay matagal nang bulung bulungan sa bawat sulok ng bansa, pero ngayon, unti unti nang sinisigaw ng taumbayan. Pero bakit tila ang Kamara, ang Senado at ang ilang media ay hindi pa din kayang sambitin ang pangalan niyaโ€ Pwes, sasabihin ko: Martin Romualdez,โ€ paliwanag ni Escudero.

Samantala, pinabulaanan naman ito ni Romuladez sa isang opisyal ni pahayag at sinabing DDS script lamang ang mga pinagsasabi ni Escudero.

โ€œMalinaw naman ang katotohanan. Ang talumpati ni Senator Escudero ay hindi tungkol sa pananagutan, kundi para isulong ang kanyang personal na ambisyon. It was a performance designed to profess loyalty and service to Vice President Sara Duterte, and to position himself as her ally for 2028,โ€ ayon kay Romualdez. #


๐•๐Œ ๐„๐ซ๐ข๐œ ๐‘๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ณ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐๐š๐ง, ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ, ๐๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐  ๐•๐Œ๐‹๐โ€“๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซLEGAZPI CITY โ€” Nahal...
19/09/2025

๐•๐Œ ๐„๐ซ๐ข๐œ ๐‘๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ณ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐๐š๐ง, ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ, ๐๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐  ๐•๐Œ๐‹๐โ€“๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ

LEGAZPI CITY โ€” Nahalal bilang bagong Regional President ng Vice Mayorsโ€™ League of the Philippines (VMLP) โ€“ Bicol Chapter si Hon. Eric T. Rodriguez, Vice Mayor ng Pandan, Catanduanes, sa isinagawang eleksiyon noong Setyembre 18, 2025 sa Marison Hotel, Legazpi City.

Itinuturing na malaking karangalan at responsibilidad ang pagkakahalal kay Rodriguez, na ngayon ay mamumuno sa hanay ng mga bise-alkalde mula sa ibaโ€™t ibang lalawigan ng Bicol.

Sa kanyang inaugural speech, nagpasalamat si Rodriguez sa mga kapwa vice mayor sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya. Ipinangako niyang magsisilbi nang tapat at itataguyod ang mas matibay na ugnayan at kooperasyon ng mga kasapi ng liga upang mapalakas ang papel ng mga bise-alkalde sa pamahalaang lokal.

โ€œAng pagkakaisa at pagtutulungan ang ating magiging susi sa pagtugon sa mga hamon at oportunidad ng ating rehiyon,โ€ ani Rodriguez.

Kabilang sa mga nahalal na opisyal ng VMLPโ€“Bicol ay sina:

Vice President: VM Ahrdail Baldo โ€“ Camalig, Albay
Secretary General: VM Jeana Yapyuco โ€“ Mercedes, Camarines Norte
Treasurer: VM Edsel Dimaiwat โ€“ Iriga City
Auditor: VM Celso Lao Jr. โ€“ Pilar, Sorsogon
Public Relations Officer: VM Charmax Jan Yuson โ€“ Batuan, Masbate

Samantala, nahirang bilang Board of Directors sina:

VM Atty. Gerard Ponon โ€“ Nabua, Camarines Sur
VM Luis Gutierrez โ€“ Legazpi City
VM Lemuel Surtida โ€“ Virac, Catanduanes
VM Casimero Padilla โ€“ Jose Panganiban, Camarines Norte
VM Michael Guysayco โ€“ Bulusan, Sorsogon
VM Fernando Mogueis โ€“ San Fernando, Masbate

Dumalo rin sa eleksiyon si VMLP National Interim President Hon. VM Maynard Francis Bumanglag, gayundin ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region V sa pamumuno ni Regional Director Atty. Arnaldo E. Escober Jr.

Ang VMLP ay isang pambansang samahan na naglalayong pag-isahin ang mga bise-alkalde ng bansa upang magkaroon sila ng mas matibay na boses sa paghubog ng mga patakaran at programang makatutulong sa kaunlaran ng kanilang mga nasasakupan.


๐๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐๐๐Œ, ๐›๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ญ๐š๐: ๐€๐ฉ๐ฉ๐จ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ž ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ. ๐€๐ณ๐š๐ง๐ณ๐š ๐›๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐š ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ง๐  ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐ข๐๐š๐Sangguniang Panlalawigan tumindig l...
19/09/2025

๐๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐๐๐Œ, ๐›๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ญ๐š๐: ๐€๐ฉ๐ฉ๐จ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ž ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ. ๐€๐ณ๐š๐ง๐ณ๐š ๐›๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐š ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ง๐  ๐ข๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐ข๐๐š๐

Sangguniang Panlalawigan tumindig laban sa umanoโ€™y maling deklarasyon at kwestyonableng rekord ni Atty. Tamayo

VIRAC, CATANDUANES โ€” Nayanig ang regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan matapos pitong provincial board members ang nagkaisa upang ibasura ang kahilingan ni Governor Patrick Azanza na pumasok sa contract of service kay Atty. Ramil Tamayo bilang Attorney IV, Chief of Staff, at Special Project Officer.

Nag-ugat ang pagtutol sa umanoโ€™y hindi pagsasabi ni Tamayo sa kanyang Personal Data Sheet (PDS) na siya ay naging nominee ng partylist group AKO TANOD, na nabigong makakuha ng puwesto noong 2025 elections. Para kina Board Members Arnel Turado at Giovanni Balmadrid, malinaw itong paglabag sa katapatan na mahalagang sangkap ng serbisyo publiko.

Itinulak ng mayorya ang mga batayang dahilan sa disapproval:

Ang maling pahayag sa ilalim ng panunumpa ay direktang salungat sa pamantayan ng integridad at maaaring ikonsiderang kasong kriminal gaya ng perjury;

Ang kawalan ng katapatan sa opisyal na dokumento ay nagpapakita ng kawalan ng moral fitness at respeto sa tungkulin;

Ang pagbibigay daan sa isang taong may bahid ng pagsisinungaling ay naglalagay sa pamahalaang panlalawigan sa panganib ng reputasyonal na pinsala at legal na pananagutan.

Nagpasiklab pa ng usapan ang mga alegasyon sa social media na inuugnay si Tamayo sa umanoโ€™y iligal na koleksyon mula sa quarry operators at iba pang kontrobersyal na gawain, na lalo pang nagpahigpit sa desisyon ng mga board members.

Sa botohan, bumoto laban sa appointment sina Turado, Balmadrid, Tito Villamor, Doc Santos Zafe, Josevan Balidoy (kaalyado ni dating Vice Gov. Peter Cua), pati na ang mga batang mambabatas na sina SK Federated Chair Alvin Rodriguez at Fred Benedict Gianan.

Tatlo lamang ang umayon sa kahilingan ng gobernador: sina Board Members Edwin Tanael, Xyriel Albaniel, at Jose Romeo Francisco, na siyang namumuno sa Committee on Justice and Human Rights. Kapansin-pansin na noong committee hearing, si Tanael pa mismo ang mariing tumutol bago nagbago ng posisyon sa plenaryo.

Bunga ng desisyon, hindi maitutuloy ang pagpasok ni Tamayo sa serbisyo. Ayon sa pamunuan ng Sanggunian, magsasagawa sila ng follow-up investigation at titiyakin na susunod ang lahat sa umiiral na batas at pamantayan ng good governance.

Nanindigan ang Sangguniang Panlalawigan na hindi nila isasantabi ang integridad at pananagutan, lalo na sa pagpili ng mga taong gagampan ng sensitibong tungkulin sa pamahalaang panlalawigan.


๐‚๐จ๐ง๐ . ๐‘๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ณ ๐ง๐  ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ, ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ฅ๐ข๐œ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ: ๐€๐ฌ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ญ ๐š๐ง๐š๐ค ๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐จโ€™๐ฒ ๐›๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐๐Ÿ”๐Ÿ๐Ÿ’๐Œ ๐ค๐จ๐ง๐ญ...
18/09/2025

๐‚๐จ๐ง๐ . ๐‘๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ณ ๐ง๐  ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ, ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ฎ๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ฅ๐ข๐œ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐ญ: ๐€๐ฌ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ญ ๐š๐ง๐š๐ค ๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐จโ€™๐ฒ ๐›๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐๐Ÿ”๐Ÿ๐Ÿ’๐Œ ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ƒ๐๐–๐‡.

VIRAC, CATANDUANES โ€” Lalong umiigting ang usapin ng conflict of interest laban kay Catanduanes Lone District Representative Eulogio โ€œLeoโ€ Rodriguez matapos mabunyag na ang kanyang asawa at anak umanoโ€™y direktang nakinabang sa mga kontratang pinondohan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa mga dokumento na nakalap ng Catanduanes Tribune, ang E.R. Rodriguez Construction Corporation, na pinamumunuan ng asawa ng kongresista na si Merlinda Rodriguez, ay nakakuha ng tatlong flood control projects sa Paraรฑaque City mula 2023 hanggang 2024, na may kabuuang halagang humigit-kumulang P300 milyon. Idagdag pa rito ang P54.9 milyong road opening project sa Minaabat, Viga patungong Sicmil, Gigmoto na pirmado isang araw bago manungkulan si Rodriguez bilang kongresista noong Hunyo 2022.

Samantala, ang kanyang anak na si Eula Merl Rodriguez ay umanoโ€™y nakapangalan sa Euro Construction and Supply, na nakakuha rin ng mga kontrata mula DPWH. Kabilang dito ang P29.3 milyong seawall project sa San Andres, Catanduanes at dalawa pang flood control projects sa Paraรฑaque na nagkakahalaga ng mahigit P60 milyon.

Sa kabuuan, tinatayang umabot sa mahigit P624 milyon ang halaga ng mga proyektong napunta sa pamilya Rodriguez mula DPWH โ€” bagay na nagbunsod ng matinding kritisismo at hinala ng pagsasamantala sa kapangyarihan.

Mariing ipinagbabawal ng 1987 Philippine Constitution ang tuwiran o di-tuwirang interes ng mga mambabatas sa mga kontrata o pribilehiyong ipinagkakaloob ng pamahalaan. Kung mapatutunayan ang alegasyon, maaaring masampahan si Rodriguez ng ethics complaint sa House of Representatives na posibleng humantong sa kanyang pagpapatalsik sa puwesto.

Para sa ilang taga-Catanduanes, hindi na ito ikinagulat. Matagal na umanong usap-usapan na malakas ang kapit ng kongresista sa mga district engineers at bidding ng mga proyekto. Ang pagkakadawit ng kanyang pamilya sa mga kontratang ito ay nakikitang matibay na ebidensya sa mga matagal nang alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sa Kamara, kabilang si Rodriguez sa listahan ng mga tinaguriang โ€œpoliticontractorsโ€ โ€” mga mambabatas na umanoโ€™y nakikinabang sa proyektong pinopondohan ng buwis ng taumbayan. Para sa mga kritiko, malinaw na larawan ito kung paano nagiging negosyo ng iilang pamilya ang sistemang dapat sanaโ€™y nagsisilbi sa interes ng publiko.

Samantala, nananatiling walang pahayag si Governor Patrick Azanza kaugnay ng isyu. Matatandaang naging magkaalyado sina Azanza at Rodriguez noong nakaraang halalan.

๐‘๐š๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ฉ ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐š๐ ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐š; ๐‚๐จ๐ง๐ . ๐‹๐ž๐จ ๐‘๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ณ ๐ง๐  ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ง๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฏ๐ž๐VIRAC, CA...
10/09/2025

๐‘๐š๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ฉ ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ง๐ญ๐š๐ ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ง๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐š; ๐‚๐จ๐ง๐ . ๐‹๐ž๐จ ๐‘๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐ณ ๐ง๐  ๐‚๐š๐ญ๐š๐ง๐๐ฎ๐š๐ง๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ง๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฏ๐ž๐

VIRAC, CATANDUANES โ€” Lumalakas ang usapin laban kay Catanduanes Lone District Representative Leo Rodriguez matapos lumitaw ang kanyang pangalan sa politician-contractor connection map ng Rappler, kasabay ng pagbubunyag sa House of Representatives hinggil sa umanoโ€™y ghost project na kinasasangkutan ng E.R. Rodriguez Construction Corp.

Batay sa ulat, si Rodriguez ay lumabas sa Rappler tracker bilang kabilang sa mga opisyal na may malapit na ugnayan sa mga kontratista na paulit-ulit na nakakakuha ng mga proyektong pinopondohan ng gobyerno. Kilala sa Catanduanes ang reklamo hinggil sa umanoโ€™y kontrol ng mga kongresista sa proseso ng bidding ng DPWH, at ang pagsulpot ng pangalan ni Rodriguez sa nasabing map ay nagpatibay sa hinala ng publiko.

Kasabay nito, lumitaw sa plenaryo ng Kamara ang usapin ng ghost project kaugnay ng E.R. Rodriguez Construction Corp., isang kompanya na nakarehistro sa pangalan ng asawa ng kongresista na si Merlinda โ€œSandaraโ€ Rodriguez. Ayon kay TGP Partylist Rep. B**g Teves, ipinapakita sa official reporting ng DPWH na 90% nang natapos ang road construction project sa Minaabat-Sicmil, Gigmoto, kahit wala pang 30% ang aktuwal na progreso batay sa beripikasyon.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang bagong kalihim ng DPWH, Secretary Vince Dizon, na papanagutin ang mga opisyal at kontratistang mapapatunayang sangkot sa naturang anomalya.

Sa Catanduanes, dagdag hinala ng ilan na lalong nakikita ang matagal nang obserbasyon: ang mahigpit na hawak ng mga kongresista sa mga district engineers at contractors, bagay na nagiging daan upang ang pondo para sa imprastruktura ay umiikot lamang sa mga piling tao.

Samantala, wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes at si Governor Patrick Azanza ukol sa pagkakadawit ni Cong. Rodriguez at ng kanyang asawa sa mga naturang usapin. Matatandaang magkaalyado ang dalawa noong nakaraang eleksyon.


๐•๐ˆ๐–๐€๐ƒ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜Pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng tubig ang mga sumusunod na lugar ayon sa Virac Water District. Ito...
26/08/2025

๐•๐ˆ๐–๐€๐ƒ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

Pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng tubig ang mga sumusunod na lugar ayon sa Virac Water District. Ito ay para bigyang daan ang emergency repairs ng kanilang tubo sa kahaban ng National Road.

-parts of Bigaa
-parts of Calatagan Tibang
-parts of Valencia

Ang interruption ay tinatayang tatagal mula 2:00 PM hanggang 5:00 PM ngayong araw, Agosto 26.

via Virac Water District


๐๐€๐†๐€๐’๐€, ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐‹๐š ๐๐ขรฑ๐š ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐žQUEZON CITY โ€” Naglabas ng La Niรฑa Watch ang Departme...
26/08/2025

๐๐€๐†๐€๐’๐€, ๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐‹๐š ๐๐ขรฑ๐š ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž

QUEZON CITY โ€” Naglabas ng La Niรฑa Watch ang Department of Science and Technology โ€“ Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ngayong Agosto 26, 2025, bilang babala sa posibleng pagsisimula ng La Niรฑa sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon sa PAGASA, nananatili pang ENSO-neutral (walang El Niรฑo o La Niรฑa) ang lagay ng klima sa karagatan ng tropikal na Pasipiko hanggang sa Agosto-Setyembre-Oktubre na panahon. Gayunman, ipinapakita ng mga modelo ng klima ang 55% tsansa na magsimula ang maikling yugto ng La Niรฑa sa pagitan ng Setyembre at Disyembre ngayong taon.

Ang La Niรฑa ay isang kondisyon kung saan mas malamig kaysa karaniwan ang temperatura ng dagat sa gitna at silangang bahagi ng ekwatoryal na Pasipiko. Karaniwang nagdudulot ito ng mas maraming bagyo at pag-ulan, na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa lalo na sa mga bulnerableng lugar.

Hinimok ng PAGASA ang mga ahensya ng gobyerno at publiko na maghanda at patuloy na subaybayan ang mga susunod na ulat, lalo naโ€™t papalapit na ang tag-ulan at panahon ng bagyo sa bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) sa (02) 8284-0800 local 4920 at 4921 o sa email na [email protected].


๐Ÿ ๐†๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฆ๐จ ๐›๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ฒ?Inanunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa...
26/08/2025

๐Ÿ ๐†๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ฆ๐จ ๐›๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ฒ?

Inanunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang opisyal na page ang dalawang simpleng hakbang upang makapag-apply sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino ( ) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino ( ) Program, pwede ka nang magkaroon ng sariling bahay sa mas mababang 3% housing loan interest kung pasok ka sa income requirement!

๐Ÿ’ฐ Income Limit:
๐Ÿ“ Metro Manila: hindi lalagpas sa โ‚ฑ47,855.82 buwanan
๐Ÿ“ Labas ng Metro Manila: hindi lalagpas sa โ‚ฑ34,685.82 buwanan

Dalawang hakbang lang para makapag-apply:

1๏ธโƒฃ Pumunta sa opisyal na website ng Pag-IBIG Fund โžก https://www.pagibigfund.gov.ph/4PH_Program.html

2๏ธโƒฃ Sundin ang instructions, punan ang form, at isumite ang mga requirements

๐Ÿ“Œ Huwag palampasin! Ito na ang pagkakataon mo para sa mas komportableng buhay.

โœ… Apply na ngayon!

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐๐€๐Š๐Ž๐!๐ˆ๐ฌ๐ซ๐š๐ž๐ฅ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ฎ๐ฉ๐ข๐ง ๐ง๐š  ๐š๐ง๐  ๐†๐š๐ณ๐š, ๐ฅ๐ข๐›๐จ-๐ฅ๐ข๐›๐จ๐ง๐   ๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ JERUSALEM โ€” Inaprubahan ng defense ...
26/08/2025

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐๐€๐Š๐Ž๐!
๐ˆ๐ฌ๐ซ๐š๐ž๐ฅ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ฎ๐ฉ๐ข๐ง ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐†๐š๐ณ๐š, ๐ฅ๐ข๐›๐จ-๐ฅ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ 

JERUSALEM โ€” Inaprubahan ng defense minister ng Israel nitong Miyerkules ang planong militar para sa pagsakop sa Gaza City, kabilang ang pagpapatawag ng humigit-kumulang 60,000 reservists, na naglalagay ng dagdag na presyon laban sa Hamas habang nagpupunyagi ang mga tagapamagitan para sa isang tigil-putukan.

Bilang tugon, sinabi ng militanteng grupong Palestino na malinaw itong nagpapakita ng โ€œhayagang pagwawalang-bahalaโ€ ng Israel sa mga pagsisikap na maitaguyod ang pagtigil ng labanan at kasunduan para sa pagpapalaya ng mga bihag sa halos dalawang taong labanan.

Inakusahan din nila si Punong Ministro Benjamin Netanyahu na โ€œtunay na sagabal sa anumang kasunduanโ€ at walang malasakit sa buhay ng mga Israeli hostages.

Kinumpirma ng isang tagapagsalita sa AFP ang kautusan ni Defense Minister Israel Katz na magpadala ng mas maraming tropa sa Gaza City. Samantala, sinabi ng isang opisyal ng Israel na naninindigan ang kanilang pamahalaan na dapat mapalaya ang lahat ng bihag sa anumang kasunduan.

Ang balangkas na inaprubahan ng Hamas ay nagmumungkahi ng paunang 60-araw na tigil-putukan, unti-unting pagpapalaya ng mga bihag, pagpapalaya ng ilang bilanggong Palestino, at probisyon para sa pagpasok ng tulong sa Gaza.

Noong unang bahagi ng Agosto, inaprubahan ng security cabinet na pinamumunuan ni Netanyahu ang plano para sakupin ang Gaza City, na nagdulot ng pangamba na lalo nitong palalalain ang matinding krisis pang-humanitarian sa Gaza.

Ayon sa ulat ng midya ng Israel, hindi pa nakakatawag si Netanyahu ng pagpupulong ng security cabinet upang talakayin ang pinakahuling panukala para sa tigil-putukan.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng kanyang opisina na iniutos ng punong ministro na โ€œpaiksiin ang mga timetable para makuha ang huling mga kuta ng terorista at tuluyang matalo ang Hamas,โ€ bagaman walang binanggit na tiyak na panahon.

Mula sa 251 bihag na kinuha ng Hamas noong atake noong Oktubre 2023 na siyang nagpasiklab ng digmaan, 49 pa ang nasa Gaza, kabilang ang 27 na sinasabi ng militar ng Israel na patay na.

Patuloy naman ang pag-aalay ng dasal ng ibaโ€™t ibang grupo dito sa Catanduanes para sa kapayapaan at pagkakaisa ng global community. Kabilang na rito ang mga peace adovcates basic faith communities, at iba pang religious orders.



๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐‘๐ž๐ฏ๐ข๐ž๐ฐ:๐ƒ๐๐–๐‡ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐†๐€๐’๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐†  โ‚ฑ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ“-๐๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐†  ๐๐Ž๐๐ƒ๐ŽHabang karamihan sa mga Pilipinoโ€™y nagkakandarapa sa...
26/08/2025

๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐‘๐ž๐ฏ๐ข๐ž๐ฐ:
๐ƒ๐๐–๐‡ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐†๐€๐’๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† โ‚ฑ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ“-๐๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐๐Ž๐๐ƒ๐Ž

Habang karamihan sa mga Pilipinoโ€™y nagkakandarapa sa paghahanap ng pondo para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, tila โ€œnakatiwangwangโ€ naman ang โ‚ฑ165 bilyong badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanatiling hindi nagalaw noong 2024, ayon sa datos ng Department of Budget and Management (DBM).

Sa inilabas na performance review, sinuri ng DBM ang kakayahan ng mga ahensya na gamitin ang kanilang pondo, kabilang ang pagtukoy kung alin ang na-obligate na (o nakatali na sa kontrata at proyekto) at alin ang nanatiling unobligated o hindi pa nagagamit.

Noong 2024, nasa โ‚ฑ1.4 trilyon ang kabuuang pondo ng DPWH mula sa regular na appropriations, unprogrammed funds, pondong inilipat mula sa ibang ahensya, at mga natirang pondo mula pa noong 2023.

Sa kabila nito, โ‚ฑ1.2 trilyon lamang ang kanilang na-obligate, dahilan para maiwan ang โ‚ฑ165 bilyon na hindi nagamitโ€”katumbas ng 11.8% unobligated funds. Itinuring pa rin itong โ€œsatisfactoryโ€ ng DBM.

Ngunit sa gitna ng mga ulat ng umanoโ€™y ghost projects at katiwalian sa flood control management, nananatiling may agam-agam sa kung paano ginugugol ng ahensya ang kanilang badyet.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umabot na sa humigit-kumulang โ‚ฑ545 bilyon ang inilaan sa flood control mula 2022.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang malawakang pagbaha tuwing tag-ulan.

Maraming proyektong pangbaha na idineklarang tapos ang nananatiling hindi magamit dahil sa mababang kalidad ng pagkakagawa.

Lalo pang naging matunog ang isyung ito kahapon matapos ang privilege speech ni Senador Panfilo โ€œPingโ€ Lacson na tumalakay sa maliliit na anomalya na nauugnay sa mga flood control projects sa bansaโ€”partikular ang tinaguriang โ€œFlooded Gates of Corruption.โ€

Inilahad niya ang maling praktis kung saan malaking porsyento ng pondo ang hindi napupunta sa mismong proyekto dahil kinukuha ito bilang kickbacks.

Napipilitan umano ang mga kontratista na gumamit ng mababang kalidad na materyales o kaya'y hindi tapusin ang mga proyekto.



๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐๐ž๐ฐ๐ฌ: ๐๐๐ ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐š๐ฌ ๐“๐จ๐ซ๐ซ๐ž ๐ˆ๐ˆ๐ˆ, ๐’๐ข๐ง๐ข๐›๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐๐ฐ๐ž๐ฌ๐ญ๐จ; ๐๐š๐ซ๐ญ๐š๐ญ๐ž๐ณ ๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญMANILA โ€” Sinibak na sa puwest...
26/08/2025

๐๐ซ๐ž๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐๐ž๐ฐ๐ฌ: ๐๐๐ ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐š๐ฌ ๐“๐จ๐ซ๐ซ๐ž ๐ˆ๐ˆ๐ˆ, ๐’๐ข๐ง๐ข๐›๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐๐ฐ๐ž๐ฌ๐ญ๐จ; ๐๐š๐ซ๐ญ๐š๐ญ๐ž๐ณ ๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ

MANILA โ€” Sinibak na sa puwesto bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si General Nicolas Deloso Torre III matapos ilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang memorandum na nag-uutos ng kanyang agarang pag-alis sa tungkulin ngayong Agosto 25, 2025.

Ayon sa memorandum mula sa Office of the President, itinalaga bilang kapalit ni Torre si Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., na agad na uupo bilang bagong pinuno ng pambansang pulisya.

Si Torre, na naupo bilang ika-31 PNP Chief noong Hunyo 2, 2025, ay nakilala bilang unang hepe mula sa Philippine National Police Academy. Sa ilalim ng utos, inatasan siyang magsagawa ng maayos na turnover ng lahat ng responsibilidad at dokumento sa bagong talagang pinuno.

Samantala, nananatiling tikom ang Malacaรฑang at PNP kung ano ang dahilan ng biglaang pagpapalit ng pamunuan. Inaasahan namang maglalabas ng opisyal na pahayag si General Nartatez sa mga susunod na oras hinggil sa kanyang mga plano at direktiba bilang bagong PNP Chief.


Address

Virac
4800

Telephone

+639810582130

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catanduanes Daily Chronicle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Catanduanes Daily Chronicle:

Share