Vallehermoso Primary Care Facility

Vallehermoso Primary Care Facility Quality Health Care Services

01/04/2026

‼️DOH: MAS MATAAS ANG TYANSA MANGAGAT ANG ALAGANG HAYOP TUWING TAG-INIT!‼️

Sa tala ng DOH mula January 4 to March 14, 2026, mayroong 37 na kaso ng rabies. Mas mababa ito ng 48% kumpara sa nakaraang taon pero kailangan pa rin mag-ingat lalo ngayong tag-init.

Sa gantong panahon, mas nahihirapan magpalamig ang ating mga alagang hayop. Dahil dito, mas mabilis silang ma-stress at maging iritable na maaaring humantong sa pangangagat o pangangalmot.

Alamin sa video ang dapat gawin at maging resPAWnsible pet owner to stay PAWtected!





Vallehermoso Primary Care Facility Libreng TULI 2026Palista sa inyung Barangay Health Center...
31/03/2026

Vallehermoso Primary Care Facility

Libreng TULI 2026
Palista sa inyung Barangay Health Center...

30/03/2026

DOH, NAGPAALALA – MAY LAKAS SA PAGHINGI NG TULONG

Pag-usapan natin ang mga bagay na madalas nating sinasarili: pagod, lungkot, at mga pagkakataong gusto na nating umayaw.

Bakit?

Because, it’s okay not to be okay.

Baka may friend kang waiting lang sa 'Musta?' mo. Try mong i-message ngayon.





28/03/2026

‼️DOH-FDA: MAG-INGAT SA PEKENG ANTI-RABIES VACCINES!‼️

Sa halip na proteksyon, maaaring magdulot ng panganib sa katawan ang kahit anong pekeng bakuna at gamot.

Alamin sa video kung paano makasisigurong totoo at lehitimo ang mga bakunang binibili o ginagamit sa mga pasilidad.



25/03/2026

𝐘𝐞𝐬! 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 𝐜𝐚𝐧 #𝐄𝐧𝐝𝐓𝐁

Magpasuri. Magpagamot. Mag-TPTodo para protektado!

Ang TB ay nagagamot at napipigilan kung ito ay maagap na matutuklasan at magagamot nang tama.

✔️ Magpasuri kung may sintomas tulad ng ubo na lampas 2 linggo
✔️ Sundin ang tamang gamutan hanggang makumpleto
✔️ Mag-avail ng TB Preventive Therapy (TPT) para sa proteksyon

Bumisita sa pinakamalapit na health center para sa libreng konsultasyon at tamang gamutan.

Sama-sama nating wakasan ang TB!



19/03/2026

‼️DOH: HALOS 5 SA 10 KASO NG RABIES GALING SA ALAGANG HAYOP‼️

Mula noong nakaraang taon, 45% ng human rabies cases ay galing sa mga alagang hayop. Bagama’t bahagi na ng pamilya ang ating mga alaga, mahalaga pa ring maging maingat sa kanila upang maiwasan ang rabies.

Huwag maging kampante — panoorin ang video para malaman ang tamang paraan ng pakikisalamuha sa mga alagang hayop.

Tandaan, maging resPAWnsible pet owner to stay PAWtected! 🐾






17/03/2026

‼️ DOH: MGA LIDER SA KOMUNIDAD AT IBA PANG SEKTOR, MAKIISA SA "LIGHT UP PH" PARA SA PILIPINAS NA TUBERCULOSIS-FREE! ‼️

Ngayong March 24, 2026, ganap na 6:00 PM, inaanyayahan ang bawat lungsod at komunidad na sabay-sabay magsindi ng pulang ilaw bilang simbolo ng ating determinasyong wakasan ang TB sa bansa. Inaanyayahan ang mga organizer na gumamit ng alternative energy sources at makiisa sa light-up ceremony gamit lamang ang energy-efficient lighting sa loob lamang ng 5 minuto. Maging bahagi ng ating adhikain at i-download ang official Digital Kit dito: 🔗 bit.ly/LightUpPHforTB2026

🛡️ PAALALA: Manatiling protektado sa pamamagitan ng pagpapa-X-ray, pagtapos ng libreng gamutan, at pag-inom ng TB Preventive Treatment (TPT) para sa buong pamilya ayon sa reseta ng doktor.

📍 Hanapin ang pinakamalapit na pasilidad dito: ntp.doh.gov.ph/resources/facilities/

Yes! Pilipinas can : Magpasuri, Magpagamot at Mag-TPTodo para Protektado!






12/03/2026

‼️ MAGASTOS ANG TB KAPAG NAPABAYAAN; DOH AT CULION FOUNDATION NAGTULUNGAN PARA SA LIBRENG TEST AT GAMUTAN‼️

Ayon kay Mr. Eugenio Caccam ng Culion Foundation Inc., hindi matatapos ang problema sa TB kung hindi umiinom ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) ang mga naexpose sa TB.

Aniya, malaki ang papel ng pagtutulungan ng iba't ibang sektor para mas mapalakas ang mga programa kontra TB.

Yes! Pilipinas can : Magpasuri, Magpagamot at Mag-TPTodo para Protektado!





07/03/2026

‼️MAGNA CARTA PARA SA MGA BHW, SUPORTADO NG DOH‼️

Handa ang Department of Health (DOH) na magbigay ng suporta sa mga barangay health workers (BHW) sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga pamantayan para sa kanilang mga training, accreditation, at integrasyon sa primary care networks.

Kasunod ito ng pag-apruba ng kumite sa Senado para sa Magna Carta ng BHWs.

Kapag ito ay naisabatas, hindi lamang ito magbibigay ng pagkilala sa serbisyo ng mga BHW, kundi matitiyak din ang:
✅ makatarungang sweldo
✅ seguridad sa trabaho
✅ access sa angkop na mga pagsasanay para sa kanila

Buo naman ang suporta ng DOH sa panukalang ito na kabilang sa Health Executive Agenda for Legislation (HEAL) ng kagawaran dahil sa malaking gampanin ng mga BHW sa serbisyong pangkomunidad na naaayon sa mga layunin ng Universal Health Care Act.

Alinsunod din ito sa direktiba ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. na bumuo ng mas matatag at patas na sistemang pangkalusugan at maipaabot ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.

Balikan ang PinaSigla Episode 32 dito:
📌https://web.facebook.com/share/p/18H7zRRDRi/
📌https://www.youtube.com/watch?v=RNneMR_bKFA





Healthy Habits para sa Pag-iwas sa Kanser 💗Ang maagang pagtuklas ay may mas mataas na tsansa ng lunas. Kaya’t huwag magh...
26/02/2026

Healthy Habits para sa Pag-iwas sa Kanser 💗

Ang maagang pagtuklas ay may mas mataas na tsansa ng lunas. Kaya’t huwag maghintay ng sintomas bago kumilos.

✔️ Magpa-screening at regular na magpa-check up
✔️ Kumain nang tama at maging physically active
✔️ Iwasan ang bisyo tulad ng paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
✔️ Hikayatin ang pamilya at komunidad na maging aktibo sa pangangalaga ng kalusugan

Ngayong Buwan ng Cancer Awareness, sama-sama nating piliin at suportahan ang malusog na pamumuhay.

Ang ketong ay kayang gamutin — sinuman kayang gumaling! 💖Ang Leprosy Control Week ay ipinagdiriwang sa huling linggo ng ...
24/02/2026

Ang ketong ay kayang gamutin — sinuman kayang gumaling! 💖

Ang Leprosy Control Week ay ipinagdiriwang sa huling linggo ng Pebrero. 🎗️ Magkaisa tayo upang wakasan ang stigma at diskriminasyon laban sa mga taong may ketong. 🤝

Ang ketong ay nagagamot, ngunit ang patuloy na stigma ay nagdudulot ng hirap sa mga naaapektuhan. Sa halip, dapat nating:
📖 Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa ketong.
💕 Iwasan ang panghuhusga kundi suportahan natin ang may ketong.
🩺 Hikayatin ang pagpapatingin para sa maagang gamutan.

Tandaan: Kung may sintomas ng ketong, huwag mag-atubiling magpakonsulta agad sa doctor. Kapag nagsimula ka na sa gamutan, hindi ka na nakakahawa at pwedeng maiiwasan ang malubhang kapansanan. 🏥 💊

Sama-sama nating itaguyod ang pag-unawa, pagkalinga, at pag-asa para sa lahat! 🫂 💕




22/02/2026

MGA PAHINUMDOM SA MGA GUSTO MO- DONAR UG DUGO

✅ kinahanglan nga namahaw og dili mokaon ug mantikaon nga mga pagkaon usa ngadto sa duha ka oras sa dili pa modonar
✅ Dili magpulaw, ug kinahanglan nga nakatulog ug 6-8 ka oras ✅Pag-inom og daghang tubig
✅Dili manigarilyo sa wala pa ug pagkahuman sa pagdonar
✅Kung ikaw adunay tattoo, tusok sa lawas, operasyon, pagkuha sa ngipon o usa ka tuig nga pag-abuno sa dugo, dapat usa ka tuig ang milabay pag-abuno sa dugo.
✅Walay mga tambal (antibiotics) nga gi-inom sulod sa usa ka semana.
✅Ang mga babaye nga nagdonar kinahanglan dili mabdos o nagpasuso.
✅Alang sa mga babaye nga nagdonar nga adunay regla mahimong modonar og dugo sa ikatulong adlaw sa regla

Address

​Don Diego Dela Viña
Vallehermoso
6224

Telephone

+639161453255

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vallehermoso Primary Care Facility posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share