13/10/2026
BARANGAY ASSEMBLY DAY
OCTOBER 24, 2026 1:00PM
BRGY HALL MASAPANG COVERED COURT
DUMALO. MAKIALAM. MAKILAHOK. MAKIISA.
📣 Inaanyayahan ang lahat ng residente sa kani-kanilang barangay sa Bayan ng Basud na dumalo at aktibong makilahok sa Barangay Assembly Day – 2nd Semester CY 2026.
Ang Barangay Assembly ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat mamamayan na maging informed, involved, at aktibong bahagi ng pamamahala ng barangay.
📌 Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 599, s. 2018, na nagdedeklara sa mga Sabado at Linggo ng Marso at Oktubre bilang Barangay Assembly Days, at sa DILG Memorandum Circular No. 2026-012 – Current Omnibus Guidelines for Barangay Assembly Day.
Sa Barangay Assembly, ikaw ay may pagkakataong:
✅ Alamin ang mga accomplishment, programa, proyekto, at kalagayang pinansyal ng barangay;
✅ Magtanong at magsalita tungkol sa mga isyu, saloobin, suhestiyon, at concerns ng komunidad;
✅ Magbigay ng rekomendasyon para sa mas mahusay na serbisyo at ikauunlad ng barangay; at
✅ Makilahok sa pamamahala at maging bahagi ng mga hakbang tungo sa mas maunlad na komunidad.
Ang Barangay Assembly ay nagsusulong ng transparency, accountability, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa lokal na pamamahala.
🤝 Sama-sama nating palakasin ang boses ng bawat residente.
Sa pakikilahok ng bawat isa, mas magiging bukas, responsable, maayos, at maunlad ang ating barangay!