16/07/2026
Pakikiisa ng Victoria Municipal Health Office sa pagdiriwang ng ika-52 na buwan ng Nutrisyon na may temang "Nutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan" nitong ika- 15 ng Hulyo 2026! 🌱🍃⚕️🩺
Ang malusog na pangangatawan at malinis na kalikasan ay nakaugnay sa pagbuo ng isang matatag at masiglang pamayanan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang masikatuparan ang programang ito. Ang Victoria Municipal Health Office sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dr. Pinafrancia Reyes, Medical Officer III Dr. Katrin Arago at MNAO Designate Nurse Gladys Javate ay ipinaabot ang pasasalamat sa suporta ng LGU Victoria, Oriental Mindoro sa pamumuno ni Municipal Mayor Richard V. Inciong (RVI Cares ), Vice Mayor Joselito C. Malabanan at SB Committee on Health Hon. Mercedita D. Dumas; sa Provincial DOH Office sa pagpapaunlak ng paanyaya na maging resource speaker si Mam Adriana Regis-Cueto (Nutritionist-Dietician) tungkol sa kalahalagan ng Nutrisyon, Kalikasan at Kalusugan at maging ang suporta ng DOH Representative Sir Raymond Garcia bilang kinatawan din ni Dr. Ramon Bombais; sa Provincial Health Office sa suporta at bilang si Mam Aira T. Dimaano (Nutritionist-Dietician) ang kinatawan para kay Dr. Cielo Ante.
Lalo't higit sa mga magulang, barangay officials at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na handang sumuporta at umalalay sa mga bata sa laban natin sa Malnutrisyon.
Natamo ng Brgy. Pakyas ang kampyunato sa Municipal Community Garden Contest kaya't sila din ang lalaban sa paligsahan sa Provincial level. Samantalang sa Cooking Contest na kaakibat ang Zero Waste Challenge, nagwagi ang Barangay Nutrition Scholars (BNS) ng Cluster 4: Poblacion 1, Poblacion 3, San Isidro at Duongan. Naiuwi naman ng Brgy. Macatoc ang kampyunato sa Nutri-Costume Contest at umuwi din namang may ngiti ang lahat ng kalahok dito sapagkat lahat ay may naiuwi ding premyo. Bukod dito, nakapagbahagi din tayo sa lahat ng food packs at vitamins.
Halina at maging bahagi tayo ng pagbabago!
Sa bawat masustansyang pagkain at bawat hakbang sa pangangalaga ng kalikasan, sama-sama nating binubuo ang isang mas MALUSOG at mas LUNTIANG kinabukasan! 🌱✨
Maligayang ika-52 buwan ng Nutrisyon!